'Yung lalaki

1.1K 36 2
                                    

(Edited)

Auntie Ellie

"Ay! Ang laki pala talaga ng bahay ni madam Cel noh?" manghang saad ng isang nanay na kasama ko. Nandito kami sa bahay nila Bea, kaklase ng anak ko.

Dito namin napagdesisyunan na ihanda ang mga pagkain na dadalhin namin mamaya sa Christmas party nila. Mas malapit lang kasi sa school nila at sumang ayon naman ang lahat.

Sinalubong kami ng kasambahay nila. Sa pagkakaalala ko, Mary ang pangalan niya.

"Magandang umaga po, kakaalis lang po nila ate at kuya po. Kukunin na siguro 'yung mga cake at desserts para mamaya."

Nagtutulakan pa kami kung sino ang mauuna dahil natatakot kami sa mga aso nila. Ang laki!

May lutuan sa labas, malaki ang area doon at hinanda na pala ni Mary ang mga gamit kaya dumiretso na sila doon.

Ako naman, since hindi na ito ang unang pagkakataong pumunta ako dito dumiretso na ako sa CR nila. Naiihi na kasi ako. Sa may sala ako pumasok, mas malapit sa CR nila.

May maliit na bintana ang dingding nila na pagkapasok mo sa sala, makikita mo ang isang parte ng kusina mula sa bintanang iyon.

Pagkapasok ko, bumungad sa akin ang lalaking nakatalikod mula sa direksyon ko. Ang tangkad nito at nakasuot pa ng puting t-shirt. Hindi ko na pinansin at nagpatuloy papuntang CR.

Pagkalabas ko, hindi ko na nakita 'yung lalaki at sa kusina na ako lumabas para diretso sa cooking area nila sa labas.

Malapit na kaming matapos sa paghahanda nang makita kong wala ng laman ang water dispenser nila at naalala ko ang lalaking kasama ni Mary dito.

"Mary? Nasaan na 'yung kasama mo? Utusan mo munang lagyan ng tubig 'toh."

"Teh?"

"Yung kasama mo ba. 'Yung lalaki?"

Napakurap si Mary habang kinakamot ang ulo niya.

"Pinagsasabi mo oi? Wala namang lalaki dito ah." sabi naman ng isa pang nanay.

"Saan na ba kasi 'yung boy niyo? Nakaputi nga 'yun eh. Nandito nga sa kusina niyo kanina."

Napalaki naman ang mata ni Mary at natigilan ako sa sinabi niya.

"Teh, ako lang po naiwan dito hanggang sa dumating kayo. Wala po akong kasamang lalaki dito."

🙂

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now