Chapter 42 ★ What Really Happened

3.5K 61 2
                                    

(UNEDITED)

☆ Kael ☆


We we're just gooping around here in the music room, the usual Jason the sleeping prince, si Jasper at Toper pareho hawak ang cellphone, paminsan minsan ngumingiti para silang tanga sa totoo lang. Inaantay kasi namain si Master na bumalik, para mapagpatuloy namin ang practice. Meron kasi kaming gig bukas ng gabi kaya panay ang ensayo namin. Lumabas muna sya sandali dahil napag desisyunan naming magbreak muna, he volunter na sya nalang ang bibili ng mamimeryenda dun sa cafe na malapit dito sa subdivison.


And speaking of the devil,


"What's with the face? Saka nasaan yung frappe ko?" Tanong ko agad sa kanya, yun kasi ang bilin ko na ibili nya para sa akin. Pero hindi nya ako sinagot, hindi rin maipinta ang mukha at  parang bang iritang-irita sya sa mundo, kunoot ang noo at nag-iigting ang panga.


"I saw them again. Tsk!" Mapait na sabi nya sabay bagsak ng katawan sa sofa. Nagkatinginan kami tatlo nila Jasper at Toper. Alam na! Kaya pala parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha e. At daig pa ang nalugi sa negosyo.


"And you did nothing?" Inosenteng tanong ko. Curious lang naman ako kung may ginawa ba sya o wala. Nilingon nya ako ng kunot pa rin ang noo.


"What did you expect me to do? Beat the heck out of him?" Panghahamon na tanong nya. "Kahit kating kati ang kamao kong gawin yun hindi ko pa rin gagawin.  Baka magalit si Angel sa akin at lalo ko pa syang hindi maka-usap. Isa pa hindi ako basagulero para gawin yun. I'm still sane. At baka nakakalimutan nyo wala PA akong karapatan gawin yun. And that sucks big time!" Pagra-rason nya. Napatango lang ako.


Wow! I'm amaze. He's really is thinking about Jessie's feeling this time.

"So? Itutuloy pa ba natin ang practice?" Tanong ko, co'z i got this feeling na hindi natuloy dahil wala na sya sa mood. Hindi naman kami makakapag practisce ng maayos kung wala ang vocalist diba?


"Tsk! Hindi... we should rest for now. Let's continue this tomorrow morning, tandaan nyo maaga tayo bukas." Inis pa ring sabi nya. Haha I knew it! Tumayo na sya sa kinauupuan nya at lumabas, for sure mag mumok-mok na naman sa kwarto nya yun.


Napailing na lang ako. Tapos may biglang pumasok sa isip ko. I think he had enough. He already learned his lesson at alam nya yun. I think he's been miserable enough at oras na siguro para sumaya na ulet sya. Hindi lang sya naka'cope up sa nangyari sa kanya kaya nasaktan nya ang mga tao sa paligid nya. But like what i've said he already learned his lesson. And I believe that everyone deserve a second chance. Masyado nga lang syang mabagal kumilos ngayon, kaya  naman tutulungan ko na sya.

The next evening


Kanina pa ako pasilip-silip sa bandang entrance nitong bar, inaantay ko kasi ang mga inimbitahan kong bisita pero hindi ko pa rin sila nakikita. I'm starting to get anxious but she promise na pupunta sila kaya nakapagtatakang wala pa rin sila hanggang ngayon, tutugtog na kami para sa ikalawang set namin. Geez i wonder what happpend.


In the middle of our song, unconsiously na patingin ulet ako sa bandang entrace, there i saw a group girls na kakapasok lang and they look familiar to me kahit pa medyo dim ang lights sa bandang yun. Hindi ko napigilang mapangiti, Finally! They're here!


Nakitang kong kumaway ang isa sa kanila kaya tumango lang ako as a sign na nakita ko na sila. Nilingon ko ang mga kasama ko, at mukha namang hindi nila, sila napansin. Good. I was smiling the whole time because i can't wait for us to finish para masimulan na ang plano ko. Ha-Ha-Ha

Reaching for the Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon