Sabrina (50)

100K 2.3K 1K
                                    

I don't know what woke me up but I opened my eyes blearily to the feeling of someone staring at me.  May yakap akong unan na nakatabon sa halos buo kong mukha.  Mga mata ko lang ang kita.  Tensyonado, kumurap-kurap lang ako habang nakakapit pa rin sa unan.  I'm trying to focus on the figure that is casting a shadow over my face.  When I realized that it is Oliver, the tension melted away at muli kong ibinaon ang aking mukha sa unan.  

After a few minutes, sumilip ako at doon ko napagtantong nakatunghay pa rin ang seryosong mukha ng nobyo ko sa akin.  Tahimik niya lang akong tinitingnan.  At nakipagtitigan rin naman ako.  Unti-unti kong ibinaba ang unan na kalahati na ng mukha ko ang kita, mula ilong pataas na.  Dahil doon, lumihis ang kumot at comforter ko hanggang sa na-expose ang leeg at mga balikat ko sa malamig na hangin ng kuwarto.  Maingat niyang inalis ang unang nakatabon sa mukha ko at inilipat iyon sa kabilang tabi ko.  He then pulled the blanket and then the comforter to cover me again up to my neck.  Isiniksik niya pa talaga sa akin ang kumot para masigurong natatabunan ako.

"Nilakasan ko ang aircon.  Too cold for you," seryoso niyang sabi na ikinangiti ko.  Ang aga-aga magpa-pogi points nitong nobyo ko.  

Nobyo.   I grinned.  Widely.  Really got myself hooked to this beautiful guy, didn't i?  Akalain mo nga naman.

Pero matiim pa rin ang pagkakatingin niya sa akin na ang ngiti ko ay nauwi sa pagtataka at bahagyang pagka-ilang.  "Is everything okay?" 

"No.  Ang sarap ng tulog mo," he grumbled and glared at me na para bang napakalaking kasalanan na inabutan niya akong tulog.

Napaangat ang dalawa kong kilay sa narinig.  Napasulyap ako sa glow-in-the-dark wall clock and noticed that it is a half past six in the morning already pero madilim pa rin dito sa loob ng kuwarto.  Nakasara pa rin kasi ang mga kurtina kaya walang liwanag mula sa labas na nakakapasok.

"It is too early for you to be here," komento ko nang muli akong umayos sa pagkakahiga at tinitigan siya.  Lunes ngayon.  Sa pagkakaalam ko, after lunch pa ang lahat ng klase niya.  I expected to see him tonight pero lampas kalahating araw ang ikinaaga niya ng balik.

"Apparently," he said, sarcastically.  "Sa sobrang aga hindi ka man lang natinag nang pumasok ako.  I could have been a burglar and could have done something sa'yo and you won't have any idea.  You love it when I'm not here, noh?"

I blinked up at him and stared.  Ako naman ang napakunot-noo.  "Are you looking for a fight?"

"No," agad niya namang tanggi pero madilim pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.  I stayed silent and waited.  He sighed and pouted.  "I'm just so damn tired, love."

"Of what?  Playing with friends and Paige?"

He reeled back and stared at me, his frown deepening.  Sinimangutan niya na ako.  I ignored that and stared back, waiting for his response.

"Ano naman ang kinalaman ni Paige dito?" angil niya.  

I shrugged and several inches of my covers slipped again to my shoulders.  Unconsciously, napasunod ang tingin niya doon.  Hinila niyang muli ang mga iyon pataas, but not before the pads of his fingers caressed my skin.

"Malay ko," pabalewala kong sabi.  "Sabi mo, pagod ka."

He looked confused.

"Oo nga.  Sinabi ko nga 'yon.  But I don't get why you have to mention Paige." Tinitigan niya pa ako ng mas maigi at nakaramdam ulit ng pagkailang.  Inalis ko ang tingin sa kanya at tumitig na lang sa kisame so I would not need to suffer his disconcerting stare na nararamdaman ko pa rin ngayon kahit hindi ko man nakikita.

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon