White Lady

781 26 1
                                    

Nangyari ito sa bestfriend ko, itatago ko siya sa pangalang Samantha.

SAMANTHA'S P.O.V

(6:20 p.m)

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, wala naman akong ginagawa kaya, humiga lang ako sa kama ko.

Habang nagtetext ako rito, naisipan kong pumunta ng CR.

*

Pagkatapos kong mag-CR binuksan ko na ang pinto, nagulat nalang ako nang bukas ang pinto sa labas at may babaeng naka puti

Ang alam ko lang kasi,

MAG ISA LANG AKO NGAYON....

Umalis kasi sila mama at papa at yung kapatid ko naman nasa lolo at lola ko. Kaya ako lang ang mag-isa.

"Ahmmm...ano po yung kailangan niyo?" tanong ko, pero hindi naman siya lumingon.

"Sino po yung hinahanap niyo?" tanong ko ulit. Pero hindi pa rin siya lumingon. At naalala ko yung bilin ni mama na yung pinaguutangan niya ay pupunta dito sa'min at baka daw maka alis na sila nang hindi pa dumating yung ale at ako nalang daw ang magbibigay nitong pera.

"Ahmmm...kung kayo po yung pinaguutangan ni mama, sandali lang po kukunin ko lang yung pera." paalam ko sa kanya pero wala pa rin. Kaya kinuha ko iyon sa altar.

Nang mahawakan ko na ang pera na realize ko na,

Bakit parang walang imik yung babae?

Hindi niya man lang akong kinausap?

Dahan dahan naman akong sumilip sa pinto pero laking gulat ko ng....

WALA NA DOON YUNG BABAE....

Dali dali naman akong kumuha ng krus at sinuot yung rosary na naka sabit ni Mama Mary syaka pinuntahan yung pinto at sinirado.

Pumunta ako sa kwarto at sinirado yung bintana at pinto ko.

Agad ko namang dinayal ang number ni mama.

"Ma, nassan na kayo?"

"Nasa crossing na kami, bakit dumating na si Aling Mars?"

"HINDI. BASTA BILISAN NIYO PLS..." natatakot na talaga ako.

"ANO BANG NANGYARI SAYO SAMANTHA. MAY MAGNANAKAW BA DIYAN? ANO!" 

"PAGDATING NIYO NALANG SYAKA KO IKUKWENTO. BASTA BILISAN NIYO."

Agad kong binaba yung tawag at nagdasal.

First Time kong makakita nang MULTO!

Mga ilang minuto dumating na rin si kuya at sila mama at papa.

Ikinuwento ko naman sa kanila yung nakita ko. Si kuya pinagtatawanan lang ako pero naniniwala sila mama at papa. Kasi nakita din daw ni Mama yung babae noon na nasa pinto namin daw.

Kaya simula noon, kapag wala akong kasama dito sa bahay gagala nalang ako.

============================
Pinsan ko pala tong si Samantha, yung lola niya at lola ko at magpinsan daw. Pero bestfriend ko siya.

Ngayon ulit ako naka pagupdate kasi busy sa homework, tasks at activities namin. Stress!  😭😭
 
Babosh.....

True Horror Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now