Ang Nurse

249 5 2
                                    

Hello! Nabuhay akong muli! Siya nga pala, Thank you sa 15K reads! Naging busy lang ako nang ilang araw at nakita ko na naging 15K na kayo. Hehehe, flatter si ako.

Pero ngayon, dahil na miss kong mag-update at laking pasasalamat ko kay 
na nag-share sa akin nang nakakakilabot na kwento galing sa friend na itatago natin sa pangalang 'Mia'.


LEANNE'S P.O.V

Nasa school si Mia kung saan mga madre ang nagtuturo.

Isang araw habang nagklase sila Mia biglang sumakit yung ulo nya. Yung parang malapit na syang mahilo. Hindi niya muna yun sinabi sa teacher nya at tiniis muna ang sakit kasi may klase pa sila.

Nung natapos daw yung klase nila, nagpasama siya sa best friend nyang itatago narin natin sa pangalang Elrose.

"Hoy! Samahan mo ako sa clinic, medyo nahilo kasi ako eh." sabi niya kay Elrose.

"Hah? Tara!" sagot naman ni Elrose sa kanya

Nang makarating na sila sa may clinic, agad din naman siyang nagpaalam kay Mia na mag CR kasi naiihi daw siya.

"Oh sige, balikan mo ako hah!" saad ni Mia sabay alis ni Elrose.

Humarap si Mia sa may pintuan pero sarado ito. Medyo kinakabahan din siya at natakot dahil kitang kita na walang katao tao sa parteng lugar na iyon. Kumatok siya ng tatlong ulit pero makalipas ng ilang segundo, mukhang wala talagang tao. Nagpasya nalang siyang umalis upang sa classroom nalang magpahinga pero, nung tatalikod na siya, biglang bumukas ang pintuan.

Bumungad sa kanya ang nakangiting Nurse. Nagulat siya nung una dahil nakakakilabot naman talaga ang ngiti ng nurse, pero ngumiti nalang din si Mia.

"Anong kailangan mo?" magalang na tanong ng nurse kaya medyo kumalma si Mia.

"Ahm, sumakit kasi bigla yung ulo ko kanina at mukhang mas lumala pa ito ngayon kasi nahihilo na ako." sabi niya.

"Ahhh, sige inumin mo ito tapos magpahinga ka nalang diyan." sabi ng nurse bago niya ako binigyan ng gamot at tubig. Tapos umidlip ako saglit, para mapahinga yung ulo niya baka kasi sobrang stress kaya sumakit yung ulo niya. 

Naramdaman niyang wala pang isang minuto, dinalaw na siya ng antok.

*

Makaraan ng ilang oras, napabangon siya nang may narinig siyang isang sigaw ng babae. Hindi lang basta sigaw kundi, para itong nanghihingi ng tulong. Napatingin siya sa paligid at nagtaka ng makitang madilim na. Tanging buwan lang ang nagsisilbi niyang ilaw upang makita pa ang paligid.

"Grabe hah! Ilang oras ba ako natulog? Ginabi talaga?" bulong niya sa sarili. Napatigil siya saglit ng maalala talaga ang nangyari sa kanya. Pumasok lang naman siya sa clinic upang makapagpahinga at naalala niya pa yung nurse na siyang nagpapasok sa kanya sa loob.

"At teka? Nasaan yung nurse na yun? Matapos niya akong papasukin dito aalis din naman pala siya?" naiiritang tugon niya. Akmang tatayo sana siya nang marinig nanaman niya ang sigaw ng isang babae. Dumungaw siya sa isang bintana na malapit lang din naman sa kama. 

Una niyang nakita ang dalawang aninong masasabi mong nag-aaway, inisip niya pigura ito ng isang babae at lalaki.

At makaraan ng ilang sandali naaninag na niya na babae at lalaki na ito, at napalaki ang mga mata niya nang makitang sinasaktan ng lalaki at babae.

"TAMA NA!" sigaw ng babae na pilit makawala sa bisig ng lalaki pero mukhang mas malakas ang pwersa ng lalaki kaya talo pa rin ang lakas ng babae.

"Anong tama na?! Dapat lang yan sa babaeng katulad mo! Ang landi mo! May iba ka palang lalaki!?" sigaw muli ng lalaki at binugbog nanaman ang babae.

Napasigaw siya ng konti at tinakpan din naman ang bibig ni Mia ng makitang naglabas ng isang napakatulis na bagay ang lalaki saka niya sinaksak ang kawawang babae. 

Takot at gulat ang naramdaman niya ng makitang nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang babae at kita niyang tumigil na ito, sa pagkakaalam niya. Wala ng buhay ang babae. 

Napalaki at napa awang ang bibig niya ng bumaling ang atensyon ng lalaki sa kanyang direksyon. Kita niya ang pagtakbo nito sa direksyon niya at sumigaw na rin siya.

"AHHHHH!" hingal na hingal siyang napabangon mula sa pagkahiga.

Pawis na pawis si Mia at tumingin sa may bintana. Napakunot ang noo niya ng makita umaga nanaman. 

"Iha!?" napatalon siya sa kama ng makita ang tatlong madre sa unahan niya.

"Okay ka lang?" alalang tanong ng isang madre. Tumango lamang si Mia.

"Paano ka nakapasok dito?" tanong naman ng isa na nasa 30's na takang nakatingin sa kanya.

"Sumakit ho kasi yung ulo ko kanina at pinapasok ako ng nurse dito upang magpahinga." saad niya.

Kita niya ang pagkagulat ng mga madre sa sinabi niya sabay sabing....

"Iha, nakasirado na ang clinic na to at walang nurse dito sa dahil isang abandunadong clinic ang pinasukan mo." sabi nito na siyang ikinalaki naman ng mata ko.

 "P-p-pero sino yung nurse na nagpapasok sa akin dito?" Yun yung tanong niya na dahilan para magkatinginan yung mga madre.

Hindi siya sinagot ng mga madre kundi, pinabalik siya sa classroom niya, pero merong siyang narinig mula sa isang madre.

"Nagpakita muli si Elissa." sabi nito at umalis.

Madami siyang tanong sa isipan niya lalong lalo na yung sinabi ng isang madre na tungkol sa pangalang Elissa.

Sino kaya si Elissa?

Sino kaya yung Nurse?

Sino kaya yung babae sa panaginip niya?

Ano ang koneksyon niya sa mga kababalaghang nangyayari sa kanya ngayon?


================================================================================================================================================================================================================================================

Hello ulit sayo, 

Salamat sayo kasi, pinagkatiwalaan niyo ako sa kwento niyong ito sa akin. Talagang super duper na nakakakilabot, hindi ko akalain, merong totoong naka experience nga ganyan. I hope, na okay na si 'Mia' after nun.

Pasensya ka na hah, dahil ngayon ko lang ito na Publish, nag ka problema lang kasi yung Wifi, humina. (Ewan ko ba kung bakit) 

At laking pasasalamat ko sa kuya kong (hindi naman masyadong kagwapuhan) na siyang nag ayos nitong Wifi namin kaya bumalik muli sa dati nitong lakas.

God Bless sa inyong lahat.....Mwah!


True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now