Chapter 48

511 24 1
                                    


Maaga akong nagising ngayon, biyernes na. Pababa na ako ngayon mula sa kwarto ko 'nong tinawag ako kanina ni manang fe, isa sa mga katulong nila Mr. Azriel dito sa mansyon.

Sinabi ni manang fe na may bisita raw ako, then ako raw yung hinahanap. Inisip ko naman kung may nagsabi sa akin bibisitahin ako, pero wala akong maisip e. Sobrang aga naman ang pagbisitang ito.

"Good morning manong" bati ko kay manong guard na abot langit 'yong ngiti ng nakita ako.

"Oh Ensley, Good morning din! Ang tagal mo kanina pa naghihintay mga bisita mo sa labas."sabi sa akin ni manong sabay ngiti ulit ng kay tamis.

"Hay naku kuya, sino po ba mga bisita ko at halos lahat kayo sobrang saya?" tanong ko kay kuya na kanina pa naeexcite na malaman at makita kung sino ba mga bisita ko ngayon.

Binuksan ko yung gate at bumungad sa akin si nanay at tatay na nabalot ng saya at ngiti yung mga mukha nilang dalawa, tumakbo na ako at sinalubong ko sila ng mahigpit na yakap, then hindi ko alam kung bakit biglang lumuha yung nga mata ko, siguro sa sobrang saya lang.

Makita ko lang yumg mga taong nagpalaki,nag-alaga at nagmahal sa akin is sobrang fulfillment na iyon sa akin. They're the persons na hindi ko kayang ipapalit sa kahit ano. Mahal ko sila at higit pa salitang mahal. Kaya kong magsakripisyo alang-alang sa dalawang taong kayakap ko ngayon.

"Iyan nanaman sinasabi ko sayo anak e, umiiyak ka nanaman na parang bata"asar sa akin ni tatay na tumatawa na ngayon.

"Si tatay naman eh, masaya lang po ako, halos ilang linggo rin kase na hindi ko kayo nakita, at alam niyo ba ang dami kong gustong ikewento."sabik na sabi ko sa kanila.

Wala lang, kase kahit ang hirap lang ng sitwasyon namin, masaya pa rin kami at kuntento sa mga bagay na meron kami ngayon.

Masaya talaga sa umpisa. Fulfilling sa dulo... pero sa gitna? Parang ang tagal, parang ang hirap, parang nakakasawa, nakakainip, paulit-ulit, nakakapagod, parang gusto mo nang umatras, parang gusto mo nang bumitaw at umatras na lang.

Kalma. Mahirap talaga sa gitna. Nakakapagod. Minsan hindi masaya... pero hello, progress is progress. Mukha mang walang plano si God sa 'yo, pakiramdam mo man na super tahimik ni God sa mga dasal mo... don't worry, He's working behind the scenes. He's working in silence.

Kailangan lang nating maging matatag. Kailangan nating maniwala kahit walang naririnig. Kailangan nating magpatuloy kahit parang wala namang progress. Life is messy. Pero sa kabila ng mga paghihirap natin - sa buhay, sarili, pangarap, pag-ibig - masusuklian ng maganda kapag hindi tayo sumuko.

Dalawa lang ang dapat nating gawin:
Gumawa ng kabutihan (no matter what) at huwag sumuko.

"So let’s not get tired of doing what is good. At just the right time we will reap a harvest of blessing if we don’t give up."
Galatians 6:9
(linya ni Marcelo Santos lll)

Nagfacebook kase ako kagabi at mabsa ko lang yang linyang yan na galing sa page ni sir Marcelo Santos lll,
Natamaan lang ako sa mga linya niya na tagos hanggang puso.

Ang dami kong pangarap, kase minsan napapaisip nalang ako,paano kung lahat ng paghihirap namin is walang hangganan? Paano kung may isang araw nagising ako sa umaga na sumuko na pala ako mula sa pag-abot ng mga pangarap ko? Lagi kong ipi nagdarasal na hanggang sa huli nananatili akong nakatayo at hinaharap ang mga pagsubok na patuloy na sumusubok sa pagkatao ko at kina nanay at tatay na rin.

Sana balang araw makamit ko lahat at mabayaran ang mga naging sakripisyo nila sa akin.

Mahal na mahal ko sila, sobra pa sa sobra. Makita lang sila sapat na!  Masilayan lang silang nakangiti buo na ang araw ko.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now