Momo labas ka!

491 14 0
                                    

Kwento toh ng schoolmate kong close na close.

CATRINA'S P.O.V

"Catrina, Ryan, Ghian! Pumasok na kayo dito! Gabi na oh. Nako! Kayo talaga papagalitan nanaman ako ng mama niyo nito. Ghian, magbihis ka ang basa na nang likod mo oh mamaya, uubuhin ka nanaman. Ryan, iligpit mo ang mga kalat mo dito sa sala para hindi mawala. Catrina, tulungan mo sila!" sigaw naman ng tiyahin nila.

"ITO NA PO!" sabay naman naming tatlo habang naguunahang pumasok sa loob.

Kaming apat lang kasi ang naiwan dito sa bahay dahil umalis sila. Ewan ko lang kung saan.

Matapos naming gawin ang sinisihaw ni Tita kanina, nagkanya kanya naman kaming ginawa.

Si Ryan? Ayun, nagutom sa kakalaro. Kumain sa may hagdanan namin para maka nood ng TV. Ako naman, nag facebook lang. Si Ghian naman, ewan ko kung anong ginawa sa sulok. Habang si tita naman nakipag chismisan sa kapitbahay (joke😂) Ewan ko ba kung anong ginawa niya sa labas.

Habang busy na kami dito nilapitan ako ni Ghian.

"Ate Cat, tara samahan mo ako." sabi niya.

"Huh? Saan?"

"Tignan mo si kuya Ryan, takutin natin." napatingin naman ako sa direksyon ni Ryan at ayun nga naka upo sa hagdanan.

Nilingon ko si Ghian at ngumiti.

"Ry, umalis ka diyan." sabi ko.

"Vhaket? *ngumunguya*"

"May momo sa taas kuya. Nakatingin sayo." epal ni Ghian.

At parang baklang tumalon si Ryan mula sa hagdan.

"Ang shama niyo! Batuhin ko kaya kayo ng tinapay." sigaw niya habang kami nagahalapak na sa kakatawa sa pagmumukha niya.

"Hahahahaha, totoo nga. *serious* Hindi mo nakita?" at dahil sa pagmumukha ko na takot siya ulit.

"Wag niyo nga akong takutin. Mamaya, lalabas pa yan. Ang dilim kaya sa taas." sabi niya at pumunta sa kusina para ilagay ang plato niya.

Ilang segundo ang lumipas bumalik siya sa hagdanan at doon ulit umupo.

"Hi Ry." pang aasar ko sa kanya. Pero binelatan niya lang ako.

"Momo, labas ka na diyan. Bumalik si kuya." matapos sambitin ni Ghian yun, bigla nalang may bumato sa amin. Lumipad pa ito sa harap ni Ryan papunta sa amin. At mas malala, sa itaas ito galing.

Agad naming tiningnan kung anong bagay yung binato ngunit, imbes na matakot kami, napatawa nalang.

Paano hindi kami tatawa eh, hanger ang nakita namin na ngayon nasa may sofa kasi doon lumanding matapos batuhin. 

"Hanger lang pala, akala ko ano." sambat ni Ryan at tumawa kami ng mahina ngunit, bigla nalang pumatak sa isipan ko kung saan ito galing.

SA ITAAS! Kung saan namin tinatakot si Ryan. Ang alam ko, kami lang tatlo ang nandito sa loob samantalang si Tita, nasa labas.

Agad akong lumingon sa direksyon kung saan yung hagdan ay may nakita akong isang mabilis na pigura na nasa may gilid ng hagdan. 

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatakbo ba o magsisigaw? Pero sa ending, sumigaw na rin ako sabay labas at iniwan ang dalawa kong maliliit na pinsan. 

At dahil sa pagsigaw ko natakot din ang dalawa at sumunod sa akin palabas.

Lahat ng mga kapitbahay namin na nasa labas ng kanikanilang bahay ay nabigla sa pagsigaw namin.

"Hoy! Ano ba kayo? Nakakahiya sa mga kapitbahay oh. Naglalaro pa kayo." saway samin ni Tita.

"Si Ate Catrina kasi eh!" sabay na sabi ni Ryan at Ghian.

"Huh? Mahina lang kaya yung sigaw ko. Kayo nga diyan, parang baklang hinahabol ng baliw na aso." sambat ko naman.

"Hay! Magsitigil nga kayo. Ano bang nangyari hah?"

"Ganito kasi yun tita. Kanina kasi tinakot nila ako habang kumakain. Yun, sabi ni Ghian na palabasin daw yung momo na nasa kwarto doon sa itaas kasi madilim yun. Tapos, nung ikalawang sabi ni Ghian, biglang may lumipad sa harapan ko. Natakot nga po ako nun, pero nung nakita kong tumawa sina Ate at Ghian napatawa nalang din ako kasi Hanger po yung nakita namin. Pero, hindi po namin alam kong bakit may dugtong na pasigaw pa itong si Ate Cat." mahabang eksplenasyon ni Ryan.

At, sinabi ko rin sa kanila yung nakita ko pero tinakot nanaman kami ni tita at sinabing...

"Hala! Nagalit yung Momo sa itaas." isa isa kaming napayakap kay tita at doon na din kami tumambay.

Mga ilang minuto nawala na sa isip ng pinsan ko ang nangyari kanina ngunit ako, nasa isip ko parin.

================================================================================================================================================================

PASENSYA, PASENSYA, PASENSYA, PPPAAASSSEEENNNSSSYYYYAAAAA Guys! 

Ang tagal kong hindi naka-update. Ilang Days? Weeks? Months? Years? (Cheret!) Pero sorry talaga kung ngayon ulit ako naka update. Nawala kasi yung ibang nasa Draft ko, at kailangan ko ulit interviewhin yung nagkwento sa akin, at napaka busy kong estudyante. Hahaha. 

Okay wala na akong ibang sasabihin. Chupie na ako!


True Horror Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon