Bahay ni Tiya 2

103 3 1
                                    

JESSALYN'S P.O.V

Hay, ang sarap ng tulog ko. Napatingin ako sa gilid ko at napalaki nalang yung mga mata ko ng wala na pala sina nanay at Marilyn.

"Hala! Iniwan ako!" tili ko. Sinuot ko yung tsenelas ko sabay tingin sa cellphone ko na nasa side table. 8:23 na pala?

*Tok tok tok*

Napalingon ako sa may pinto.

"Bukas yan." sabi ko ng hindi tumitingin sa pinto dahil iniligpit ko pa tong hinihigaan ko.

Naramdaman ko yung bumukas yung pinto at may pumasok. Si Marilyn.

"Ang bad niyo! Bakit di niyo ako ginising?" tanong ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Pero hindi niya ako sinagot.

"Hoy, bruha! Tinatangon kita." sabi ko ulit. Pero, still no response. 

Medyo na we-weirduhan na ako sa kanya hah. Nasa may bintana siya ngayon, yung porma namin is nakatalikod ako sa kanya.

Akmang lilingon na sana ako nang biglang pumasok si.....

"Marilyn?!" tanong ko ng magkasalubong kami.

"Ano ba ateh? Kanina ka pa tinatawag ni nanay doon sa labas. Nandito ka pa pala? At mukhang kakagising mo lang." sabi niya sa akin na naka crossarm. Pero hindi ako kumikibo. Yung bibig ko nakabukas at yung mga mata ko lumaki na nakatingin sa kapatid ko.

"Hoy! Ate. May tao ba diyan?" sabi niya habang iniwagayway ang kamay niya sa mukha ko. 

Unti unti kong nilingon yung giliran ko pero, wala na yung tao doon.

"Ma-ma-Marilyn? Ngayon ka pa ba pumasok?" nanginginig kong tanong.

"Oo, teka. Bakit ka nanginginig?"

"Bukas na ba yung pinto pagpasok mo?"

"Oo bukas nah, nakita mo naman siguro na diretso na akong pumasok. Teka, ang weird mo hah. Anong nangyari sayo?"

"Ma-may nakita ka bang tao na nasa likod ko kanina?" lumaki na yung mata niya.

"Ateh, walang tao diyan! Hello, tatlo lang tayo dito. Si nanay nasa labas."

"May, pumasok dito kanina!"

"Anong pinagsasabi mo diyan ate? Ateh naman natakot na din ako sayo."

"Hindi ako nagbibiro. Totoo nga, sarado yung pinto kanina, may kumatok tapos may pumasok na ka height mo lang kaya akala ko ikaw yun. Kinausap ko pa nga!" 

May sasabihin pa sana siya ng biglang dumating si nanay.

"Hoy! Ano ba kayong dalawa, kanina ko pa kayo tinatawag. Nagchikahan pa pala kayo. Labas na!" sigaw niya sa amin.

"Opo nay." sabay naming sabi. Pero may sinabi sa akin si Marilyn.

"Teh, usap tayo mamaya."

Tumango lang ako. Sino ba talaga yung nandoon?

================================================================================

OA na ba talaga ako? Paminsan minsan nalang mag UD? Talagang ilang buwan siguro ako hindi naka Update! 

Sorry guys! Nag sabi na ako sa inyo na isusunod ko agad-agad yung kasunod ng 'Bahay ni Tiya' pero, matanda na siguro ako. Makakalimutin na talaga! Pero, salamat naman at hindi ko rin nalilimutan yung ibang task ko sa school. Hindi LAHAT, dahil meron din namang iba. 

Hihihi. Oh Yan na! I think, isususnod ko na rin yung Part 3, bukas. 

At! Thank you po sa lahat ng nagtatyagang basahin tong Kwento namin. Salamat po ng marami. 
God Bless you all.....


True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now