May tao ba sa kusina, lola?

2.1K 59 5
                                    

(Edited)

Lola

Nagpaalam ako kay Bea na magsasaing lang ako sa kusina. Sinuguro kong sarado ang pinto at iniwan siyang naglalaro dito sa sala. 

May nakita akong kamote dito kaya kinain ko habang nagsasaing. Kasalukuyan akong nakaupo, napansin kong may puting dumaan sa unahan ko. Dahil nga nakayuko ako, hindi ko masiguro kung ano. Isinawalang bahala ko nalang ito nang may malamig na hangin ang dumaloy sa likod ko.  

Hindi ako natatakot at nilingon ito. Nakabukas pala ang ref. Buong akala ko, si Bea lang. Mahilig pa naman 'yun magpalamig dito. 

"Bea, huwag kang makulit diyan. Isara mo 'yan." sabay subo sa hawak hawak kong kamote. 

"Bakit po la?" napatigil ako nang makitang nasa may pintuan si Bea papuntang sala, wala dito sa likod ko. Dahan dahan akong lumingon sa ref at mas lalo pang lumaki ang pagkabukas nito. Hindi ko na lamang ito pinansin at ako nalang ang nagsara nito. Sinabihan ko na rin 'yung bata na bumalik sa sala. 

Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko 'yung mga pinggan na naiwan dito. Nakaramdam naman ako nang parang may nakatingin sa akin kaya nilingon ko ang direksyong iyon. Wala naman. 

Ano bang nangyayari sa akin at kung ano-ano na ang mga iniisip ko.

Bea

Pagkatapos akong tawagin ng lola ko, bumalik ako sa pinangagawa ko. 

Naglalaro ako ng luto-lutuan dito, tulad ng ibang mga bata hindi talaga mawawala ang mga manika at barbies bilang customer kuno. Kinaka-usap ko pa nga ito.

Nakaharap ako sa sofa at bintana naming jealousy. 

"Ma'am gusto niyo ng coffee?" saktong pagkasabi ko nito, bumukas ang bintana sa harap ko at pumasok ang napakalamig na hangin. Syempre, bata pa lamang ako nito at natakot ako dahil du'n. Pero malakas pa rin loob dahil tinungo ko ito para isara. 

Napansin ko ang aso namin na tahol ng tahol, may tao pala sa labas ng gate namin. 

Hindi ko naman kilala kung sino ito, hindi naman 'toh nanay ng mga kaibigan naming kapitbahay. Nakatalikod din siya. Tatawagin ko sana, baka may pakay sa amin ba.

Pero naalala ko 'yung sinabi ni mommy sa amin. May baliw daw na kumukuha ng bata. Naisip ko agad iyon dahil sa suot niyang marumi at nakalaylay pa ang buhok. Hindi rin siya kumikibo. Agad kong sinara ang bintana at dali-daling pinuntahan si lola. Muntik pa kaming magbungguan dahil papunta na rin sana siya dito. 

"Lola, may baliw sa labas. Natatakot ako lola." 

"Sarado na ba ang pinto't bintana?" tanong niya akin, tumango lang ako pero hindi ako sigurado.

"Pero 'yung gate lola ba! Baka makapasok 'yun?" 

"Tingnan ko muna." hindi naman ako bumitaw sa kanya habang dala dala ang isang basong laruan. Hindi ko pala ito nabitawan.  

Medyo madilim na ang paligid dahil mag-aala sais na. 

Binitawan ko rin naman siya at tinungo niya ang gate. Wala na rin 'yung baliw na nakatayo sa labas kanina kaya naging kampante ako. 

"Oh, nasara ko na. Bumalik ka na roon."

"Tara na la! Hindi kita iiwan dito." hinila ko na siya.

Napakamot na lamang siya sa ulo niya nang makita ang kalat na ginawa ko. 

"Hay ano ba naman 'tong mga kalat mo? Iligpit na natin 'toh." 

"Ehhh, mamaya na la. Maglalaro pa ako." 

"Gusto mong pagalitan ka ng mommy mo? Ayaw niya ng kalat 'diba?" dahil du'n dali-dali naman akong nagligpit. Tinulungan na rin niya ako, ang dami rin kasi.

"Lola? Bakit ang tagal nila mommy? 'Diba uuwi na 'yun ngayon noh?" curious kong tanong. 

"OH!"

Sabay kaming napatigil at napalingon sa kusina. 

Imbes na si lola ang sasagot sa akin, may narinig kaming boses Lalaki sa kusina.

Napalaki ang mata ni lola nang tingnan ako, dahil sa itsura niya natakot ako at binitawan ang mga laruang hawak ko para mayakap ko siya.

"Sino 'yun la!?" naiiyak kong saad habang binaon ko ang mukha ko sa leeg niya. 

Iniwan nalang namin ang kalat at lumabas, natakot na tuloy akong pumasok sa loob. 

Alas siyete nang makauwi sila mommy kasama ang daddy at kapatid kong iniwan ako sa kalagitnaan ng laro namin kanina. Naikwento na rin ni lola ang nangyari sa amin habang kumakain kami. 

Ako mismo at ang lola ko ang nakaranas sa sitwasyong ito noong elementary pa lang ako. 

🙂

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now