Ang Lalaki sa Pictures

731 24 0
                                    

(Edited)

Tita Lou

Sinapo ko nalang ang aking noo dahil nahihilo na ako sa paiba-ibang kulay ng disco lights. Birthday ng isa sa mga kasamahan ko sa trabaho kaya naman nasa isang bar kami dito sa Japan. Bigla akong kinalabit nila Jenny at Clarice saka bumulong na lalabas daw kami. Buti nalang at nagyaya na ring lumabas dahil nga nahilo ako sa lights. Masakit na kasi ang ulo ko tapos lumala lang nang makapasok kami sa bar. Silang dalawa lang ang masasabi kong kaclose ko dahil pareho kaming taga probinsya at mas nagkakaintindihan. 

Pagkalabas namin napahinga ako ng malalim, nilanghap ang napaka lamig na simoy ng hangin. 

"Ay ang ganda du'n, tara puntahan natin." yaya ni Jenny sa amin ni Clarice, hindi na kami nagsalita at sinundan siya. 

Napunta kami sa likod nitong bar at may nag-iisang mesa dito. Hindi naman kami nagtaka dahil nga may bar naman at baka nailagay lang 'tong mesa dito. Madilim sa parteng ito pero mula rito makakita ka ng napakagandang view dahil parang nasa taas kami ng bundok.

"Picture tayo dali!" kinuha naman ni Clarice ang camera niya, mas uso pa ito sa panahon namin 'yung maliit na camera lang ang gamit kapag magpicture taking. Flip phones pa 'yung gamit namin sa mga panahong ito. 

"Lou! Ali na!" tawag nila sa akin, nakayapos lang 'yung kamay ko dahil nilalamig nga ako sabay hinindian sila. 

"Bakit ba? Wala ka sa mood ata ngayon?"

"Masakit ulo niyan Jenny. Pero dali na ba, maganda view. Pang remembrance ba." hihilain na sana ako ni Clarice at balak ko na ring magpahila ng bigla akong kinilabutan. Parang may nararamdaman akong kakaiba sa paligid. 

Hindi na tuluyan akong nahila ni Clarice at napatingin ako sa kanila.

"Bakit?"

"Ayaw ko."

"Hah?"

"Kayo nalang, ayaw kong sumali."

"Hala, sure ka?"

"Oo, ahmm, mas mabuti rin sigurong umalis na tayo dito. Iba pakiramdam ko dito." saad ko pa. Nagtinginan sila Jenny at Clarice. 

"Kill Joy mo naman, once in a lifetime lang naman 'toh. Maganda talaga 'yung view, sayang naman!" sabi pa ni Jenny at 'yung view naman 'yung kinunan ng litrato. 

"Kayo, kung gusto niyo. Ako nalang mag picture." ako naman ang nagvolunteer at wala na silang sinabi saka binigay sa akin ang camera. 

Una, silang dalawa sa picture then kanya-kanyang solo picture. Pumunta naman sila sa may lamesa at doon naman sila na pose. May nakatayo, nakaupo at nakawacky pa. Natawa nalang ako sa kalokohan nilang dalawa at nang matapos umalis na rin naman kami. Saglit kong dinapo ang tingin ko sa parteng iyon, may kakaiba talaga akong nararamdaman pero hindi ko maipapaliwanag kung ano kaya minabuti ko nalang na manahimik. 

Mga ilang araw ang lumipas, sinama pa nila ako sa pagdevelop ng mga pictures. May mga pictures din naman ako roon kaya sumama na rin ako. Manghang mangha naman kami sa kalabasan ng mga pictures.

"Nah, sabi ko sayo eh! Ang ganda ng view!" pumalakpak pa si Jenny nang makita ang kuha ko sa kanila. 

Pero napansin namin na kanina pa kinunot ng lalaki ang noo niya at tinitigan ng mabuti ang mga pictures sa computer niya. 

"Sir? Is there something wrong?" tanong na ni Clarice. 

"Who's this guy? Pose in picture in a weird way." sabi niya na parang nahihirapan pang mag english. 

"Guy?"

Nagkumpulan naman kaming tatlo sa maliit niyang mesa. Halos lumuwa ang mga mata namin at napatakip sila Clarice sa bibig nila dahil sa mga nakita namin. 

"Guy." turo niya sa lalaking sa pagkakaalam namin, hindi namin kasama sa oras na iyan. 

May picture na naka smile si Clarice habang si Jenny naka wacky at katabi niya ang lalaking parang nakabarong at hindi klaro ang mukha. Sa pangalawang picture, pareho silang nakawacky at ngayon nasa tabi naman ni Clarice, hindi na masyadong klaro ang mismong lalaki. Sa solo pictures nila, nandoon pa rin 'yung lalaki. Kay Clarice naka-upo siya sa mesa at nakahiga sa ilalim ang lalaki, parang naapakan niya ito. Pero 'yung kay Jenny, hindi na niya nakayanan at nawalan ng malay. 

Nagkagulo tuloy sa loob ng shop dahil dito. Agad din naman kaming tinulungan ng mga tauhan sa shop na iyon at mga ilang sandali dahan dahang bumuti na ang lagay ni Jenny. 

Sino ba naman ang hindi kikilabutan sa nakikita namin? 

Sa solo picture lang naman niya, naka-upo siya at nakahiga pa rin 'yung lalaki. Pero sa pagkakataong ito, nasa taas ng mesa na ang lalaki at nakapatong sa kanya si Jenny. 

Kaya pala, mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa panahong iyan. Dahil may nagambala na  pala kami. 


🙂


Nawalan na sila ng komunikasyon sa isa't isa at matagal na panahon na nangyari ito, hindi pa uso ang magpost sa social media at lalong lalo na sa pagsave sa flash drive dahil nga nadevelop na kahit hindi na alam ni tita kung nasaan na ang mga litratong iyon. Pero base sa naalala niya, hindi nga lang siya sigurado, pinabura 'yung mga litratong iyon dahil natatakot daw sila. 

Hope you're doing well everyone. Stay safe always and God bless you all. Until next update, Sweet Dreams!

True Horror Stories (Tagalog)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz