Chapter 3 ★ Inlove daw ??

8.9K 132 12
                                    

 JESSIE'S POV 

(A/N: after na to mag-CR ni jessie )

Pag pasok na pagpasok ko sa loob parang gusto ko na lumabas ulet, Bakit?

Hindi lang naman mag kamayaw sa katitili yung mga babae dito, kung maingay na kanina mas lalo ngayon, lumabas na pala kasi yung ilan sa member ng banda. Pero parang nakikigulo lang sila sa mga nagse-set up ng stage. Mukhang hindi sila kagaya ng ibang banda na Fame lang ang habol, kasi naman ayan sila sa stage at nagkukulitan they don’t care na nakikita sila ng mga fans nila.

Ano nga ulet yung pangalan ng banda nila?

Nakalimutan ko kasi eh! Matanung nga kay Jae mamaya, sikat na sikat nga siguro talaga sila dami kasi nilang fans, specially mga babae over makatili tipong hihimatayin na anytime! Parang OA naman nila pero wala naman ako magagawa trip nila yan, ano ba paki-alam ko. Diba? haha

 

"Kyaaaaaa! ang gwapo talaga nila."

"AJ I love youuuuuu!!"

"AJ akin ka na lang!"

"Ang gwapo talaga nung twins kyaaaaaa!!"

"Kael you're so cool!!"

"Christoper pa kisssss!!"

"O.M.G your band is the best!"

Yan ang ilan sa mga naririnig ko, no scratch that.. sa mga naitindihan kong sinisigaw ng mga babae dito.

Grabe lang talaga!, sakit sa tenga, parang mababasag ang eardrums ko. *sigh* Makasigaw sila akala mo wala nang bukas ni hindi pa nga nagsisimula. Tsk! Lahat na ata ditto naka Fangirling mode.

Bakit ba kasi ako pa ang naisipang isama dito ni Jae. ~_~"

Hinanap ko naman agad si Jae, At ayun makatili din wagas, buti hindi ako nahirapan sa paghahanap sakanya, kasi halos malapit kami sa stage. haisst whatta day!!!

"Ohh jan kana pala, buti naman nakabalik ka agad, naku sister magsisimula na sila kyaaaaaa" tumitiling sabi nya. Di ko nalang sya inintindi, sumasakit kasi ang ulo ko sa ingay dito e,  -_-" mas enjoy pa talaga kung nasa bahay lang ako.

Kung saan tahimik  at makaka pag-concentrate ako sa pagbabasa or manuod ng mga movies.

Kinuha ko na Lang yung phone ko para magbasa sa wattpad wala naman talaga kasi akong interest sa kanila. Bukod sa hindi ko kilala ang banda nila, hindi ako familiar sa kanila, hindi ko rin alam kung ano ang genre ng kanta nila.

Habang nagbabasa ko narinig ko na may nagsasalita sa stage I'm guessing that's the M.C introducing the band to the crowd who's going wilder and wilder every second.

Then just after a few minutes nagsisimula na tumugtog yung banda, pero nakayuko parin ako, busy ako sa pagbabasa sa wattpad e, kasi nga diba di naman ako interesado sakanila. Kanina ko pa napapasin ah, paulit ulit na ang sinasabi ko. Pfft!

Reaching for the Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon