Chapter 24 ★ Lips of an Angel

3.4K 72 9
                                    

♥ Jessie's POV ♥


"Good Morning Angel... here." nakangiting bati ni James at inabotan na naman ako ng isang bouquet ng White lilies.


Bigla nalang sya sumulpot out of nowhere, naglalakad na kasi ako papasok sa klase. Since that day na pinakilala nya saakin ang twin brother nya, bumalik na kami sa dati. Every other day nakakatanggap akong bulaklak galing sa kanya. Kung ano ano rin ang mga ginagawa nya para sa akin.


The truth is I really appreciate his effort to gain my trust again… even though hindi naman na nya dapat i-gain ulet. Since he honestly told me about his secret… I sincerely forgive him. Yung akala kong trust na nawala bumalik rin lahat ng araw na yun. Na-isip ko na maybe I just over reacted nung nalaman kong may nililihim sya sa akin. Pero nung nalaman ko lahat naramdaman ko yung sakit na nararamdaman nya habang nagku-kwento sya. That's when I realized that the only problem is the timing.


Na-unawaan ko kung bakit mahirap para sakanyang magsabi ng totoo sa akin. Dahil sariwa pa sakanya yung kalungkutan at sakit, yung sakit na naramdaman nya ng mawala ang twin brother nya. The timing wasn't right, sa tingin ko yun lang talaga ang naging problema. At nang dahil na rin sa trust issues ko kaya ako nasaktan. Because I thought that the man I fell in love with... played with me... deceive me... make a fool oit of me. And I thank god that’s not the case.


Yes! For the first time in forever I finally admitted to myself that I’m in love without a doubt, na-realized ko lahat yan nung panahong nasa ibang bansa si James. Even though I was a bit shock to see him outside my house, sumama ako sa kanya ng walang angal… walang tanong… dahil gusto kong marinig ang paliwanag nya. Gusto kong malaman ang rason nya kung bakit kailangan nyang gawin ang ginawa nya. Gusto kong maging malinaw ang lahat. Hindi naman makitid ang utak ko para hindi sya bigyan ng chance na magpaliwanag. At hindi ako nabigo, dahil nasagot nya ang lahat lahat ng katalungan ko.

"Angel… do you want to come and watch us practice later?"


"Are you sure? Hindi ba ko makaka-istorbo?" nag-aalangang tanong ko.


"Nope! Ikaw pa ba? Lalo pa nga ko gaganahan kung alam ko nanunuod ka," and then he wink at me at sinuot ulet ang nerdy glasses nya, syempre baka may makakita. Simula din nun mas naging showy pa sya, he would always tell that he likes me basta may pagkakataon.


"Hmmn." Kunwari nalang inamoy ko ulet yung bulaklak para matakpan ang pag ngiti ko. Shemays kinikilig talaga ako every time na ginagawa nya yun. Or kahit sa simple ngiti nya lang na lumalabas ang dimple nya kinikilig na ko eh!


"The girls can tag along if they want," dugtong nya.


"Are you really sure about that? Mag-iingay lang ang mga yun. Haha," na iimagine ko na ang gagawin ng tatlong yun pag-sumama sila.


"Yes, for sure matutuwa si Jasper at Toper kung kasama sila," and he laugh.


"Sige sasabihin ko. Saan ba?" i ask.


"Sa bahay lang!" At after rin ng scene namin sa sementeryo, sinabi na ata ni James sa akin ang lahat ng tungkol sa kanya. At nalaman kong sa iisang subdivision lang pala kami nakatira, isang street lang ang pagitan! Nagulat nga ko ng malaman ko yun. Pero hindi pa ko nakakapunta dun, this will be the first time.

Reaching for the Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon