Chapter 2 ★ Him

10.2K 148 4
                                    

His POV ♪


-hah, hah, hah, hah, hah-

Hinihingal na ko!! Kanina pa kasi ako takbo ng takbo!


Bwisit kasing aso yun! Ako pa talaga napagdiskitahang habulin yan tuloy naligaw ako papuntang stadium kakatakbo. Tss! Kahit pala aso ayaw na ngayon sa mga panget. Napapa-iling ako sa mga pinag-iisip ko.


But it's a good thing na nakarating din ako. Nandito na ko ngayon sa labas, Yari na naman ako nito dahil late na ko, tsk tsk. Pero sabi nga nila its better late than never. Right?


Gawain ko na talaga kasing mag'chill out o yung sinasabing mag-gala gala sa tabi tabi kahit meron o wala kaming gig. Sa ganun paraan ko nalang kasi nararamdaman na malaya pa ko sa mata ng publiko. Na pwede akong makihalobiho na normal lang... na hindi sila nagkaka-gulo dahil samin/sakin... na Malaya kong nagagawa ang mga gusto ko na walang paparazzi na nakasunod na bawat galaw ko. Pero hindi ko akalaing sa araw pa mismo ng concert namin ako mamalasin. Napabuntong hininga nalang ako, Life nga naman parang buhay. Idagdag pa ang pesteng aso na yun! Ang daming pwede habulin bakit ako pa! ayan tuloy late na ko. Tsk!


Patakbo na ako papunta dressing room ng may bigla akong mabangga, hindi ko kasi napansing may intersection pala dun yan tuloy natapon yung juice ng nakabanga ko sa damit nya. Patay ako nito!! Naku po pag minamalas ka nga naman talaga oh oh!


Napatingin ako sa taas. Lord bakit ngayon pa ko minalas pwede namang bukas o sa isa pa bukas nalang bakit ngayon pang Concert namin? Bakit ngyon pang nagmamadali ako, Sana po pinagpa bukas nyo nalang.


"Naku sorry po, sorry po, pasensya na po hindi ko po talaga sinasadya. Hindi ko po kasi napansin na may likuan pala dito." Hingi paumanhin ko at akmang pupunasan ko yung natapong juice sa damit nya ng makita ko yung mukha ng nabangga ko.


Patay talaga ako dito ang panget na nga mukha pang gangster, lagot, tsk tsk -_-


An sama ko ba?? totoo namang panget sya, mukha ngang bakulaw! Takte talaga! Sa itsura palang nito mukang wala nang balak palampasin ako ng tahimik.


"Anung SORRY pinag sasabi mo dyan, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo. Nakita mo yang ginawa mo sa damit ko? Namantsahan na, kakabili ko lang nito. BAYARAN MO TONG DAMIT KO!" sigaw ni bakulaw.


Ano sya sinuswerte aksidente lang ang nangyari tapos babayaran ko sya. Spell ASA? sya yun. Ako pa huhuthutan nya. Tss tatakutin nya ko para magbayad kahit konti lang yun natapon? Saka mansha daw? E nabasa lang naman sya. Tsk tsk style nya bulok!! Sabi na e, ganito ang mga taong hindi nadadaan sa masinsinang usapan.


Isa pa wala akong ibabayad sa kanya dahil wala akong dalang pera ngayon nahulog wallet ko kakatakbo kanina, buti nlang walang mahalagang laman yun.


"HOY!! KUTONG LUPA NAKIKINIG KABA HUH? Sabi ko bayaran mo damit ko!" sigaw nya ulet, sh*t! makasigaw tong bakulaw na to akala mo ang layo layo ko! Sakit sa tenga men!


"Naku pasensya na po wala po ako perang maibibigay, " paawa effect ko sakanya, kutong lupa daw ako oh, kung kilala nya lang kung sino ako mas mukha pa syang kutong lupa sa akin e =__=


Ang lame ko ba?? ganito lang talaga ko mapagbalat kayo, hahaha ayaw ko kasi ng pinagkaka guluhan e, nakakairita, pero sikat akong tao. Pero kahit ganun ayaw ng sobra sobrang attensyon an binibigay sa'kain nakaka-suffocate din kasi. So what kung sikat ako? Normal na tao pa rin naman ko. Tama diba?


"Wala ka palang pera ah! anu gusto mo gugulpihin nalang kita? huh?" pag-aangas nya tapos sabay hawak sa kwelyo ng polo ko nung akmang susuntukin na nya ko... may biglang nagsalita mula sa likod nya na may mala ANGHEL na boses.


Reaching for the Star ✔Where stories live. Discover now