Oliver (30)

169K 2.3K 935
                                    

"What the fuck are you all doing here?"

Cedric just looked at me with a grin.  He looks like a jackal while the rest of my soccer team, mukhang nandito silang lahat, are cackling behind him like hyenas.  Sa halip na sumagot, mariing tinulak ng gago ang pinto na ikinaatras ko, and swaggered into the room while the rest of them followed.  Pabalabag kong isinara ang pinto sa inis habang nakasunod din sa kanila.

"Saan ang ref?," usisa ng isa naming teammate, si Theo, sabay baling sa akin. I pointed at the direction of the kitchen. Humiwalay naman ito sa grupo at lumiko patungo sa tinuro ko, bitbit ang dalawang carton ng Red Horse in can. 

Dmitri, who is bringing up the rear, suddenly stopped at muntik na akong mabangga sa likuran niya kung hindi lang ako maagap. Pumihit ito parahap sa akin.  "Got to bring in the Conquest." And got back out.  I was left staring at his wake.  Mayamaya ay lumangitngit ang gate.

"Ano ba 'tong ref mo, San Martin!," reklamo ni Theo mula sa kusina.  "Dalawang Pilsen lang ang laman tapos puro totoong pagkain.  Do you even know how to cook these?"

"Don't touch that!"  Si Sabrina ang namamalengke and I just eat kung ano man ang inihahain niya.  I don't think she will be happy pagbalik niya at makitang napalitan ng beer ang laman ng ref.

Muling bumukas ang pinto and in came Dmitri.  Hinagis nito ang bungkos ng susi sa mesa sa gitna ng sala kung saan nagkanya-kanyang puwestuhan ang mga teammates namin.  Dumiretso naman siya sa direction ng kusina.  

Binalingan kong muli ang mga gagong ito na narito sa bahay ko. Nangangati akong pagsisipain silang lahat palabas  but I can't right now.  I am in just a towel wrapped around my waist. Saktong kakatapos kong maligo nang sumunod-sunod ang katok sa pinto.  Thinking that it was Sabrina who forget her housekey, dali-dali akong nagtapis at bumaba para pagbuksan siya.  

The last time I saw Sabrina was Thursday night.  Noong iniwan ko siya sa bahay ng sobrang lasing na si Rachel.  Today is Sunday at hindi pa rin siya nakakauwi.  To say that I miss her is a gross understatement at this point. So imagine my irritation seeing these idiots at the door.  

"Sino ang napakatalino sa inyo who thought that this is a great idea?."  Irritated as hell, I glared at them one by one.

As one, they all pointed at Cedric.  Why am I not surprised?

Cedric just grinned up at me habang  hinahagis ang game console sa katabi.  Maagap naman itong nasalo ng huli and then the TV came to life.

"What's the big deal?  We need a place to crash in.  You have this huge house.  Do the math."

"And everyone of you agreed to this?"  Hindi ako makapaniwala sa kakapalan ng mga mukha ng mga ugok na 'to.

Tawa at kibit-balikat lang ang sagot nila.  

"Hindi pa ako napunta dito."  Sabi ng may hawak ng console.

"That and free booze, man."  Sabi naman ng isa pa.

Sensing that I can't win this argument, tinalikuran ko na sila at muling umakyat sa kuwarto ko.  All the while kicking Cedric six ways from Sunday in my mind.  Mula sa kuwarto ay rinig na rinig ko ang pagkakagulo nila sa baba. Mabuti na lang at ang lalayo ng mga kapitbahay ko or else naipa-barangay na ako tiyak sa ka-ingayan nila.  

I have just grabbed a white shirt from my cabinet when the noise downstairs suddenly stopped.  That gave me a bad feeling.  Dali-dali ko nang sinuot ang T-shirt at agad na lumabas.  

As soon as I got to the head of the stairs, I saw them staring at the direction of the door kaya napatingin na din ako doon. I felt all the tension in me na naipon sa loob ng tatlong gabi, released.  My housemate is finally home.

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon