Bahay ni Tiya

317 7 0
                                    

Na chat ko kanina yung bestfriend ko at may isinalaysay siya sa akin na nakakatakot. Pati nga balahibo ko tumayo.

MARILYN'S P.O.V

"Oh, kayo na muna bahala dito sa bahay hah." sabi ni Tiya kay nanay.

"Oo naman, mag-ingat kayo doon hah. Tumawag lang kayo kung makarating na kayo doon, ikamusta mo na rin ako sa mga kamag-anak natin doon." sabi naman ni nanay.

"Opo teh, Jomar, Lizzy! Sumakay na kayo!" tawag niya sa dalawa kong pinsan.

"Bye Bye teh." nakipagbeso si tiya kay nanay at pati na rin sa akin at sa kapatid ko.

Pupunta kasi sila sa Cebu. Pumanaw na kasi yung lolo ng asawa ni tiya kaya doon muna sila.

At kami naman ang naiwan sa bahay niya. Hindi naman masyadong kagandahan ito at napaka-luma na. Wala itong gate pero malaki ang bakuran. May second floor. Pag pasok namin sasalubong agad ang hagdanan at may salamin sa gitna nito. Ang porma kasi nung hagdanan ay may limang step syaka parang liliko ka at another 5 steps nanaman. Basta yun.

Sa right side nitong first floor ay malaking dining table at may mga drawer pa na nakapalibot dito. Sa left side ay yung kusina.

Sa second floor ay sasalubong ang apat na kwarto. At may hallway na papunta sa banyo sa last. May balcony din. Syaka sa pinakasulok yung maliit na salas at yung altar din.

"Nay, sure ka ba talagang dito tatayo matutulog mamaya?" biglang tanong ni ate na nasa likod ko. Si nanay kasi nasa unahan ko so meaning nasa gitna nila akong dalawa..

"Oo, ayaw mo nun? Para ma try din nating matulog sa bahay ng kapatid kong mayaman." sabi niya at ako naman nag roll eyes lang.

Kinagabihan, natapos na kaming kumain. Si ate na ang nagvolunteer na manghugas at si nanay naman ang nagligpit ng mga dapat iligpit at ako, nagwawalis lang.

Matapos kong walisin ang sulok sulok hinanap ko na yung dust pan. 

"Nay, nasaan ang dust pan?"

"Aba ewan ko, hanapin mo. Baka nasa likod ng pinto sa kusina."

At yun na nga, pumunta na ako sa kusina. Pumunta ako sa pinto kaso wala doon yung dust pan.

"Anong hinahanap mo diyan?" tanong ni ate.

"Dust pan."

"Ay, nakita ko. Nan doon sa labas. Sa may likod ng drum. Kasama sa mga walis tingting."

"Ah, K." pumunta ako sa labas. Ang akala ko paglabas ko, nan doon na agad yung drum pero mali pala, malayo pa pala. May limang hahakbangin ka pa.

Gabi na at wala pang ilaw doon, pero narinig ko nang sumigaw si nanay.

Kaya dali dali akong pumunta doon at kinuha ang dust pan. Pero bago ko mahawakan ang dust pan, naramdaman kong may naka tingin sa akin. Paglingon ko, wala naman akong nakitang kakaiba at naramdaman ko na din na wala na yung tumitingin sa akin.

At pumasok na ako.

*

Nasa ika apat na kwarto kaming tatlo. Ang kwartong ito ay para sa mga bisita o tinatawag na Guest Room. May dalawang malalaking higaan na dalawang tao ang kakasya. Pero malayo ito. Ang isa nasa may dingding at yung isa naman nasa bintana. So, may malaking daanan sa gitna na nakalagay doon yung malaking cabinet.

"Nay, tabi tayo." sabi ni ate kay nanay.

"Ano ka ba Jessalyn, kay laki laki mo na matatakutin ka parin." 

"Eh, nay. Natatakot ako eh, parang. Parang may laging nakatingin sa atin."

"Guni guni mo lang yun teh." sabi ko naman habang naghahanap ng damit na pantulog ko.

"Ito nalang, kayong dalawa sa may ding ding at ako sa bintana. Okay lang ba yun?" nanay.

"Eh, gusto kong katabi ka!" parang batang kunwaring umiiyak si ate.

"Sige, tabi tayo sa bintana at si Marilyn sa ding ding."

"Eh, ayaw ko diyan sa bintana. Sa ding ding tayo Nay."

"Hay naku! Jessalyn. Oh, Marilyn, narinig mo ba yung ate mong duwag? Pwede ka ba doon sa bintana at kami sa dingding?"

"Nanay naman eh. Ang hard mo sakin." sigaw ni ate.

"Oo naman po, okay lang yun syaka. Ang sarap kayang matulog pagmalapit ka sa bintana. Malamig at presko pa ang tulog mo." pagmamayabang ko.

"Buti pa tong kapatid mo Jessalyn. Shoo, mag bihis na kayo para makatulog." pinalabas na kami ni ate.

Sabay na kaming pumunta ni ate sa banyo. Mabuti na nga na dalawa ito.

*

Habang nagtoothbrush ako dito, biglang bumukas yung bintana kaya pumasok ang napakalamig na hangin. 

"Aish, ang lamig...." gigil kong sabi at sinirado ito. At nung pabalik na ang tingin ko salamin, napansin kong may maitim na pigura ang nasa likod ng shower curtain. Syempre, nagulat ako at napasigaw ng konti. Dahil nawala rin naman ito.

Grabe ang kabong ng aking dibdib at makalipas ang ilang segundo, bumalik na ang aking isipan at dali dali kong binanlawan ang bibig kong napuno ng bula.

Pagbukas ko ng gripo, agad kong pinasalod ang tubig sa palad ko at magmumug pero sa tuwing iluwal ko na yung bula ay siya namang pagpatay ng tubig sa gripo.

Nagtaka ako at binuksan ko ulit. At pareho rin sa nangyari kanina, namatay nanaman ito at kailangan ko namang buksan para lumabas ulit yung tubig.

At nung last na, akmang bubuksan ko yung gripo may sumabay naman na maitim ang KAMAY at siya na ang nagbukas ng gripo. Napaangat yung mukha ko sa salamin at laking gulat ko ng makita ang isang batang mahaba ang buhok na nakatalikod sa kinaroroonan ko. 

At dahil sa takot, sinirado ko na yung gripo sabay kuha sa mga gamit ko at lumabas. 

Nagulat din ako ng sumalubong sa akin si ate.

"Oh, okay ka lang?"

"Ah-Ah..Eh-Oo." 

Yun yung una kong nakakatakot na naranasan dito sa bahay ni Tiya.

================================================================================
Since, matagal na akong hindi naka update.
May part 2 pa ito! Marami siyang naranasan dito. At ulit, hindi niya tunay na pangalan yan. Gawa gawa niya lang pati yung iba.

And again, hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo. 13K reads na. Yehey!

(I'm soooo HAPPPYYYYY)

God Bless yah all!

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now