Chapter 37 ★ I've Decided

2.1K 45 6
                                    

♡ Jessie ♡


Ilang araw na ba? Tama... ilang araw na naman ang lumipas matapos ng gabing ipagtabuyan nya ko na para bang wala lang ako para sa kanya. That night after my friends take me home... I just couldn't sleep dahil mabigat talaga ang dibdib ko. I really felt rejected and unloved. And my falls of tears won't stop from flowing. Another first for me i guess. So I just cried myself to sleep .


Hindi na muling nasundan pa ang pag'uusap at pag kikita naming yun because he keeps on avoiding me. Ni hindi na rin sya pumapasok. Nagbago na talaga sya, he keeps on doing the things he never did before.


Nandito ako ngayon sa rooftop ng school... lunch break kasi namin but i choose to eat alone. Gusto ko kasing makapag'isip. Kahit na alam kong ilang beses ko nang inisip kung ano nga ba ang pwedeng dahilan nya... why he keeps on acting like he is now. Umaakto sya na para bang nagre'rebelde. But why?... or to whom? I don't really know and i don't have any idea.


Gustuhin ko mang alamin ay hindi nya ko binibigyan ng pagkakataon. Gustuhin ko mang tumulong ay hindi ko magawa dahil patuloy nya akong iniiwasan. Hindi lang pala ako maging ang mga kaibigan nya rin.


Hanggang kailan ka magiging ganito James? Hanggang kailangan mo sasarilinin ang problema mo? - Tanong ko sa kawalan na para bang naririnig nya ko. Sana nga naririnig nya ko. Nang'gigilid na naman ang mga luha ko. Ilang beses nga ba akong umiyak dahil sa'kanya?


Hindi ko na alam sa totoo lang. Bago para sa'kin ang nangyayari. He's my first crush... my first love and my first boyfriend. He actually is my first in everything na may kinalaman sa pagmamahal... this another first for me. And i don't have any idea kung paano malalampasan ito.


"I told you girls she's here." I heard someone said, Kaya napalingon ako sa gawing yun. And there i saw my friends na papalapit sa akin. Si yuki yung nagsalita... Rin look irritated and Jae look disappointed. I wonder what happen.


"Nandito ka na naman? For what Jessie? Para umiyak? Look at yourself this is not you anymore!" Pagalit ni Jae ng makalapit sya. Kung kagaya lang to ng mga karaniwang araw ay nasagot ko na sya ng sarkastiko pero hindi ngayon she look really serious. And i know she's right. This is not me. Yes... i often cry pero pagdating lang sa mga nababasa kong stories at napapanuod na movies. I'm not really a cry baby, pero ang pag'iyak lang ang lagi ko nagagawa nitong mga nakalipas na araw.


Because of him...


"You don't have to waste your tears fo that Stupid jerk! A real man won't make his girl cry and treat her like she's nothing! Wake up Jessie! He's not worth your tears!" sigunda naman ni Rin. I know that they're just looking out for me because they're my friends but i don't think alam nila ang totoo kong nararamdaman. This is inevitable because i Love James. At alam kong may dahilan ang lahat ng ginagawa at inaakto nya. I just need to find that out.


"Wag nyo nalang ako pansinin dahil hindi nyo naiintindihan ang nararamdan ko." nginitian ko sila ng isang mapait na ngiti. Hindi ko minamasa ang mga payo nila sa'kin pero sa tingin ko ay hindi talaga nila ako maiintindihang mabuti dahil wala sila sa pwesto ko.


"Don't force a smile damn it! Your maybe right, hindi nga namin nararamdaman yan nasa puso mo... but we're just worried about you. Araw araw ka nalang umiiyak. That's not healthy you know!" It was Yuki who said that, then she shed a tears for me. Na lalong nagpa'iyak sa akin.

Reaching for the Star ✔Where stories live. Discover now