WALA NA SI TITO!?

3.6K 111 5
                                    

(Edited)

Ito ang nakakapangilabot na pangyayaring naranasan noon ng aking kaibigan na itatago ko lamang sa pangalang Mylene.

Mga alas diyes ng umaga noon, mag-isa akong naglalaro ng cellphone sa loob ng aking silid. 

Katunayan, ako lang talaga ang naiwang mag-isa sa bahay dahil namamalengke sila mama, kasama ang dalawa kong kapatid at si papa na nasa trabaho. Hindi rin nagtagal, narinig ko na ang ingay na nagmumula sa kusina namin. Buong akalang nakauwi na sila mama kaya kampante lang ako at hindi na muna lumabas. 

Hanggang sa nabagot ako kaya lumabas na rin. Pero tahimik ang buong bahay, wala sila mama dito. Naisip kong nagpapahangin sa labas, ang init din kasi dito sa loob. 

Lumabas ako at saktong nakita ko si tito Mark na nakatalikod mula sa direksyon ko. Hindi man siya nakaharap sa akin, kilalang kilala ko pa rin ang pinsan ng mama ko. Ano naman ang ginagawa niya dito?

"Tito! Ba't ka nandito? Nasaan sila Mila?" tanong ko tungkol sa pinsan kong anak niya. 

"Tito Mark? Oi!" hindi naman niya ako pinansin, kahit konting lingon lang, hindi niya ginawa. Para akong tanga kaya nainis naman ako sa kanya.

"Diyan ka na nga!" iniripan ko siya at pumasok sa may sala namin. 

Hanggang sa marealize kong hindi ko nga pala nakita sila mama. Hindi naman ako nag-isip ng kung ano dahil baka si tito 'yung nag-ingay kanina sa kusina. Napakunot naman 'yung noo ko habang iniisip ang inatsa ng tiyuhin ko. 

Tirik na tirik ang araw sa labas, ni hindi man lang siya sumilong. Inangat ko ang ulo ko para makita siya mula sa bintana pero wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. 

"Nasaan na 'yun?" 

Iniisip kong inaasar nanaman ako ng tiyuhin ko, tulad ng nakasanayan namin. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang panonood ng TV. 

Mula kaninang umaga hanggang alas kuwatro ng hapon wala sila mama kaya panay ang pagdadabog ko dahil ang tagal nilang nakauwi. Inaasahan ko pa naman ang mani na binili nila mula sa palengke. Pero base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha, may nangyaring hindi maganda.

"Ma, ang tagal niyo ata." reklamo ko. Tumigil sila at nagtinginan, nataranta naman ako nang mapansing tumulo ang luha nila ate at mama. 

"Hoy! Hala! Anong nangyari?" patuloy lamang ang hagulhol nilang dalawa habang nakatingin lamang sa kawalan sila papa at kuya. 

"Ang daya! Hindi niyo man lang ishare 'yang drama niyo. Ano ba nangyari sa inyo?" 

"Lene, huwag kang mabibigla hah. Pero, wala na si tito Mark mo." mahinang sabi sa akin ni papa. Napakurap ako. 

"Anong wala na?" 

"Patay na si tito Mark." hirap na saad ni ate sa akin dahil sa kakaiyak. Hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Hindi ko nalang namalayan ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. 

"PATAY NA SI TITO!?" pasigaw kong tanong. Kahit rinig na rinig ko ang mga katagang sinabi sa akin ni ate ngunit gusto ko pa ring makasigurong mali 'yung narinig ko. 

"Kailan?" nanginginig kong saad. 

"Kaninang umaga lang. Gigisingin na sana nila pero malamig na bangkay na ang sumalubong sa kanila. Tumawag sila Mila kanina habang namamalengke kami kaya pinuntahan na namin agad. Hindi na rin namin nasabi sayo." paliwanag ni kuya Ryan. 

Saglit akong natigilan at napalitan ng kaba ang nararamdaman ko.

"Eh, sino 'yung nakita ko kanina?" mahina lamang ang pagkasabi ko pero narinig pala ni kuya iyon. 

"Ano?"

"May tao dito kanina, diyan, nakatayo. Nakatalikod sa akin habang kinakausap ko. Hindi ako magkakamali. Si tito Mark, nakita ko siya kanina dito. Ma! Nandito si tito kanina!" agad akong niyakap ni mama at marahang hinaplos ang likod ko. 

"Nandito si tito Mark? Nakita mo?" ang kaninang lungkot na ekspresyon, napalitan ito ng gulat. 

"Oo! Kinausap ko nga! Alam kong si tito 'yun kasi suot niya 'yung paborito niyang t-shirt na green. Tapos nakashort ng itim? Kaya alam kong siya 'yun!" 

Napahawak si ate sa bibig niya at tiningnan si mama. 

"Ma? Hindi ba't iyon ang suot ni tito kanina?"

🙂

Isa si Mylene sa paborito niyang pamangkin, ani nila nagpapaalam ito sa kanya.

================================================================

Hello and Thank you for reading! If mayroon kayong kababalaghang experience or kwentong nais niyong ibahagi, feel free to message me and I'll try to publish it. 

Until next update! Sweet dreams. 


𝙲𝚑𝚎𝚌𝚔 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚘𝚞𝚝!  

𝙼𝚒𝚔𝚊𝚗𝚊 𝙲𝚑𝚊𝚛𝚖𝚜 𝟷𝟾𝚔 𝙶𝚘𝚕𝚍 𝙿𝚕𝚊𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚘𝚗𝚘𝚔𝚊 𝙲𝚑𝚊𝚒𝚗 𝙽𝚎𝚌𝚔𝚕𝚊𝚌𝚎 𝙰𝚌𝚌𝚎𝚜𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝙵𝚘𝚛 𝚆𝚘𝚖𝚎𝚗 𝙵𝚊𝚜𝚑𝚒𝚘𝚗 𝙺𝚘𝚛𝚎𝚊𝚗 𝙵𝚛𝚎𝚎 𝚂𝚑𝚒𝚙𝚙𝚒𝚗𝚐 𝚂𝚊𝚕𝚎 𝙹𝚊𝚙𝚊𝚗𝚎𝚜𝚎. ✨

𝙵𝚘𝚛 𝚘𝚗𝚕𝚢 𝙿𝚑𝚙 𝟷𝟺𝟿.𝟶𝟶 ✨

𝙻𝚒𝚗𝚔 𝚒𝚜 𝚒𝚗 𝚝𝚑𝚎 𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝 𝚜𝚎𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 ☺️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

𝙻𝚒𝚗𝚔 𝚒𝚜 𝚒𝚗 𝚝𝚑𝚎 𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝 𝚜𝚎𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 ☺️

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now