Sabrina (35)

126K 2.7K 1.9K
                                    

"Uy. Okay ka lang?"

Napaigtad ako at nahinto sa  pagtingin ko sa kawalan dahil sa mahinang siko ni Rcahel sa akin.  Nang lingunin ko siya, may bitbit siyang isang tray ng mga pagkain na maingat niyang inilapag sa mesang napili ko.  

"Rach!"  

Hindi ko na siya nasagot dahil sa tiling iyon.   Sa halip, sabay naming nilingon ang pinanggalingan ng naturang boses at nakita namin si Trisha na kumakaway sa amin from across the street.  We are currently on the second floor terrace of the restaurant na pinili ni Rachel at nakaharap iyon sa main street.  Kaya malinaw naming nakikita si Trisha na mukhang kakalabas sa isa sa mga woodcarving shops this small town is known for.  Nakita naming may tinawagan siya at mayamaya nga ay tumunog na ang cellphone ni Rachel.

"Manananghalian na kayo?," umalingawngaw ang boses ni Trisha dahil in-on ni Rachel ang speaker.

"Oo.  Gutom na 'tong kasama ko." Maaga akong nagyaya kay Rachel na mananghalian na pinaunlakan naman niya ako kaagad. Ito na rin ang pumili nitong restaurant na kinaroroonan namin ngayon.

Mabining tumawa si Trisha. "Sige.  Mag-iikot pa muna ako.  Sasabay na din ako sa iba mamaya.  Balikan na lang namin kayo diyan, ha."

"Sure."  And Rachel put an end to the call at humarap sa akin.

"You don't have a problem with me inviting Trisha and the others, right?," nag-aalalang tanong niya.  "I know this is your trip at sinabit mo lang ako."

Mabilis akong umiling.  "No.  I don't mind.  The more, the merrier, 'di ba?"

"Uh huh.  So bakit hindi ka mukhang merry?"  Umupo siya sa katapat ko at dumukot ng isa sa mga taco na in-order niya at kinagatan ito habang tinitigan ako at naghihintay ng sagot. 

"Wala,"  pag-iiwas ko.

Inirapan niya ako habang ngumunguya.  "Huwag ako, Ree.  You have never lied to me yet.  Huwag mong simulan today.  So, what's bothering you?"

Napabuntong-hininga ako.  I can no longer bottle all these confusing feelings and thoughts to myself.   Feeling ko sasabog na ako if I don't start some of this to someone.  This is Rachel.  She will always have my back.  It is only right that I open up with her.  

Decision made, maingat kong dinukot ang puting sobre mula sa aking bucket bag and pushed it towards her.

She stared at the white envelope in confusion.  "Ano 'yan?" 

Binaba muna niya ang kinakaing taco, naglinis ng mga daliri gamit ang wet tissue na dala, bago inabot ang puting sobre. Tahimik ko lang pinanood.  Her eyes rounded and her jaw dropped in amazement pagkakita niya ng mga tickets.

"Wow."  Then she stared at me blinking before her eyes returned to the tickets in her hand.  "Field level seat tickets for the College Soccer Finals Cup.  My god!  One of this costs an arm and a leg not to mention nagkaubusan na tapos you got five up your sleeves.  How?"

I shrugged helplessly.  Paano ko maipapaliwanag kung paano ko nakuha ang mga tickets na hindi ikukuwento sa kanya ang tungkol kay Oliver?  She pierced me with her stare , trying to intimidate me into spilling my guts out, pero nanatiling tikom ang aking mga bibig.  

When she realized that she can't bully me into telling, nalukot ang mukha niya at napabuntong-hininga.  Akmang ibabalik na niya ang mga tickets sa sobre nang muling nanlaki ang kanyang mga mata.  She saw something at the back of the tickets and doon ko lang din naalala ang ticket na may sulat. I tried snatching the tickets out of her hands pero maagap niya iyong nailayo sa akin.

"Rachel, please," I beseeched her anxiously habang pilit pa ring inaabot ang mga tickets.

She ignored me and made a ceremony of reading out loud what was written on one of the tickets.  "Wish you were there.  But I guess, I can't be too greedy and ask for everything.  I'll kick ass for you, love.  Even if you don't get to see it.  Oliver."  

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon