Sementeryo

538 24 1
                                    

Ako at yung working student namin ang naka experience nito.

BEA'S P.O.V

Gabi na nang inutusan si Maricel na bumili ng asukal dahil kakailanganin na ito.

At dahil sa takot din ang babaeng toh sa gabi, sinama niya ako.

At umo-o nalang ako sa kanya.

Ang akala ko, magpapahatid kami sa motor. Pero, magbi-bisikleta lang pala. At kami lang dalawa.

"Mommy, pwede ba daw akong sumama kay Maricel?" paalam ko kay mommy.

Ang akala ko, tatanggi, pero mali pala....

"Sige, mag-ingat kayo." sabi niya.

Wala akong magawa kaya sumama ako.

******

Pagdating namin sa palengke, bumili agad si Maricel.

"Maricel, bilisan mo jan. Gabi na oh. May assignment pa akong gagawin." sabi ko sa kanya. Pero wala naman talaga akong homework.

Wala pang dalawang minuto bumalik na siya at dali dali naman akong umangkas sa backseat ng bisekleta.

Tatlong daan ang pagpipilian namin. Yung isa, malayo at maraming mga sasakyan kaya takot kaming dadaan doon. Sa ikalawa naman, hindi naman masyado malayo ngunit. Marami namang aso doon. Sa pangatlo, malapit lang, kaso sobrang dilim at dadaan ka pa sa SEMENTERYO.

Wala kaming choice kundi hatakin ang pangatlong daan.

Papalapit na kami sa Sementeryo ng bigla siyang napatigil at takot na tumingin sa unahan.

"Maricel, ba't ka huminto?" tanong ko sa kanya.

"Be...Bea. Nakita mo ba...yun?" tanong niya sabay turo.

Paglingon ko, nanlaki ang mata ko nang makita ang....

ISANG PUTING BABAENG MAHABANG BUHOK NA NAKATALIKOD SA DIREKSYON NAMIN.

Hindi kami makagalaw at tanging titig lang yun nagawa namin.

Naka balik nalang kami sa realidad ng bigla nalang itong naglaho na parang bula.

At dahil dun, dali dali kaming bumalik sa dinadaanan namin at tinahak ang ikalawang daan patungo sa bahay namin.

Pagdating sa bahay namin, hindi nalang namin iyon sinabi kasi alam naman naming hindi sila maniniwala at sasabihin na guni guni lang namin yun.

========================================================

Ang tagal ko naka update. Musta na kayo?? Hahaha, joke lang. 


True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now