Chapter 38 ★ Letting Go

2.5K 46 7
                                    

♡ Jessie ♡


"Hanggang kailan mo ko balak iwasan ha?" naiinis na tanong ko sa kanya. Kanina ko pa sya pinipilit na kausapin ako pero hindi nya talaga ako pinapansin! Gusto ko na namang umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. And i already promised myself not to cry again because of him. But deep inside i know na kahit anong promise ko sa sarili ko iiyak at iiyak pa rin ako dahil sa kanya... mahal ko eh!


"Pwede bang pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang?!" Naiinis pa rin na sabi ko at marahas na hinila ang kamay nya para harapin nya ako.


Galing kami sa loob ng bar. Kanina ko pa sya pinipilit na kausapin ako pero ayaw nya talaga. He just keep on telling me na umuwi na. But me being stubborn hindi nakinig sa kanya, dahil gusto ko na talagang malinawan sa mga nangyayari sa kanya. Para linawin na rin kung ano pa bang meron sa pagitan namin. Hanggang sa nakulitan na ata sya sa'kin dahil lumabas na sya ng bar kaya sumunod naman ako agad. Ngayon nandito na kami sa parking lot. Sa tapat ng kotse nya to be exact.


Yes... sa isang bar ko na naman sya natagpuan. Hindi ko na rin inabala ang mga kaibigan ko dahil ayaw kong madamay pa sila sa nangyayari sa kin. And i think i bother them enough, ayaw king problemahin din nila ang problema ko. Kaya ako ang gumawa ng paraan para mahanap si James. Around afternoon I went to their house and ask his bandmates kung saan sya naglalaki o madalas nyang puntahang hindi ko pa alam. Nung una wala daw silang idea dahil bihira na daw umuuwi si James so i ask for their help. I told then to call me pag maybalita na sila habang pinagpatuloy ko ang paghahanap sakanya. Nagpunta ako sa mga lugar na alam kong pwede nyang puntahan. Hanggang sa tumawag na nga si Kael at sinabi sa'kin kung saan ko sya pwedeng makita. And here i am now. In front of him, walang emosyong mababasa sa mukha nya.


Naalala ko tuloy yung kanta narinig ko kanina habang hinahanap sya. My feelings for him right now is like the lyrics of the song 'Hanging By A Moment'.


Desperate for changing, starving for truth
I'm closer to where I started, I'm chasing after you

I'm falling even more in love with you
Letting go of all I've held on to
I'm standing here until you make me move
I'm hanging by a moment here with you


Ga'sinulid na pag'asa nalang ang pinaghahawakan ko...


Ngayong pinagmamasdan ko sya saka ko lang napansin ang big difference ng dating James at James ngayon. Right now he look rough, naka army cut na ang buhok nya ibang iba talaga sa dating James na kilala ko. Kung palangiti, masayahin at pala biro... sa akin lang ah.


"Why can't you just leave me alone?!" May bahid ng iritasyon sa boses nya. Napangana ako, hindi makapaniwala sa tinuran nya. Sya pa talagang may gana na sabihin sa akin yun?


"How can i leave you alone, if i know that there is something that been bothering you! Why can't we just talk about your problem?!" I whisper yelled at him. Bahagya ko pa syang tinulak sa dibdib. Unti-unti na akong nagagalit pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. Because getting mad at him is the last thing i would do.


"Dahil wala naman talaga akong problema!" sinigaw nya yun ng hindi makatingin sa akin. And that only proves my conclusion na may problema nga sya na ayaw nyang pag'usapan. Problemang gusto nya lang sarilinin! Problemang gusto nya lang takbuhan.


"You won't be acting like this kung wala ka talagang problema James! I didn't know that your a coward... running away from whatever your problem is!" Nakakainis na talaga. Ganun ba kahirap para sakanya na i-share kung ano man ang pinagdadaan nya at hindi nya masabi kahit sa akin? I thought he love me. Maybe hindi na ngayon kaya parang wala nalang ako sakanya.


Reaching for the Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon