Count Off

23 2 0
                                    

Naalala ko noon, second day namin as a Grade 9 students. Sa first day kasi ay nagpoprogram lang kaya ngayon na ang official day para magklase.

Third subject 'yung Science namin. And guess what, kakapasok pa lang ni ma'am, may pasurprise activity na agad siya.

"Maam, introduce yourself muna." biro ng isa kong kaklase.

"Toink, kilala niyo na nga ako. Kilala ko na rin kayo kaya hindi na iyan kailangan." sabi niya. Mabuti nalang at good mood siya kaya nakisabay.

"May transferee kasi maam!"

"Sige go, kayong dalawa lang noh? Introduce yourself here in front. Request ng mga classmate niyo."

Hindi nga lumagpas ng isang minuto 'yung pagpapakilala nila kaya naman tinuloy pa rin namin ang activity.

"39 kayong lahat diba? Since tinamad akong mag attendance, count off nalang. We'll see if kompleto kayong lahat."

Nagcount off nga kami and noong natapos na biglang kumunot 'yung noo ni maam at pinaulit niya kami.

"Class, umayos nga kayo. Ulit!" nagtataka naman kami dahil du'n. Wala naman kaming ginagawa maam, ba't ka nabad mood bigla?

Pangalawang beses na niya kaming pinaulit hanggang sa kinuha na nga niya 'yung record niya. We waited hanggang sa matapos niyang bilangin 'yung mga pangalan namin.

"Ulit nga. Again!" at ayun, mahina naman kaming natawa sa itsura niya dahil litong lito talaga siya. Pati rin naman kami, pangatlong count off na toh.

"Ba't gan'un?" napakamot na lamang siya sa ulo niya.

Hindi na namin napigilan at tinanong siya.

"Maam, bakit po?"

"Ano pong meron maam?"

Minataan niya kaming lahat, inosente kaming naghihintay sa sagot niya. Wala talaga kaming alam kung may nagawa ba kaming mali o ano kaya ganyan siya rumeact.

"Again nga! Sorry class." lumuwag pakiramdam namin dahil sa pagsorry niya at inulit nanaman namin. Akala talaga namin nagalit siya eh.

"Okie ka lang maam?" mahina naman akong natawa nang niliit ng seatmate ko 'yung boses niya pagkasabi nu'n.

"Hindi niyo ba talaga napansin?" napatigil kami sa sinabi niya.

"Ang ano po maam?"

"Diba 39 lang kayo? Ba't 40 sinabi mo Mr. Sison?" we all turned to face him.

"Luh, sumunod lang ako maam!"

"Pang-apat na beses ko na kayong pinaulit at 40 talaga sasabihin mo."

"Opo kasi 39 siya." sagot naman ni Sison.

"Hala maam, bakit nagkaganyan?"

"May nagloloko ba diyan?" sigaw na ng president namin.

Naging maingay naman kaming lahat, 'yung iba nakikita kong parang nabahala na rin.

"Ulit daw maam." at ayun, inulit nanaman namin. This time aware na kaming lahat, malalaman na namin yung impostor.

At noong kay Sison na, hindi na siya nagbilang.

"Oh diba! 39 sabi nito." turo niya sa barkada niya, slash seatmate.

"Hala! Wala namang nagsalita ng doble maam." 

Saglit akong nag-isip at napatingin sa barkada ko rin na nasa likuran ko. 

"Baka may multo day." nasabi ko pala iyon ng malakas kaya narinig ng iba.

"Hoy! Baka may multo nga!" nagsigawan naman kami ng 'Hala' at may nang-aasar pa. 

"Mag pray muna tayo saglit." inaayos na namin ang sarili namin and prayed. Our father ata 'yun, basta nagpray nga kami.

"Sige, count off ulit." this time, binagalan namin. Like may delay na 3 seconds bago sumunod. 

Then this time, back to 39 na kami. 

As in lahat kami na amaze and at the same time, natakot. Baka pinaglalaruan kami that time, or nakisali siya ba.

Pero hindi iyon nagpatigil kay maam para hindi gawin 'yung activity kaya ayun, may activity pa rin. Hehe 

================================================================================================================================================================

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now