Chapter 21 ★ I Miss You

3.4K 68 3
                                    

Dedicated po ito sa mga Followers ko! Thanks for following! Sana po ma'enjoy nyo ang story and please support. Hahaha lovelove~


- 3rd Person -


Saturday, 11pm

@Raven's Record (Companya kung saan sila naka pirma ng contrata as a band.)


Nandito ngayon sa Dressing room ng HBS ang lahat ng myembro ng kanilang banda. Kakatapos lang kasi ng rehearsal nila para sa kanilang TV guesting bukas. Naging busy kasi ang kanilang banda nitong weekends dahil sa kabi-kabilang nilang gigs. Kaya naman medyo malungkot din si AJ dahil ilang araw na nya hindi nasisilayan ang kanyang Anghel. Hahaha


"Phew! Finally were done! Man I'm beat and so hungry." sabi ni Toper at pabagsak na umupo sa couch.


"Tss! bro... kailan kaba hindi gutom?" ungot naman ni Kael habang umiinom ng tubig.


"Ikaw naman BABY... laging diet kaya hindi nagugutom. Kaya wala nagkakagusto sayo e... mukha ka na nga lalaki payatot ka pa!" in-emphasize talaga ni Toper ang baby at nag belat pa. Tinatawag talaga nilang Baby yan si kael pag ina-aasar. Ayaw na ayaw nya kasi tinatawag nun. Feeling matured kasi yan e. Ito naman si Toper may pagka-childish talaga.


"Ikaw naman babaerong matakaw! Akala mo sino gwapo... panget na baboy! And how many times do I have to tell you that I am not baby!!" inis na sigaw naman ni Kael.


"Shut up! Ang ingay!" pagsaway ni Jason at humiga na ng tuluyan sa kabilang couch. Malamang matutulog na naman yan bumubwelo na e. Kung may Sleeping beauty may Sleeping handsome din. Haha


"Master hindi ka ba nagugutom? Di pa tayo ng dinner. Baka pwde kumain hindi masama yun. Nakaka buti pa nga e."


"Oo na magpa-deliver na lang dito may sasabihin pa daw si Mr. CEO kaya di pa tayo pwede umalis. Importante daw yun." sabi nito, actually curious na talaga sya sa sasabihin nila... biruin mo naman kasi CEO pa kakausap sa diba?


Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng may kumatok sa pinto at iniluwa nito ang CEO ng Raven's Recored.


"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. May gagawin kayong Asian tour. Five countries in Asia ang pupuntahan nyo. Pero..." bago pa tuluyang matuloy ng CEO ang sasabihin nya ay si hiyawan na ang ilan sa myembro ng banda maliban kay AJ at Jason.


"Yahoo! Dude that's awesome!! Asian Tour!" baling ni Toper sa mga kaibigan.


"O.M.G!! I hope Korea is included, I want to go there!!" masayang pahayag naman ni Kael.


"That's great! Free Asian vacation. Haha," ani ni Jasper.


"Tahimik muna guys...Pero ano Boss?" tanong ni Aj. nararamdaman nya kasi may catch ito dahil biglaan ang announce at mismomg CEO pa nagsabi.


"Sunday night na ang alis nyo and you'll be gone for at least two weeks... After ng TV guesting nyo bukas nalang ang natitirang time nyo para mag'ayos ng gamit. This is an urgent proposal iba talaga dapat na banda ang pupunta but something came up at kayo ang napili nilang ipalit... sayang ang opportunity kung palalampasin natin kaya we agree on it. Kampante naman ako sa mga kakayahan nyo dahil alam natin na hindi lang kayo yabang dahil totoong talent ang meron kayo." Mahabang pahayag ng CEO.


Marahil na-shock sila sa sinabi ng CEO dahil nga biglaan kaya medyo tulala sila. Kaya naman itunuloy nya ang kanyang sinasabi.


"So... as I was saying 5 countries...You only have to stay for at least 2-3 days sa kada bansa. Your manager and the other board member already talk about it. At napag disisyonan na limited songs lang ang kakantahin nyo dahil parang mini concert lang ang mangyayari, because other bands are there too. Yun lang ang nagawa ko para sa inyo. Good luck sa inyo boys! Chance nyo na to, to tell the world how awesome you are." nakangiting pahayag ng CEO.


Reaching for the Star ✔Where stories live. Discover now