Chapter 25 ★ Sembreak

3.2K 71 10
                                    

♡ Jessie ♡

Napadilat ako ng mata dahil naramdaman kong huminto ang sinasakyan naming van. Bukang liway-way na pala at kitang kita ko mula rito sa sasakyan ang napipinting papa-sikat na haring araw.

Napansin ko ring malapit sa tabing dagat kami huminto siguro ilang metro lang ang layo sa mismong dagat, bumaba ng sasakyan si Christoper at nag lakad sya patungo sa buhanginan. It's not my first time na panuorin ang sunrise pero  na-enganyo akong bumaba rin ng sasakyan at gayahin ang ginawa nya. Para kasi akong nahi-hipnotismo sa ganda nito.


Sobrang ganda talaga at dahil sa sinag ng araw ay nag-mistulang may mga diyamante sa ibabaw ng dagat, parang  sa painting ko lang ito nakikita dati, pero ngayon ay kitang kita na ng mga mata ko kung gaano ito kaganda. Para syang nang'galing sa ilalim ng dagat at dahan dahang umahon papunta sa langit. Napaka-ganda talaga at ang sarap sa pakiramdam. Sariwa rin ang hangin dito hindi katulad sa manila puro pulosyon.


"Finally we're here!" sigaw ni Jae ng makababa ng van. Bakas sa mukha nya ang kasiyahan, sino ba naman kasi ang hindi ang tagal kaya namin sa byahe.


"Waaaaaa ang ganda dito!" tili naman ni Yuki. Isa pa yan, silang dalawa naman talaga ang laging maingay saming grupo.


"Grabe ang sakit ng katawan ko. Ang haba ng byahe natin," reklamo naman ni Rin habang nag-iinat ng katawan.


I agree with her... grabe 11 hours ba naman ata ang naging byahe namin. Suppose to be 7-8 hours lang yun. Pero dahil halos ilang beses silang nagpahinto hinto ay umabot kami ng ganon katagal. But it was all worth it bukod sa maganda naman talaga ang lugar na ito, masaya naman ang naging adventure namin sa paglalakbay papunta rito. Hindi naging boring dahil puro asaran, tawanan at kantahan ang naganap sa buong byahe namin.


"Ok girls pwede na kayong mag-sibalik sa sasakyan," sabi ni Jasper habang naka dungaw sa bintana ng sasakyan.


"Why? Akala ko nandito na tayo? Ito na ang beach o? Nasa harapan na natin," sunod sunod nyang tanong at tinuro kay Jasper ang dagat as if hindi nito nakita. Gusto kong matawa sa mukha ni Jae dahil para syang naiiyak na ewan, hindi maka-paniwalang iiwan naming ang napaka gandang lugar na to.


Napalingon din ako kay Toper na pabalik na sa drivers seat. Sya na nga kasi ang driver namin simula ng makarating kami malapit sa Naga dahil mas alam nya ang lugar na ito.


"Ang dami pang arte! Bakit hindi nalang kasi sumunod sa mas may alam! Kung ayaw mo sumakay maiwan ka dyan! Matulog ka dyan sa tabing dagat," inis na sigaw ni Jasper. Hindi ko talaga alam kung ano meron sa dalawang yan laging nagbabangayan. Daig pa nila sila Tom and Jerry.

"Hindi mo ba napapansin na wala kang tutuluyan sa lugar na to? Nagpahinga lang si Toper dahil masakit na daw ang balakang nya. Sige kung gusto mo talaga matulog dyan sa buhanginan bahala ka," dugtong pa nya na may halong pang-aasar at nginisihan si Jae.


Kaya naman pala sya huminto, kahit naman siguro ko kailangan din ng pahinga kung ganun, I think almost 3 hours straight na ata kasing nagda-drive yang si Toper. Masakit talaga sa katawan yun.


"Ang ingay at ang daldal mo! Daig mo pa ang babae! Yang bibig mo parang pwet ng manok na putak ng putak!" inis na sigaw ni Jae rito. Lumakad na ulet kami palapit sa sasakyan. Pero hindi pa rin sya umaalis sa kinatatayuan nya.


"Just get in the car Jae, 30 minutes more at nasa Villas na daw tayo sabi ni Toper," Rin shouted and she laughs. Yung mga nire-rent na villas ang tinutukoy nya dun daw kasi kami pansamantalang tutuloy.


Reaching for the Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon