Chapter 2

1.7K 43 4
                                    

Tinungo ko nga yung tinuro nilang daan,at doon ko lang napagtanto na ang daang iyon ay iyon din yung dinaanan ko kanina.

"Eh ito yung dinaanan ko kanina ah!"tumingin ako sa taas at may nakita akong nakasulat.

(THIS WAY TO FACULTY ROOM).

"What?"

Diba dito ako nanggaling kanina, dito din nangyari ang lahat kung bakit kami pinagalitan nung teacher.

"at mismong tabi lang niya itong faculty room?" mahina kong sambit.

May pagkatanga din ako minsan eh,sa isip ko.

Walang pagdadalawang isip kong pinasok yung faculty room.

Ng nakapasok na ako,tumambad sa akin ang dalawang tao.

Nakita ko si taong palaka sa harap ng table ng principal sa right side.

"Hindi ba tinuro sa school na pinanggalingan mo,kung paano kumatok?",tanong sakin ni taong palaka.

"Itinuro bakit?"

"Bakit hindi mo inapply?" tanong ulit niya sa akin. Bago pa ako makasagot ulit,nagsalita na yung principal.

"stop that! Umupo kana rin iha,para masimulan na nating pag-usapan at ayusin itong gulo,na nagawa mo!" sabay tingin kay taong palaka.

"Bakit ako?" pabalag na sagot niya sa principal.

"Eh diba,hindi naman na bago ito sa atin, at isa pa,sa bawat gulong sangkot ka,ikaw yung ugat ng lahat ng lahat ng kaguluhan?"

At eto naman ako,abalang pinakikinggam silang dalawa na may halong pagtataka.

Na parang hindi man lang niya mabigyan ni taong palaka ng kaunting respeto yung kausap niya,na parang nakalimutan ata niyang principal yung kausap niya.

"Ikaw naman iha!first day of school,nasali ka na sa gulo agad. Diba ikaw yung napili naming bigyan ng scholarship?" tanong niya sa akin. Na ikinaba ko.

"a-a-opo!"sagot ko na sobramg kinakabahan.

"Iha,alam ko namang matalino ka eh,at alam kong nagtapos ka sa highschool bilang Valedictorian,at isa pa you are the top 1 in the entrance exam here in our school.
Kaya ineexpect ko na hindi ka pumapatol sa mga bagay na katulad nito."

"opo,pangako po,hindi na ho mauulit. This is the first and last." Sagot ko sa principal namin,na may pagka hyper.

"Tignan lang natin" bulong ni taong palaka.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya,hindi ko naintindihan eh.

"It's not your business!"

"ok! Go ahead,punta na kayo sa respective room niyo.

"dun lang ako nakahinga ng maluwag,hayst sa wakas natapos din.

Naglalakad na ako sa coridor. Tinignan ko yung no. ng room ko,no. 104.

Ibinaling ko ang paningin ko sa likod ko ng namalayan ko na parang may sumusunod sa akin at nakita ko si taong palaka,kaya pinili kong tumigil onti.

At hinarap ko siya medyo mas matangkad siya sa akin. Kaya nakatingala ako sa kanya.

"Sinusandan mo ko no?"
"kapal!"
"hoy!ikaw yung makapal no,kanina pa kita nahahalatang sinusundan ako."

"Give me three reasons,para sundan kita."sabi niya sa akin.

"eh basta sinusundan mo ko,stalker."

"Before that,give me the three reasons" sagot niya ulit.

"Una,diba kanina,nag away tayo,inaway mo pala ako. Eh pano kung babawi ka at sisikuin mo ulit ako.

"Pangalawa,diba ang pangit mo at tiyaka,nagmumukha kang palaka,paano kung gusto mo akong tanungin kung anong sikreto ko,kung bakit ang ganda-ganda ko." at flinay away ko yung buhok ko.

" Duh,do you have a mirror? If you have,use it to count your acne in your face!your such an ugly women!"sabi niya sa akin ng parang naiinis na.

"Hindi pa ako tapos,pangatlo,baka stalker na kita?"

"yaks" mabilis niyang sambit.

"baka rerapin moko,huhuhu,heeelp!"sigaw ko.at sigurado akong wala namang ibang nakarinig dun maliban sa kaharap kong taong palaka."at baka na love at first sight kana sa kin ha?hahaha,joke lang."

"Alalahanin mo,nandito ka sa pangmayamang school,kaya huwag kang umastang parang nasa palengke,ang ingay mo sobraaa."

"at bigla niya akong nilampasan at nauna na siya sa paglalakad. Pero inunahan ko siya.

"oy yun!" nakita ko na rin sa wakas yung room ko.

Pero nagtaka ako ng sumunod ding pumasok si taong palaka,dito ka din?" tanong ko ng may halong pagtataka.

"Hindi!"

"eh ba't ka nandito?" tanong ko ulit sa kanya.

"Papasok ba ako dito kung hindi dito yung room ko?" sagot niya na halatang kanina pa talaga naiinis sa akin.

"aaaaah"tanging nasagot ko sa kanya,sa totoo naman talaga eh. Papasok ba naman siya dito kung hindi ito yung room niya. Sabi ko na kase sa inyo eh, may pagkatanga ako onti.

Naghintay lang kami ng halos three minutes ng pumasok na yung adviser namin. Nagsimula na siyang nagsalita.

"English speaking yung peg ni ma'am."

"Ok,let's introduce yourself,just tell your name,age and short saying about yourself." paliwanag ni ma'am,at sinabi pa niyang lalaki daw yung mauuna.

Unang nagpakilala si Jaycer, na isa sa mga kasama kanina ni taong palaka.

"Goodmorning to all of you,I'm Jaycer Zicri,19 years old. One of the best thought about me, Life is about finding a lot of chix." tapos tumawa yung buong klase. Ang seryoso ng mukha niya tapos ganun lang pala yung sasabihin niya.

May pagkaabnormal din pala to. "I'm just kidding,life is about finding of things that is belong to yourself to see what is the importance why we still alive in this cruel world.

"That's right!" sabi ni ma'am "next!" at tumayo naman yung isang lalaki,at nagsalita na rin.

"Hi,my name is Eliel Kis,19 years old. Then sabi ng sikat na writter,and suddenly,you know...It's time to start something new and trust the magic of beginnings."

"hmm amazing..." sumunod din namang tumayo si taong palaka,

"Jeus Azriel,19..." tanging nasambit niya ng walang halong excitement parang boring,tapos umupo na siya.

At kinataka ko di manlang siya pinagsabihan ng adviser namin na parang wala lang at ok lang na ginawa niya yun.

Ano bang meron sa taong palakang to? Ang ganda naman ng pangalan then honestly gwapo talaga siya,matangkad,maputi matangos yung ilong,medyo payat,at may pagka singkit ang mata,yung labi niya hmm oo na kissable lips basta almost perfect hindi lang marunong ngumiti.

Sa almost perfect niya is super kabaliktaran naman sa ugali niya. Paimportante!

"ok next,miss transferee,let's introduce yourself."kaya tumayo na ako,at nagsimula ng magpakilala.

Tinignan ko si taong palaka pero nakayuko lang,diko na siya pinansin at nagsimula na akong magpakilala.

"Ako nga pala si Ensley Almeda,18 years old,isa sa.mga paborito kong saying na nabasa ko ay nanggaling kay Paulo Loelho isang sikat na writter sa buong mundo,that you want something,all the universe conspire in,helping you to achieve it."

after kong nagpakilala,umupo na ako.

"Very good!" tanging sabi ni ma'am.

Tiyaka nagpakilala naman na yung mga ibang nasa likod ko.

Kaya naman ng natapos na ang lahat sa rude na introduce yourself ay nagpakilala naman na si Ms. Reyes,adviser namin. After nun,nagexplain siya about sa course namin. "ok class,in this course,you have to work hard,and have enough time to study.

Remember, it is a business management! Focus"

"yes ma'am" sagot ng klase. Parang nakakatakot naman itong course na pinasok ko, parang kumakain ng buong tao itong course na to sa paraan na pagintroduce ni ma'am sa course namin.

"Bahala na!"

Then natapos na rin yung mga sumunod pang mga subjects and halos pare-pareho lang din naman yung ginawa namin,wala pang nagtangkang nagturo,dahil daw first day of school palang naman daw.

Kaya ito,lunch break na namin, asussual expect the expected na eto ako ngayon naglalakad mag-isa papuntang cafeteria. Hindi na ako nagrecess kanina.

Itinabi ko yung pera ko para sana sa pagrecess ko,pero idinagdag ko nalang ito sa perang pang lunch ko,kase alam ko namang kukulangin itong pera ko,kung pipiliin ko pang magrecess.

-------------------------------------------------------------
Author's note

Free to ask questions about me.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now