Nagalit 'yung lalaki

807 18 1
                                    

Edited

Jessa

May konting pagsasalo ang nagaganap ngayon sa bahay ng tiyahin namin at kaming magkakamag-anak ay pumunta para na rin tumulong. Ngayon nandito kami sa loob ng kwarto ng anak ni tiyahin, ang pinsan naming si Lacy. 

As usual, kapag sama-sama na nga ang magpipinsan, magulo talaga. 

"Sana dito nalang kayo matulog mamaya 'no? Namimiss ko talaga kayo!" palundag lundag na saad ni Lacy. 

"Sabihan ko si mama, baka papayag 'yun." sagot naman ni Maria. 

"Baka, matagal tagal na rin kaya tayong hindi nakapag-sleep over." sambat ko naman na isinang-ayon ng lahat.

"Mga bata! Bumaba na kayo doon, kakain na raw tayo." biglang bukas ng pintuan ni tita bago kami nagtakbuhan.

Habang kumakain ako, napansin kong kulang kaming magpipinsan. Wala 'yung pinakabata naming pinsan, si Eliza. 

"Ate El, nasaan si Eliza?" tanong ko nang madatnan ko ang mama niya. 

"Tapos nang kumain, nasa kwarto ko. Nanood ng Hello Kitty." napatango na lamang ako at balak kong puntahan para kulitin. 

Dahan-dahan ko ngang binuksan ang kwarto nila. Doon nga, tahimik at seryoso nga itong nanonood ng cartoons sa laptop ni ate. Tumabi ako sa kanya, hindi na ako nag tiyempong manggulat dahil napansin niya ako.

"Hello lang! Ano gawa mo?" tanong ko pa sabay kurot sa pisngi niya. 

Tinuro niya lang 'yung laptop at hindi na muli ako pinansin kaya ang ending, imbes na mangulit ako, nakinood na lang din. Mabuti pa dito, malamig kaya dito na lang muna ako.

Mga ilang minuto nga ang lumipas ay nag-iba na ako ng posisyon, bale humiga na nga ako kasi naka-dapa kami pareho at kita ko na ang mukha ni Eliza na kumukunot na 'yung noo. Binalik ko ang tingin sa movie dahil akala ko kung ano na ang nangyayari kina Hello Kitty na ikinaganyan ng mukha niya. Pero maayos naman sila at balik na rin ang tingin ko kay Eliza. Ngayon ay napagtanto ko na nga na iba pala ang kanyang tinitingnan. 

"Eliza? Anong tinitingnan mo riyan sa sulok?"

Hindi siya ulit nagsalita, bagkus ay tinuro niya lang ito. Tama nga ako. Sa sulok nga siya nakatingin, sa gilid ng pintuan.

"Pangit ng lalaki, te Jess." doon na ako napabalikwas.

"Anong pangit? Anong lalaki!?" nagulat pa siya sa akin sabay turo muli sa sulok. 

"Eliza, hindi magandang joke 'yan. Kung may nakikita ka man, ako WALA! Tara, labas tayo." pinatay ko ang laptop sabay karga sa kanya. 

"Ate, huwag tayong lumabas. Galit siya." napatigil ako. Tiningnan ko siya, mata sa mata. Pero hindi niya ako matitigan ng maayos dahil nga sinisipat niya rin ng tingin 'yung lalaki kuno. 

"Eliza, may ibang tao pa ba dito? Bukod sa ating dalawa?" 

"Siya nga ate, galit na siya dahil napansin mo rin." napasigaw ako nang biglang natumba 'yung dress rack na malapit mismo sa pinto. Natamaan pa nga 'yung likod ko kaya napasigaw. 

Nataranta na nga ako saka ko sinubsob ang mukha ni Eliza sa dibdib ko para hindi na nga niya pansinin 'yung galit sa amin at makalabas na kami sa kwarto. 

Nakalabas na nga kami at naikwento ko naman 'yung nangyari sa loob.

True Horror Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon