Bahay ni Tiya 5

106 4 0
                                    

This time, ang nanay na nila ang naka encounter nito.

AUTHOR'S P.O.V

Pagkatapos mag kwento si Marilyn tungkol sa nakita nitong lalaki hindi mapigilan ni Jessalyn na tumili na iki na inis ng ina nila.

"Alam niyo! Lagot kayo sa tiya niyo pagnalaman niya na mayroon kayong pinagkalat na balitang tungkol diyan sa multo multo niyo!" pa sermon na sabi ng nanay nito.

"Nay! Totoo naman kasi eh!" sambit naman ni Jessalyn.

"Che! Diyan na nga kayo. Oh, hugasan niyo na ang mga pinggan at linisin niyo yung ibang kalat." sabi ng nanay nito sabay akyat.

"Alam mo. Pag si nanay na talaga ang makakita ng mga nagpapakita sa atin ewan ko lang talaga!" padabog na saad ni Jessalyn bago pumunta sa kusina pero agad din namang bumalik sa kinatatayuan.

"Hoy! Marilyn! Halika na nga. Maglinis na tayo." sambat naman ng ate nito.

Wala namang magawa si Marilyn kundi sinundan ang ate nito.

Samantalang nasa itaas naman ang nanay nila na nakahigang naka tingin sa TV.

"Hay! Ang gaan naman sa pakiramdam pag ganito ka lang buong araw." sambit ng ina nito.

Pero napa tayo siya ng masipatang mayroong taong bumaba mula sa hagdanan nito.

"Hoy! Sino ka!" sigaw nito pero tuluyan na bumaba ang lalaki.

Tumaas bigla ang balahibo ng ina nila at dahan dahang sinuot ang tsinelas at sinilip ang hagdanan.

Nanginginig man siya pero tiningnan pa rin niya ang hagdanan.

Tahimik ito kaya medyo madilim sa baba. Alam niya kasing wala sa sala ang nga anak kundi nasa kusina kaya imposibleng isa sa kanila ang umakyat at bumaba naman.

"May tao ba diyan?" tanong nito pero walang sumagot.

Wala namang ibang magawa ang ina nila at bumalik ito sa sofa ngunit, nagulat nalamang siya ng makita ang ISANG LALAKI na naka upo na sa pwesto niya kanina. Naka tingin sa kanya ang matandang lalaki at napahawak sa dibdib ang ina nito.

"Nay? NAY! Anong nangyari sayo?" tarantang sabi ni Marilyn.

"ATE! TULONG! SI NANAY!"

================================================================================================

Sa awa nang diyos, maayos na raw ang kalagayan ng nanay nila. Yun na raw muna ang mga kwento niya. Dahil simula nung nangyari sa nanay nila, naniniwala na ito sa kababalaghang nangyari sa bahay ng Tiya nila.

Dito na po nagtatapos ang kwento ni Marilyn tungkol s 'Bahay ni Tiya' dahil umalis na rin naman sila.

Maraming salamat nga po pala sa mga readers na pinagpasensyahan ang matagal kong pag update at maraming salamat sa mga votes niyo! Na appreciate ko talaga ang mga iyon.

God bless..😇😇

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now