Retreat

102 4 1
                                    

Nandito kami ngayon sa isang Spring Farm kasama ang mga ka batchmates ko.

Syempre, first time kaya naeexcite kami na kinakabahan.

Ang gaan pala sa feeling na makilala mo pa ng husto ang mga kaklase at ka batchmates mo.

Gabi na ng matapos ang confession at kinakailangan agad na umalis sa venue papunta sa dorm, Isa isa.

Medyo malayo layo ang dorm namin at madilim pa ang paligid kaya medyo kinakabahan ako, wala rin akong dalang ilawan kasi kinuha yung mga cellphone namin. Tanging maliit na ball lang sa gilid ang nagsisilbing ilaw.

Tahimik pa naman ang lugar, may mga manok pang nakapalibot na madadaanan mo kaya magulat ka nalang na gagalaw ito sa dinadaanan mo.

Habang naglalakad ako, naramdaman kong may sumusunod sa akin. Napahinga ako ng malalim. Sa wakas may natapos rin at nasa likod ko na siya.

Hindi naman agad ako lumingon dahil nagmamadali ako. Alam ko talagang may sumusunod dahil sa kaluskos ng halaman na parang tinutulak.

Paakyat na ako ng maramdaman kong may grupong tumatawa sa likod ko. Medyo mahina ang boses nila kaya alam kung nasa unahan pa sila. Lumingon ako dahil kilala ko ang mga boses pero imbis na mabangga ko ang kasunod ko dahil late ko ng narealize na may kasunod pala ako, nagulat ako ng makitang walang tao. Ako lang pala mag-isa.

Sinink in ko muna sa sarili ko na may kasunod talaga ako kanina. Nararamdaman ko yun.

"Hi Bea!" bati sa akin nina Layla na nakarating na sa kinatatayuan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Febby.

"Ahmm, hinihintay ko kayo." ang palusot ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at hindi ko na sinabi sa kanila or nagtanong man lang na may kasunod ba sila before sa akin.

My Dormmate's P.O.V

Tahimik na ang kwarto pero hindi pa rin ako makatulog. Naninibago siguro ako kaya hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Pero habang nakatutok ako sa bubong, narinig kog may nag-papiano.

Syempre, nagulat ako. Ang tahimik ng kwarto tas biglang may tunog.

Ang lakas niya at alam kong bubulabog ang buong kwarto, umeecho pa.

"Hala, hindi binigay yung phone." binigay kasi yung phone sa retreat master kaya inaasahan ko talagang may phone na hindi binigay at yun ang tumutugtog ngayon.

Isa isa kong tinignan ang mga kasama ko pero lahat sila kanya kanya ng talukbong ng kumot. Wala namang umiilaw. 

Napatingin ako sa relo namin pero 1:02 am na.

Impossible namang alarm toh. Sino ba naman ang gigising sa amin sa oras na toh kung alas onse na kami na tahimik.

Malakas talaga ito at alam kung may mga kasamahan akong magigising dahil dito.

Malumanay at mahina ang beat ng piano pero malakas.

Hindi naman ako nagsalita bagkus sinundan ang tunog.

Pero nagulat nalang ako ng marinig ito mula sa labas ng pinto. Ibig sabihin, nasa labas pala galing.

Hindi naman ako natakot, baka ang mga boys lang toh ang hilig kasi nilang mang trip.

Bumlik na ako sa hinihigaan ko.

Pero bumalik sa isipan ko. Sa pagkakaalam ko, hindi na pala kami makalabas dahil nilock pala ang pinto mula sa labas.

True Horror Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon