Wag kang maingay, narinig ko rin yun.

704 36 1
                                    

Medyo kinkilabutan ako dito. Sa facebook nabasa ko ito, kaso nag kwento rin ang classmate ko nito. At medyo short story lang toh.

JELYN'S P.O.V

(6:00 p.m.)

"Good Evening ma." sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Kararating ko lang galing school kasi may practice kami para sa presentation namin ngayong Sabado.

"Oh, kumain ka na ba?" tanong niya.

"Eh, hindi pa nga po eh." sabi ko saka umupo sa dining table namin.

"Oh ito oh. Naka kain na kasi ako eh." sabi niya saka naglagay ng pagkain sa mesa.

Habang kumakain ako rito, napansin kong kami lang dalawa ni mama ang nandito.

"Ma?" tawag ko.

"Oh, bakit?" nasa sala siya ngayon, hindi ko alam kong ano ang ginagawa niya. Baka nanood ng T.V

"Nasaan pala sila Kuya?" tanong ko. May dalawa akong kuya, kapatid ko si kuya Leo at si kuya Rey naman pinsan lang namin pero dito muna nakitulog kasi malapit lang sa'min ang paaralan niya.

"Si Leo nasa birthday ng kaklase niya at si Rey naman, bago lang tumawag medyo matagal tagalan pa ang group project nila." sagot naman ni mama.

"Ahhh...Ok." sabi ko at tinapos na ang kinain ko saka hinugasan ang plato.

*****

"Mama, akyat lang po ako sa kwarto ko. May homework pa po kasi akong gagawin eh." paalam ko. Tumango naman siya kasi nakatingin pa rin siya sa pinanood niya.

(7:35 p.m)

Tapos na kasi ang homework ko kaya nagfafacebook lang ako dito.

"Jelyn!" may narinig akong sigaw sa baba. Babae ang boses pero hindi kay mama. 

"Jelyn!" wala naman kaming ibang kasama kundi ako lang at si mama at dalawa kong kuya. 

"Teka lang po." sigaw ko naman pabalik. Si mama lang to.

Pagbukas ko ng pinto sakto ding pumasok si mama.

"Oh ma. Bakit po?" tanong ko. Bakas sa mukha niya ang pagkatakot.

"Shhh... wag kang maingay." sabi niya at idinikit ang kanyang tenga sa pinto. Para namang bata toh.

"Ma, para kang baliw diyan. Ano nga po yun eh?" sabi ko saka humiga sa kama.

"Narinig ko rin yun." sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko. 

"Ang alin po?" tanong ko.

"Yung tumawag sayo." tumaas naman ang balahibo ng marinig yun.

"Ma. nagbibiro lang po kayo." sabi ko.

"Jelyn!" natigilan kami ni mama ng marinig namin ulit yung tawag.

Dali dali naman akong yumakap kay mama na ni lock ang pinto.

"Ma, sino yun?" manginig na tanong ko.

"Abay, ewan ko. Kinilabutan nga rin ako." sabi niya naman.

At wala na yung tumawag sakin.

Hanggang sa dumating sila kuya.

"Mama, Jelyn? Nandito na ako!" sigaw ni kuya galing baba.

Dali dali naman kaming bumaba.

"Oh bakit kayo hinihingal?" tanong ni kuya habang nilagay sa loob ng ref yung dala niyang pagkain.

Saka ko ikinuwento sa kanya at sakto ding dumating si kuya Rey.

"Weh? Totoo ba?" tanong ni kuya Leo.

"Totoo nga. Kung hindi kayo maniniwala sakin, doon kayo ni mama magtanong." sabi ko.

"Totoo ba ma?" sabay pa nilang tanong.

Nag nod lang si mama.

Kaya simula noon, pagkami lang ni mama ang maiwan dito sa bahay always kaming magkatabi. Takot kasi kami.

==========================================================================

Nagtanong ako sa kanya kong totoo ba ito, baka kasi kinuha niya lang sa facebook. Pero, seryoso siya kaya yun. Shinare ko nalang sa inyo.

Sorry din po kasi natagalan nanaman akong magupdate kasi busy na busy talaga ako sa school namin. 

Salamat naman sa mga nagvote at nagbabasa nito.

God bless po!!!

True Horror Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon