Chapter 10 ★ Little Things

5.5K 81 5
                                    

Baby C, Dedicated to sayo, alamin mo kung bakit haha...

-While reading Listen to the Song at the side ---->

AJ

Mabilis na lumipas ang mga araw, Friday na naman at ngayong araw kami lilipat sa bagong bahay na nakuha ni Mamu sya yung manager namin. Sa isang exclusive subdivision sya nakahanap nang bago naming matitirahan mahigpit daw ang security dun dahil nga mga kilala at mayayamang tao talaga ang nakatira. And that is good for us.

Wala namang kaso sa amin kung saan kami tumira, ang mahalaga ay makapag-pahinga kami nang maayos. Yung walang sumusunod sunod na stalker, fangirls at paparazzi.

Nasabi ko na ba sa inyong masaya ako nitong mga nakaraang araw? ^__^

Ngayon lang ako naging ganito kasaya sa buong buhay ko well except nung nag No.1 ang una naming album. Pero iba talaga ang saya ko. Gusto nyo ba malaman kung bakit? Hahaha

Well sino ba kasi ang hindi sasaya kung lagi mong kasama yung taong mahal mo diba?

Masasabi ko kasing nagiging malapit na kami ni Angel nitong mga nakaraang araw. At pag sinuswerte ka nga naman, kami ang parter pa paggawa nang thesis haha, ang saya lang diba?

Naalala ko tuloy nung gabing umuwi ako galing sa dinner namin ni Angel. Hindi mawala wala ang ngiti ko nang mga panahong iyon kaya naman inusisa ako nung mga kolokoy.

*Flashback*

"Master anu nginingiti ngiti mo dyan?" - Kael

Di ko sya pinansin at lalo ko lang nilaparan ang ngiti ko.

"Hala master, tuluyan ka na bang nabaliw?" Jasper

"Kailangan naba naming tumawag sa mental institute?" -Toper

At dahil dun nabatukan ko sila pareho.

"Gunggong porket naka ngiti baliw agad? Hindi ba pwde masaya lang? huh?" angil ko sa kanilang dalawa. Ang abnormal kasi ng dalawang to.

"Master ngiti aso ka kasi eh." mahinang sabi ni toper. Aba't ikumpara ba ang ngiti ko sa aso? Tsk. Si jasper ngumisi ngisi lang at si Kael halatang pinipigilan ang pagtawa, asuall si Jason tahimik, what's new.

"Tigilan mo ko Toper kung ayaw mong bangasan kita! Wag mo sirain ang magandang gabi ko" i told him seriously. Mapang buset kasi.

"Hala ka, iniinis mo na nman si master. Chill ka lang master ishare mo na lang sa amin kung bakit ka masaya" -Kael

"Tama master, anu bang nangyari at ang lawak nang ngiti mo?" Jasper

Hindi ko agad sila sinagot sa halip ay napangiti ulet ako nang malapad habang inaalala si Angel. ^_^

Natigil ang pag reremenice ko nang nagsalita si Jason.

"So you finally found her... huh!"

Reaching for the Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon