Sabrina (56)

86.8K 2K 616
                                    

Nakikipagbuno pa rin si Rachel sa kanyang maleta nang bumalik ako sa kuwartong ginagamit namin pagkatapos ko siyang ipagtimpla ng kape.  Nakapatong na siya ngayon sa maleta at pinipilit isara ang zipper nito pero bigo siya.  

Inilapag ko ang tasa ng kape sa bedside table at lumapit sa kanya.

"Ree, ano ka ba?  Masisira na 'yan," sabi ko.

Tumingala siya sa akin at nagpa-awa effect pa ang mga mata.  "Bree," mangiyak-ngiyak niyang banggit sa palayaw ko.  "Ayaw masara!" parang batang pagsusumbong nito.

Inirapan ko siya. "'Di ba, sabi ko sa'yo kahapon ayusin na natin 'yan?"

Nalukot ang mukha niya sa narinig.  "Bree naman eh.  Eh kung tinulungan mo na lang kaya ako na isara 'to sa halip na sermunan."

Napabuntong-hininga ako at umupo na nga paharap sa kanya.  

Kahit kailan talaga, si Ms. Last-Minute itong si Rachel.  Pagbalik namin mula sa buong araw na pamamasyal kahapon, sinabihan ko na siyang ayusin na namin agad ang mga pinamili niya pero puro 'mamaya na' lang ang sinabi hanggang ngayon ngang madaling araw na at paalis na siya.  Ayan tuloy.  Cramming siya ngayon.

Umalis na siya mula sa pagkakapatong sa kanyang maleta at magkatuwang naming isiniksik ang mga nadagdag niyang bagahe.  She went to town buying souvenir shirts.  Binilhan niya yata ang lahat ng mga katulong at mga drivers sa compound nila at hirap na kami ngayong pagkasyahin iyon lahat sa maleta.  Pareho kaming nakahinga nang maluwag nang maisara na nga namin iyon.  Tinest niya pang pagulungin if it will work fine and it did.  Itinabi niya ito sa may pinto, kasama ng ilang boxes pa ng mga pasalubong na iuuwi niya rin.

Napakunot-noo ako sa mga boxes.  Hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa ang dami nga niyang dadalhin mamaya tapos mag-isa lang siya.  "Kung iwan mo na lang kaya ang mga boxes para sa bahay?  Tutal uuwi rin naman ako."  

Hindi natuloy ang pagluluto ko ng almusal kahapon dahil tumanggi ang nagmamaktol na si Anna na tumulong.  Nagbanta pa siyang lalasunin ang pagkaing mapupunta kay Oliver kapag pinilit siya.  Hindi ko naman kayang magluto ng maramihan na ako lang kaya napagksaunduan na lamang namin na mag-alumsal sa Breakfast at Antonio's.  Doon nanggaling ang mga boxes na nakikita ko ngayon sa may pinto.  

Gourmet sardines ang laman ng mga iyon at lahat kami ay namili para pangpasalubong sa kanya-kanyan naming mga bahay.  Lahat kami maliban kina Cedric at Anna.  Si Cedric hindi kumuha dahil malapit lang naman ang tirahan niya sa Tagaytay kaya hindi kailangang mamili ng pasalubong from here.  Si Anna naman ay nagsabing makikihati na lang sa pinamili nina Theo at Cole dahil tig-iisang bote lang naman daw ang madadala niya at wala siyang extra baggage para sa flight niya pauwi.  Baka hindi niya daw mailusot sa airport kung sakali at sayang lang kung iiwan niya.    

Bago ako tugunin ni Rachel ay nahahapo siyang gumapang sa kama at tumihaya sa gitna noon.  Pumaibabaw din ako sa kama at naupo sa tabi niya.  Sinulyapan niya ako.

"Iuuwi ko na lang 'yan ngayon.  Knowing you, wala ka namang extra baggage na kinuha sa flight mo.  Kapag nagpadagdag ka this late in the game, masyado nang mahal.  At alam naman nating ang kuri-kuripot mo.  Baka iwanan mo pa ang mga 'yan sa airpot kesa magpadagdag ng baggage."  May gana pa siyang tawanan ako ng sabihin iyon.  Sinimangutan ko nga.  Pero tama naman ito.  I hate paying extra for unnecessary things. 

"Kaya mo ba 'yang bitbitin lahat?" pangungulit ko pa.

"May cart naman sa airport at iche-check-in ko naman 'yan lahat.  Pagdating ko naman sa airport sa atin, may susundo naman.  So, walang problema."

I won't let this go.  "Paano mo ipapahatid sa bahay?  Hindi ka ba papagalitan niyan?"

Kumibit-balikat siya.  "I have my own personal driver na ako nagpapa-suweldo.  Mommy has no hold over him so puwede ko siyang papuntahin kahit saan ko man gusto."

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon