Chapter 26

221 8 3
                                    

Yaaay! The next chapter will be Epilogue. Thank you so much for reading, lovies. Every chapter is like a dream to me. Masaya ko kapag nakakapag update ako. It is always my dream to write and share it to people. Ang saya saya ko ngayon. At sana ma-appreciate niyo ito. 

-------

NAKASANDAL ang likod niya sa katawan ni Androse habang nakaupo sila sa sala ng kanilang mansiyon. Matapos nilang magdrama sa garden ay dinala siya nito sa loob ng bahay at inupo. Kasama pala nito ang kapatid at mga magulang. Hindi niya maiwasang kabahan, oo nga at pumayag na siya kasal pero hindi pa rin naman nawawala sa puso niya ang umasa. Hindi niya gustong makulong sa isang taong hindi naman niya mahal, at hindi rin siya mahal.

I really wished you were here, 'ma. Piping hiling niya.

Ang mga braso ni Androse ay nakapulupot sa kaniyang baywang. Na para bang mawawala siya kapag kumurap ito. Ang mukha nito ay nakadukdok sa leeg niya at maya't maya ang pag halik sa buhok niya. Hindi niya maiwasang mahiya sa sa mga magulang nito at pati na rin sa pamilya nila. Hindi pa nila naaayos ang gusot nila pero hayan at naglalandian na sila.

"Stop it. Nakakahiya sa parents mo." Pilit niyang binabaklas ang pagyapos nito. Pero lalo lamang humihigpit ang yakap nito.

"Stay still, love." Ungot nito habang nagkandahaba ang nguso. Nilingon naman niya ang pamilya niya when someone cleared her throat. It was Lexa. Masama ang tingin nito kay Androse.

She took a deep breath, "Umayos ka kasi."

"What? Maayos ako, please. Just let me be. Namiss kita, alam mo ba?"

It became impossible for her not to smile and feel giddy. Pero imbes na ipakita iyon ay kinurot na lamang niya ito making him winced.

"Ija, pag pasensiyahan mo na ang bunso ko. Simula kasi ng umuwi ka na rito sa inyo ay naging bugnutin na 'yan. Mukhang namiss ka talaga." Ani ng ina ni Androse. May maaliwalas itong ngiti para sa kaniya. Nakaupo ito sa katapat nilang couch, katabi ang asawa at si Ambrose. Na tahimik lang na nagmamasid.

"The Smith's are here tell you na iuurong na nila ang kasal. Ambrose doesn't want to get wed to you, as he already has someone. His words. And Androse doesn't want to force you to marry him instead." Mahina ngunit madiin ang bawat salitang binitiwan ng ama. Mukhang masama ang loob na hindi na tuloy ang kasal kuno niya.

Napansin naman niya ang malawak na pag ngiti ni Eleanor at ang pag irap ni Lexa sa papa nila. Ah, their defender.

"At ngayon niyo lang naisip 'yan? Sana noon pa, this girl right here won't even consider running away kung hindi dahil diyan sa fixed marriage niyo na 'yan. Are you people even real? Fixed marriage? Ano sila? Prinsesa at prinsepe?" Lexa was sitting as her legs were crossed. Ang kaliwang kamay ay nakapatong sa bewang nito at ang kanan naman ay naka angat, she was playing with her nails. Pinapatunog ang mga iyon. Wala kahit kanino ang tingin nito, para bang pinapakita nitong sawa na siya sa paksang iyon.

"Lexa." Their father warned Lexa.

But her sister being the bitch that she is, she didn't mind. "What? Totoo naman ah. Papayag naman pala kayong hindi sila magpakasal bakit pinatagal niyo pa? Flash news, hindi na uso ang arranged marriage ngayon. Nakakaumay kayo." Tumingin siya sa mga magulang ni Androse para sana humingi ng paumanhin para sa naging ugali ng kapatid niya. Pero mukhang hindi na kailangan. Malawak ang ngiti ng mag asawa, pati na rin si Ambrose ay mukhang nag e-enjoy sa pakikinig sa pagtataray ng kapatid niya.

"Paano na ang kompanya?" Tanong niya pagkatapos kay Androse. She knew it was his goal and dream to take over their business.

"Oh, that?" Balewala nitong sabi tsaka muling isinubsong ang mukha sa leeg niya.

COMMANDO 1: Nathalie JeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon