Maputlang Palad

19 0 0
                                    

Kagawian naming maagang pumasok sa kanya-kanyang kwarto kahit hindi pa matutulog dahil sa iisang rason, may magpaparamdam kasi dito sa mismo naming tinitirhan ngayon. Tulad sa unang kwentong naipublish ko bago ito, 'yung Ilaw

9:00 pm palang, nasa kwarto na ang mga parents namin at iba pang nakakatanda sa amin. Bale ako at mas nakababata na lamang sa akin ang nasa sala. Kanya-kanyang tutok sa cellphone o 'di kaya sa TV. 

Pero kapag isa na sa aming mga bata ang papasok, susunod naman kami.

Kagabi, maaga akong pumasok sa kwarto namin dahil nilalagnat ako kaya magpapahinga na sana. 8:00 pm iyon pero 'yung isip ko nakikinig pa rin sa paligid. 

Bigla akong naalimpungatan nang maisip kong nakacharge nga ba ang cellphone ko kaya hinahanap ng kamay ko ang cellphone at charger sa sobrang dilim, nang macharge ko nahagilap kong mag-aalas 10 na. Halos magdadalawang oras akong hindi natulog dahil nga naririnig ko pa ang paligid. Hindi naman din kasi ako inaantok pero mahapdi ang mga mata kaya nakapikit. 

Pero nagulat na lamang kaming lahat dahil biglang pumasok sa loob ng kwarto ang nakababata naming kapatid. Dalawa kasi ang kwarto namin dito, 'yung isa pinamumugaran ng mga pinsan namin at doon siya natulog dahil mas masaya raw doon dahil walang sasaway kung sakali mang matagal silang matulog. 

Bakas sa mukha niya ang takot. Dahil bigla siyang lumundag sa higaan, nagising sila mommy at daddy. Gulat na gulat pang tinanong kung bakit biglang pumasok ang bunso naming kapatid.

"Meh, dito muna ako. Natatakot na akong matulog du'n."

Iyan ang sumbong niya kila mommy. Pilit siyang pinakalma bago nagtanong sa dahilan. Hindi naman siya umiiyak pero bakas sa mukha ang takot. Humihingal pa na animo'y galing sa katatakbo ng matagal. Magkatapat lang naman ang kwartong tinutulugan nila sa mismong kwarto namin.

"May nakitang kamay si kuya sa labas."

Base sa kwento ng aming pinsan na itatago ko sa pangalan Vince.

Tahimik na ang paligid dahil naghahanda ng matulog ang lahat kaya nasa kwarto na. Hindi rin nagtagal, inayos ko na ang mga modules na sinasagutan ko para makapasok na rin sa kwarto.

Kanya kanyang posisyon sa kanilang mga higaan ang mga nakababata kong kapatid at mga pinsan. Kahit naman ako ang pinakamatanda sa kwartong ito, ako naman ang nangunguna sa kalokohan. Saglit kong inaasar ang mga bata saka nagyaya na maglaro ng ML.

Dahil sa ako nalang ang hindi nakabihis pantulog, naka-upo lang ako sa tapat ng bintana habang nasa higaan na silang lahat.

Iyon na lamang ang pagkagulat ko nang may biglang nang hampas sa jalousie naming bintana. Saktong paglingon ko, nakita ko ang napakaputing palad na dumampi nga sa salamin.

Narinig siguro ng mga bata ang paghampas dahil naramdaman kong napalingon din sila sa kinaroroonan ko.

"Sino 'yun?" Tanong ng kapatid ko na nasa taas ng double deck.

"Baka si dada." Sagot naman ng pamangkin namin na halos magkasing-edad lang ng bunso nila ate Bea.

Papa namin si dada, sadyang nakagawian lang na iyon ang tawag naming lahat.

Mahilig kasing mang-asar 'yun. Lalong lalo na sa mga pamangkin namin.

Dahil sa bigla naming pagtahimik at konting tunog lang mula sa cellphone ang marinig sa buong kwarto, biglang nakarinig kami ng ubo na nanggaling sa kusina. May maliit na kwarto sa mismong kusina namin at doon natutulog sila dada kasama ang lolo namin.

Bigla kong napagtanto na mas maagang matulog si dada kaysa sa aming lahat dito sa bahay dahil may pasok pa siya kinabukasan kaya impossibleng gumagala pa siya sa mga oras na ito na halos mag-eeleven na.

"Hindi si dada 'yun!" Dahil sa pagkasabi ko nu'n nakita ko na lamang si Nathaniel na lumabas na saka narinig ang pagkalabog ng pinto mula sa sariling kwarto nila.

Kinabukasan, agad na nagkwentuhan kaming lahat tungkol nga sa nakita ko kagabi.

"Baka si dada 'yun. Alam niyo naman utak nu'n. Kung ano anong kalokohan ang pumapasok." Sambit ni ate Bea.

"Hindi teh, maputla kaya palad nu'n. Alam niyo namang sobrang itim ni dada." Sagot ko naman. Natatawa pa kami dahil inaasar pa talaga namin. Tunay ngang maitim si dada, 'yung palad nga niya nalalapit na sa kulay brown.

Pero 'yung palad na dumampi sa bintana kagabi, sigurado akong hindi si dada iyon.

Bukod sa maputla nga, kamay rin ng isang bata.

🙂

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now