Nasaan na 'yung kasama niyo?

21 0 0
                                    

Ito ay kuwento ng isa kong kaibigan na itatago ko sa pangalang Lucy.

Naalala ko noon, highschool pa ako nito. Naunang umuwi 'yung mga kapatid ko dahil may practice pa kami. Nasa public school kami kaya walang guard o kahit anong bantay ang kasama namin. Pero malalaki naman na kami at alam na namin ang dapat gawin at hindi. 

Hindi pa rin nila makuha ang steps sa performance task namin sa P.E kaya konting push nalang talaga, uusok na ang ilong ng leader namin. 'Yung mga boys namin kasi ang kukulit kaya hindi na talaga napigilan ng leader namin na si Jonnah na magsalita. 

"Ano ba guys!? Makinig naman kayo oh! Para maka-uwi na tayo!" sigaw ng isa naming kasama, tinulungan na si Jonnah.

"Oo nga guys! Nilalamok na ako dito." saad ko naman para mawala ang tension. Napapansin ko na kasi ang namumuong luha ni Jonnah at ang lakas niya hah, hindi tumulo at umiwas lang ng tingin na parang walang nangyari. 

Umayos naman ang lahat kaya inistart ulit 'yung music and this time maayos na ang pag-eexecute ng mga moves. 

"Ayan naman pala! Kaya niyo naman pala! Pinahirapan niyo pa ako." nagsipalakpakan naman 'yung mga boys. Sampu kaming lahat, bale anim kaming babae tapos apat sila. 

"Akala niyo tapos na tayo? FROM THE TOP!" nagsibagsakan naman ang mga balikat naming lahat pero sinunod pa rin namin 'yung gusto niya. Nagkaroon naman talaga kami ng performance dahil sa kanya kaya dapat makinig talaga kami. 

After nito naging maayos na ang lahat kaya nagdecide na kaming tapusin na ang practice. 

"Okay guys! Bukas hah! Tayo ang una kaya dapat ihanda niyo 'yung mga props niyo." bilin sa amin ni Jonnah. 

"Gutom na kayo guys?" biglang saad ni Marky kaya tinaas ko agad ang kamay ko. Gutom na talaga ako.

"Libre ka?" tanong ko kaya napaatras siya roon. 

"Ehhh, kulang pera ko, kanya kanya tayo. Kain muna tayo. May kainan roon oh." nagulat pa ako ng halos kaming lahat umoo sa kanya pwera kay Kelly na sinundo na raw. 

Kami lang ang nandito kaya inasikaso agad kami nung babae at binilang na kami para sa kanin. Ganito naman talaga sila dito kaya ulam nalang 'yung problema namin. Pagkatapos naming kunin 'yung mga ulam nagsi-upuan na kami at kanya-kanya ng kuha sa mga kanin. 

"Oh, kanino 'tong extra?" tanong ko habang pinakita sa kanila ang extra na rice.

"Wala pa namang umorder ng extra rice."

"Wala NA sigurong oorder, kulang pera natin teh."

"Isuli mo nalang." malapit lang kami sa counter kaya ako na mismo ang tumayo para ibalik iyon. 

"Ate, sobra po isa." napakunot naman 'yung noo ni ate at tiningnan ang table namin. 

"Sa isa niyo pong kasama 'yan." 

"Nine lang po kami ate, hehe." napakamot naman ako sa ulo ko at binigay na sa kanya nang tuluyan ang kanin. Baka macharge pa sa akin. 

"Nasaan na po 'yung isa niyong kasama?" napatigil sa pag-ayos 'yung mga kasamahan ko at nakinig. 

"Ay, umuwi na po 'yung isa. Ay teka, doon sa kabilang daan pa umalis si Kelly ah. Talagang napansin niyo 'yun?"

"Nilagay pa nga niya bag niya diyan." nagsitinginan naman kaming lahat.

"Baka nagkamali lang po kayo ate." sabat na nila Jonnah. 

"Nasaan 'yung nakafull uniform niyong kasama?" doon na kami natigilan. 

"Ate naman huwag nga po kayong magbiro ng ganyan."

Ngayon na ako kinikilabutan. Galing kaming lahat sa practice 'diba? Naka t-shirt na kaming lahat, walang naka-full uniform sa amin. 

🙂

True Horror Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon