Sabrina (71)

73.3K 2.5K 1.9K
                                    

The door kept on buzzing at ninenerbyos akong sumilip sa bintana ng salang kinaroroonan ko. Mula rito, nakikita ko ang labas at may nakikita akong nakatayo sa may pinto na hindi ko masyadong mamukhaan.

I am sure it's not Papa. Tumawag siyang baka matagalan pa siya bago makabalik sa probinsya. He will not be able to visit me sa usual schedule niya nang pagpunta dito sa isla. Besides, today is not even the day that he is supposed to be here. And the person by the door looks shorter than him. Kaya sino ang tao sa pinto?

Muling umalingawngaw ang chime sa buong villa at nanatili akong tahimik at nakikiramdam lang. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa villa. In line with the plan to make anyone believe na walang nakatira dito. Dalawa lang kaming nakakaalaam ni Papa na nandito ako. Hindi ko magawang umuwi sa resort and face my mother. I have nowhere else to go. Papa is worrying about the logistics of when the time comes na manganganak na ako pero hindi ko pa 'yon iniisip.

Yes. Papa knows of my condition. I had no choice but to confess everything that has happened to me for the past few years. Not the nitty gritty details. I don't think his heart could take those. Para nga siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang malamang nabuntis ako ng anak ni Jaime San Martin. Baka tuluyan na siyang maghuramentado kapag malaman niya ang detalye.

Hindi ko alam kung paano ko siya napapayag na mamalagi ako rito ng mag-isa at walang ibang makakaalam. Pati ang palihim na mga doctor's check-up ko siya rin ang nag-asikaso. Maybe it is the guilt or he truly wants to help me in the way that I needed. Whatever his reasons are, I'm just glad that he is helping me.

"Sabrina, open the door. I know you're in there."

Nanayo ang balahibo ko nang marinig ko ang boses na iyon sa intercom. Nabuksan ko nang wala sa oras ang cellphone ko, binuksan ang video app connected sa doorbell ng villa, at tumambad sa akin ang iritadong mukha ni Tita Adina. I watched, fascinated, as she pressed the doorbell again and spoke into the intercom.

"Keep me waiting out here and your mother will know where you are and what kind of doctor you've been seeing for the past month," banta niya.

Atubili man, napilitan akong lumapit sa main door at binuksan iyon. Pinasadahan ako ng tingin ni Tita Adina mula ulo hanggang paa bago ibinalik ang tingin sa akin mukha.

"Hello, Sabrina."

"Hello, Tita," magalang ko ring bati.

"Aren't you going to let us in?"

Napatingin ako sa likuran niya at doon ko napansing kasama niya ang kanyang mayordoma, sekretarya, at bodyguard. May kanya-kanyang bitbit ang mga ito na malalaking plastic bags ng isang sikat supermarket sa karatig probinsya. Napilitan akong buksan ang pinto ng mas malapad para makadaan at makapasok silang apat.

Tita Adina marched straight to the kitchen at the far back of the villa. Tahimik namang sumunod ang tatlo and I took up the rear. I am so confused right now. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ngayon ang nanay ng kapatid ko. Nakadagdag pa sa pagkalito ko ang mga nakikita kong grcoeries na dala nila. Bakit at para saan?

"Place them there," utos ng senora sa mga ito at agad namang ibinaba nang tatlo ang mga dala sa malapad na countertop.

Tita Adina marched backed out of the kitchen at humahabol naman ang tatlo sa kanya habang naiwan akong nakatanga sa mga iniwan nilang groceries. I could hear the older woman giving brisk instructions as they go farther away as I slowly creep towards one of the many plastic bags. My curiosity got the better of me at sumilip na ako sa isa. Iba't ibang prutas ang laman niyon. I can see a pack of sliced watermelon and my mouth began to water. Tapos na ako sa stage na may morning sickness pero hindi pa rin naalis ang pagkahumaling ko sa pakwan. To take my attention away from the mouthwatering fruit sumilip din ako sa iba pang mga bags at lalong nadagdagan ang pagtataka ko. Ang daming groceries ni Tita Adina!

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon