CCTV

172 4 2
                                    

Kami mismo ng friend ko ang naka experienced nito.

BEA'S P.O.V

Nasa isang store kami ni Jerah. Nandito kami sa parte kung saan may mga laruan at dito kami sa mga stuff toys. Na cu-cute tan kasi kami eh!

"Hoy, alam mo parang ikaw toh." pang aasar ni Jerah sa akin at pinakita niya sa akin ang isang unggoy na teddy bear.

"Oh, ito rin oh. Hindi parang ikaw, ikaw na ikaw talaga toh." sabi ko naman sabay pakita sa kanya ang isang maliit na palakang stuff toy.

"Hoy! Grabe ka naman sa akin."

"Hala, gaya gaya lang." sabi ko naman sabay labas ng dila ko.

"Ay jusko, anong oras na hoy! Baka hinahanap na nila tayo." saad ni Jerah sabay tingin sa relo nito.

"Malayo pa kaya ang oras oh. Ang early bird kasi natin. Ayan tuloy." sabi ko naman.

"Hihi, hoy! Tignan mo oh. Mag-hi ka!" napatingin naman ako kay Jerah at nag wave siya sa CCTV.

"Loka loka!"

"Sige na! Ayun oh, dali! Nang wala pang makakita sa atin! Mag hi ka na!"

"Baliw ka talaga eh noh?"

"Sus! Echos mo! Eh ikaw lang din naman ang nagturo sa akin ng mga kabaliwan!"

"Hahaha. Hi!" wala na akong magawa kundi naghi sa CCTV at naka tingin sa monitor yung mukha ko.

Pero nakita namin sa monitor na may nakaitim na babae ang nasa likuran namin at nahulog yung mga ibang laruan. Naramdaman namin iyon dahil lumanding yung mga laruan sa paanan namin at kitang kita namin na yung ale ang naka bangga.

"Aray!" saad ni Jerah at sabay kaming tumingin sa likuran namin.

Pero nagtaka nalang kami ng makitang kami lang ang tao sa posisyon namin. Mayroon din namang mga tao pero hindi dito sa may Toy Section. O baka namalikmata lang ako na may nakita ako sa likuran namin at kami din naman mismo ang naka bangga sa mga laruan.

"Bea, nasaan yung babae?" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"May-may nakita ka ring babae?"

"Oo, diba siya yung naka bangga nito?"

"Oo nga! Pero nasaan na yun?" tanong ko naman.

Nagkibit balikat lang siya at nilibot ang paningin.

As in, wala na talaga yung babae.

"Bea! Tara libutin natin tong store na toh! Para ma confirm natin kung may babae ba na naka black. Buong katawan niya black noh?" -Jerah

"Oo, parang muslim." -Me

"Oo, parang ganon. Hindi talaga ako matatahimik kung tao ba talaga yung nasa likod natin o multo!"

"Ay grabe ka naman!"

At yun na nga at nilibot namin ang store pero wala kaming nakita. Pati guard tinanong na rin namin.

"Ate Guard? May babae o tao ba na bago lang lumabas na muslim o di kaya naka itim lahat?" -Me

"Hmm? Wala iha. May muslim lang na kakalabas lang niya kaso, kulay puti at pink yung suot eh." -Ate Guard

"Ahhh, ganoon po ba. Ahhh, sige po salamat nalang po." -Jerah

"OMG! Bea! Confirm! Multo nga yun!"

"Hmmp? Multo? Grabe ka naman Jerah! Paano ka naman naka siguro? Baka staff lang yun dito napagkamalan lang nating customer."

"Bea! Hello! Nakita natin mismo sa CCTV na may tao tayong kasama sa oras na sinasabi ko sayong mag 'hi' tayo sa camera. Diba? Tapos paglingon natin wala na? Ano toh kalokohan? May tao ba na ganoon kabilis mawala? Eh halos mahihirapan nga yung maglakad sa pwesto natin dahil sa mga binangga niya! Oh, huwag mo ring sabihin na tayo ang naka bangga sa mga laruan kung hindi naman tayo masyadong naglikot? Isipin mo nga yan!"

"Jerah! Huwag mo nga akong takutin!"

"Bea, hindi kita tinatakot. Sinasabi ko lang sayo yung conclusion ko hah. Pero I think, umalis na tayo dito. Yung sales lady oh, kanina pa tayo tinitingnan. Baka mapagkamalan pa tayong mag nanakaw dahil sa bulungan natin."

"Oy, grabe naman yang magnanakaw. Naka earrings, relo at kwintas ako ngayon mapagkamalan pag magnanakaw?"

"Tsk, oh edi ikaw na! Tara na nga! Hala! Diba may naghihintay sa'tin?"

"Ngek! Oo nga!"

================================================================================================

I she-share ko na rin sa inyo yung nakakatawa na part after this incident.

Na-meet na namin ni Jerah yung kasamahan namin tapos hindi namin napigilan at na i-kwento sa kanila yung nangyari sa amin ni Jerah.

At yung isa naming kasamahan matatakutin yun eh, konting 'bah' lang sasampalin ka na.

At yung part na sinasabi naming naka itim na babae, yun din ang que na may babaeng naka itim na dress na kumakain ng ice cream na dumaan sa likuran ng friend kong matatakutin. At itong isa naman ayun ginulat niya kaya yung babae nagulat, muntik ng mabitawan yung dalang ice cream at siguradong lalanding yung sa mukha ng friend ko.

Ang nakaka tawa lang doon ay yung mukha nung dalawa. Nung friend ko at yung girl.

Hehehe, yan lang po muna sa ngayon. Salamat pa rin po sa mga readers diyaan na hinabaan ang pasensya!

God Bless you po....😘

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now