Chapter 27 ★ Angel

3K 64 8
                                    

♡Jessie ♡


Time check its 4:40 am already kailangan ko nang gisingin ang mga kasama ko dahil aalis na kami ng 5am. It’s a good thing naayos na namin ang mga gamit namin kagabi bago matulog. And speaking of tulog wala pa akong maayos na tulog!


Bakit? Simple lang, I just can’t believe na ginawa ko yung pag-amin ko kagabi kay James. Nang makabalik ako dito sa kwarto saka ko lang napagtanto kung anong kalandian yung ginawa ko. Saka ko lang naisip na... Paano ko sya haharapin? Paano ko sya kakausapin pag nagkaharap kami? Ang sagot hindi ko alam! Pero kahit ganun wala akong pinagsisisihan. Ang gulo ko ba?

Waaaaa ginulogulo ko ang buhok ko at bumalikwas paupo sa kama. I bet I look like a zombie at the moment. Kayo kaya walang tulog. Aisst bahala na nga!


Tumayo na ko sa kama at isa isang ginising ang mga kaibigan ko dahil mamaya maya lang aalis na kami for our next destination.

  

★ AJ ★ 


"I love you too James," her smile when she said that was... hard to explain. She looks genuinely happy... Kahit yung mga mata nya parang ngumiti rin nung sinabi nya yun. Then she kissed my cheeks and ran away from me.

She leave me dumb struck while staring at her retreating back. Hindi ko na nga alam kung gaano ako katagal nakatayo sa pwesto ko na parang na estatwa dahil di ko maigalaw ang buong katawan ko. Hindi ko na nga rin alam kung paano ako naka balik sa kwarto.


WTH just happened? Did that really happened? Did I hear her right? I'm not delusional am I? That's not a hallucination right? It really happens and it was real right?


Yan ang mga tanong na kanina pa gumugulo sa isip ko! I don't know kung talaga bang na shock lang ako sa nangyari o delusional lang ako na sinabi ni Angel sa akin na mahal nya ko. At hindi pa rin ako naka-katulog ng dahil dun!


It was just hard to believe on my part, I remember when she said na hindi naman importante ang pinag uusapan namin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung mga oras na yun.


'Ang arte mo naman kasi! Daig mo pa babae, syempre nahihiya yun kaya tinanggi nya. Alam mo naman ang mga kaibigan nya parang imbestigador,’ pagpapa-intindi ng isang bahagi ng utak ko.


Ok fine! Ako na maarte at parang babae, pero anong magagawa ako? Nagmamahal lang ako ng totoo. She might not be my first love pero alam kong sya na ang True love ko. My one and only.


(A/N: Yuck AJ! Nasobrahan ka na sa mais! Ang korni mo na dude! Nakaka-kilabot na! Haha )


Hindi ako korni, Ms. nagma-mahal at nagpa-pahayag lang ng saloobin. -_-


Anyway napatingin ako sa orasan at alas kwatro na pero kahit idlip hindi ko pa nagagawa. But i don't feel tired at all, actually i feel more alive para akong uminom ng sandamak-mak na kape tulad ang lagi kong ginagawa pag magdamag kami sa mga gigs namin.


Kailangan kong kumpirmahin sakanya kung totoo ba ang nangyari kagabi. Dahil baka nga panaginip ko lang yun, mahirap na baka mag-assume na naman ako. At pag nangyari yun di lang ako masasaktan mapapahiya pa ko. Tch bakit kasi kailangan nya pa umalis agad at tumakbo palayo sa akin kagabi. Hindi nya muna hinayaang ma-absorb o mag-sink in muna sa utak ko yung sinabi nya, kung sinabi nya ba talaga yun.


"I love you too James,"


Damn it! Ayan naririnig ko na naman ang mala Anghel nyang boses na nagsabi sa akin nun. Potek talaga! Ambakla!


Reaching for the Star ✔Where stories live. Discover now