Umiiyak sa CR

756 27 1
                                    

(Edited)

Rose


Madalas na akong makarinig ng kwento tungkol sa CR namin dito. Iisang palikuran lang ang meron kada floor. Sa building naming elementary students, hanggang ikalawang palapag lang at sa isang floor, may apat na classrooms. Grade 4 ako nito at nasa pangalawa kaming palapag sa sunod na building mula sa Grade 1 at 2. Basta ganu'n ang set up.


Sa mga oras na ito kanya-kanya naman kaming linis dahil labasan na namin. Alternate ang paglilinis sa palikuran, sa araw na ito section na namin. Nagtanong lang 'yung adviser sa amin kung sino ang maglinis at marami sa amin ang nagvolunteer. Dahil hindi naman marami ang gagawin sa palikuran at mas maagang maka-uwi kaya naman gusto naming maglinis doon.


Lima kaming napili ni ma'am at sumama naman siya sa amin para bantayan kami.


Binuhusan lang namin ni Glaiza ang inidoro at nilinis lang ito ng bahagya, si Daisy naman ang nagpunas sa salamin samantalang nag mop naman 'yung dalawa naming kasamang lalaki. Katunayan wala naman kaming nalinis dahil hindi naman marumi dito, konting buhos ng tubig mawala agad ang putik. Malaki ang palikuran, may isang inidoro, isang room na pwede kang magpalit ng damit saka lababo at salamin.


Hindi umabot sa 20 minutes ang paglilinis naming at wala naman si ma'am kaya nakatayo naman kaming nag-uusap.


"Narinig niyo ba? Sabi 'nung kabilang section, may batang umiiyak daw dito sa CR natin." panimula ni Glaiza.


"Weh? Totoo?"


"Oo daw! Narinig daw nila, isang baby umiiyak daw dito. Alangan naman na makapunta ang baby dito sa CR natin. Hindi naman makakalakad iyon." tumango naman kami kay Glaiza bilang pagsang ayon pero nagtawanan lang ang dalawang lalaki.


"Nge, bakit kayo matatakot sa baby? Eh, baby lang naman iyon?"


"Ano ka ba Kevin, alangan naman na hindi ka matakot eh wala nga tayong kasamang baby dito sa school. Syempre matatakot ka talaga pag marinig mo iyon!"


"Sabi nila tiyanak daw kung ganu'n." sagot ko naman na ikinatalon ni Daisy mula sa upuan dahil nga nagpupunas siya sa salamin.


"Huwag nga kayong manakot!" sabi niya pa na nakasimangot.


Tumawa lang 'yung mga boys at niligpit ang mop. Papaalis na sana kami nang biglang dumating si ma'am. Bakas sa mukha ang pagtataka at isa-isa kaming tinitigan.


"Nag-aaway ba kayo?" nagtinginan naman kaming lima.


"Po? Hindi po."


"Bakit po?" tanong naman namin. Kumunot ang noo ni ma'am at pumasok sa loob. Isa isa niyang binuksan ang dalawang pinto na parang may hinahanap.


"Sige na children, balik na kayo sa room." nag-iba bigla ang mood ni ma'am. Ngumiti siya sa amin na parang walang nangyari at hindi siya kumibo sa kinatatayuan hangga't hindi kami natapos sa pagliligpit.

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now