Chapter 20 ★ Courting

3.5K 73 14
                                    

Happy reading...

Jessie

As soon as I enter my class I saw my best friends looking at me. No! No! No! More like grinning... wait! Scratch that they're wearing a creepy smile at kinilabutan ako dahil dun. Problema ng mga to... ang weird lang.

"What's with the smile? Would you guy stop it. It's creeping me out!" I told them ng medyo nakalapit na ko. But guess what? Lalo lang lumawak ang mga ngiti nila. What the heck?! Nawi-weird-duhan na talaga ko sa mga kaibigan ko. Para silang nasasapian! Geez are they on drugs?

Nang tuluyan na kong makalapit sa pwesto ng upuan namin, saka ko napansin ang isang bouquet ng puting bulaklak sa ibabaw ng desk ko. Bakit meron nun doon?- tanong ko agad sa sarili ko.

"Oh... bakit may bulaklak dyan sa ibabaw ng desk ko? Para kanino yan?" Taas kilay na tanong ko sa kanila.

"Kasi may nag iwan nyan dyan? No... more on may naglagay?" sarcastic na sagot ni Rin. Tss aga aga pamimilosopo na naman tong babaeng to. Magsasalita na sana ulet ako pero naunahan ako ni Jae.

"Kanino bang desk yan? Sayo diba? So malamang sayo din yan!" sarcastic din na saad nya. What's with my friends and they're sarcastic remarks?

"What's with you guy's araw ba ng mga Sarcastic ngayon?" sabi ko and rolled my eyes at tuluyan ng umupo.

"Hayaan mo na sila JC... bitter lang ang mga yan kasi walang nagbibigay sakanila ng magandang bulaklak." Yuki said then she giggles. Tinignan lang sya ng masama nung dalawa and she just shrugged her shoulder.

"So you mean this is really for me?" sabay hawak sa bulaklak "Kanino naman to galing?" at inamoy ito. Ang ganda kasi... mukha kakapitas lang at fresh na fresh.

"Try mo kayang bashin yung card dyan sa bulaklak para malaman mo no?" taas kilay na sagot ni Jae. Napailing na lang ako dahil di ko alam kung ano problema nila.

Kaya kinuha ko nalang ang card at binasa and it says...

"I choose to give you a white lily,

Because it's meaning represent my feelings for you.

I hope you'll like it Angel. :) "

Pagkatapos kong basahin ay biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko... as if my heart knows who's this flower from. Mygosh! I almost forgot about him. What should I do? Ginugulo na naman nya ang utak ko.

♥♥ Jae ♥♥

Anyare dito sa bestfriend ko? After nyang basahin yung note na kasama ng bulaklak bigla nalang siya nanahimik na akala mo ang lalim ng iniisip. Tapos kinakagat-kagat nya pa yung daliri nya. Mannerism nya yan pag kinakabahan at may malalim na ini-isip.

Dahil magkatabi kami ng upuan tinapik ko sya sabay sabing "Oy! Anyare sayo bakit tulala ka? Yan ba epekto ng nakakatanggap ng bulaklak?" pabiro ko sabi.

"Huh? Ahh.... ehh.. a-ano kasi e..." wala sa sarili saad nya. Ang weird ng babaeng to ah! Magsasalita pa sana ako pero dumating na ang prof namin kaya naman na nahimik nalanang kami pareho.

So I guess Aaron finally decided to man up. Dati ko pa na papansin na may gusto yun kay Jessie e... ay hindi lang pala ako lahat pala kami maliban syempre kanino pa? Edi kay Jessie. Tss Bestfriend Zone e!

Paano naman kasi ibang-iba ang pakikitungo nya kay Jessie at sa amin. Ang sweet sweet pa, sobrang gentleman pero pag kaharap kami akala mo naputulan ng dila. Tsk tsk. Naku! Buti naman talaga at mukhang umamin na sya. May pabula-bulaklak ng nalalaman e.Haha '(*∩_∩*)′

Reaching for the Star ✔Where stories live. Discover now