Chapter 6 ★I am NOT!

5.3K 76 4
                                    

 Jae   

Wow my POV ako, di ko expected. haha

So you already know may name, JAELIN MICA PEREZ, 19 years old same age as them, best friend ko na si Jess since our diaper days. Haha I know sinabi nya na yun! Gusto ko lang ulitin unli ako e! Kidding!

Ahmm, ano pa ba ang gusto nyo malaman?  The truth is ayaw ko talaga sa course ko but I don't have a choice, this is what my parents want me to take. And being a good daughter here I am. Kahit Fashion Designing talaga ang gusto ko. After I graduated I will surely pursue my dream, siguro naman Dad will understand.

Anyway dito na kami sa loob ng kwarto ni Rin, nabigay nya na yung mga pasalubong namin at sobrang nagustuhan ko kaya ang lapad ng ngiti ko ngayon ganito ohh ^______^. Binilhan nya lang naman ako ng mga kpop merchandise. hihihi. Tama ang hula nyo, I love korea! You have to agree sobrang dami nilang gwapong artista dun! Yung iba mas maganda pa nga sa akin! And they’re music kahit hindi ko naman naiintindihan? Malamig naman pakinggan at hindi mo maiiwasang mapa-indak! Haha

So eto ako ngayon naka Indian seat sa queen’s size bed niya samantalang sila ay nakaupo sa mga bean bag sa paanan ng bed.

“So what happened at the concert??” panimulang tanung ni Rin sa akin habang nakataas pa ang kilay. Haha na mention ko kasi sakanila kanina na sinama ko si Jessie sa concert ng HBS. And that she was so engrossed watching someone in that concert.

Hindi agad ako sumagot at pero mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa tanung nya. Bwahaha *evil laugh* ako naman ang mang-aasar ngayon! I love it, pag na-aasar ko si Jessie, well palit-palitan lang naman kami. *Smirk*

“Oo nga, para kasing my maganda nangyari. Bigla lumapad yung ngiti mo nung nabanggit ni Rin ang concert e,” sabat naman ni Yuki. Meron naman talagang magandang nangyari, gusto gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to be a bit dramatic about it para may thrill. Haha!

Napatingin ako kay Jessie at ayun ang sama ng tingin sa akin. As if naman matatakot ako sakanya. She wish!

“WELLLLL??” curiosity is written all over Rin and Yuki’s face. Excited sila ah! Pero sige na nga.

Hahaha Inisin si Jessie time – sa isip ko

“Well gaya nga ng narinig nyo kanina pinilit ko siya papunta dun, masisi nyo ba ko? wala kayong dalawa, wala akong kasama ayaw ko naman pumunta mag-isa dun. So yun nga ang nangyari." Panimula ko. Nakatingin lang sila sa akin na parang sina sabi na – GO ON- . kaya tinuloy ko na.

"Then nung nag-start na napansin ko si miss -I’D RATHER READ BOOKS THAN BE HERE- (sabay turo kay Jessie) na tutok na tutok sa panunuod sa stage so naisip ko na nage-enjoy sya kaya hindi ko nalang sya inintindi at patuloy kong in-enjoy ang panunood ng mga naggwa-gwapuhang member ng HEARTBEAT STOP,” litanya ko. Syempre kailangan pa suspense, Haha!

“So yun lang yun?? Anu naman kung nagustuhan ni Jessie yun?  Babae pa rin naman sya kaya hindi imposibleng ma-gwapuhan sya mga yun no!?” ani ni Rin sabay irap sa akin. Kahit kailan talaga panira ng moment to eh!

Reaching for the Star ✔Where stories live. Discover now