Chapter 62

421 25 0
                                    


Martes na ngayon at imimeeting din kami ng teacher namin about sa pinagmeeting'an nila with all the faculty members.

And about sa long Quiz namin kahapon, super satisfied ko sa score ko. Wala akong ginugol na mahabang oras na pagrereview pero this is it. Hahaha charot.

Si Eliel yung naka perfect 250/250. Nag ma maang-maangan na hindi nakapagreview. Pero naka perfect. 248 naman sa akin then lowest score is 244.

After ng long quiz na medyo nakakastress ng konti, heto ako ngayon kasama si Tyler at Velly patungo sa SM Thompson University. Habang naglalakad kami sa malapit sa tower nakasalubong namin si Mr. Kis. Agad ko naman itong binati ng may galak at nakita ko sa mga mata niya yung lungkot. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako nag atubiling magtanong kasi baka malalim na problema ang kinakaharap ni mr. Kis ngayon.

"Good morning Mr. Kiz!" Bati ko sa kanya ng puno ng galak.

"Oh kayo pala, Good Morning Ensley at sa mga kaibigan mo." Bati naman niya sa akin ng pabalik.

"May problema po ba kayo?" Tanong ko ulot sa kanya.

"Ahm it's not a typicaly a problem iha, birthday kasi ng bunso ko ngayon."
Sagot ni Mr. Kiz na may halatang sobrang lungkot niya base sa bawat salitang binitawan niya.

Nagpaalam na kami sa kay Mr. Kiz dahil baka mamaya time na e di pa kami nakakapag recess.

Habang binabaybay namin ang mahabang hallway ay iba't-ibang estudyante ang nakakasalubong namin at nakikita sa paligid. May mga nagsusuntukan, may binubully at tiyaka may sinisigawan pero may isang eksena akong nakita na hindi ko nasikmura. Isang babaeng umiiyak habang tinatapunan siya ng mga pagkain at juice. Walang ano-ano'y tumakbo na ako patungo sa kanya.
Pagkarating ko sa likod ng babaeng isa sa mga nagbubuhos ng pagkain sa ulo ng isang babae ay agad kong hinawakan ang balikat nito. At sinuntok ito. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang pumasok sa katawan ko kung bakit ko yun nagawa. Ang mga babaeng sikat sa school na kinakatakutang ng lahat ng babaeng estudyante dito maliban sa akin.

Marami na akong nasilayang pinaggagawa nila pero ito lang talaga ang hindi ko nakayanang tignan kasi sobra na ang ginagagawa nila at napuno na rin ako.

Akmang hahawakan ako ng isa sa mga kasama ng babaeng sinapak ko at agad ko namang nahawakan ang kamay niya at ibinalibag ito sa katawan na niya na sanhi ng pagbigkas niya ng aray!

Nagtataka kayo kung bakit ganito na ang inaasta ko, yes! Isa akong taekwondo player noon, tumigil lang ako noong nagkasakit si lola dahil walang nag aasikaso sa kanya. Puro busy naman lahat ng tao sa bahay. Umuuwi ako every lunch break ng klase ko at ng hapon afterr klase namin. Gabi kasi ang practice namin ng taekwondo kaya kahit ayaw ko pa sanang igive up ay no choice ako kundi bantayan si lola. Black belter na ako noon, wala akong prinoblema sa pagprapractice ko dahil libre lahat sa akin dahil daw may potensyal ako na mapalaban sa international.

Nakita ko ang mga nakapalibot na mga estudtnte sa amin. May mga naiinis ang mukha pero may nakita rin akong iilan na nakangiti.

Akala ko tlaga noon puro mamasang estudyante ang lahat ng nag-aaral dito pero meron din palang katulad ko na simple lang ang hiling ito ay ang makapag-aral ng tahimik.

Tumakbo na ang tatlong babae tiyaka bumulong ang sinapak ko kanina sa akin.

"Pagbabayaran mo ito!" Bulong niya sa akin.

Hindi ko na iyon pinansin at tiyaka tinungo na yung babaeng nakaluhod habang basang-basa at sobrang dumi dulot ng mga pagkain at inuming ibinuhos sa kanya.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm oo, salamat ha. Agad na itong tumakbo after niyang nagpasalamat sa akin. Nagtataka ako kung bakit.

Agad namang lumapit sa akin si velly.

" dapat hindi kana nangeelam Ensley e. Iba kung gumati yung mga red girls."

"Bakit naman? Wala akong pakeelam kung ano pa ang gagawin nilang paghihiganti sa akin. Tinuruan ko lang sila ng leksyon at ipinamukha sa kanila na hindi lahat ng estudyanteng babae dito ay takot sa kanila." Explain ko lay Velly.

"Tara na! Gutom na ako!" Aya ko sa kanila.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at naramdaman kong lumapit si Tyler sa tabi ko.

"Astig yun ha!" Bati niya sa akin.

"Anong astig doon?" Sagot ko pabalik sa kanya.

"Bilis ng galawan mo ha. Pang taekwondo player."

"Ahm hahaha oo taekwondo player ako noon. Inapply ko lang ang mga tinuro nila sa akin. Ginamit ko lang kung saan ba naaayon gamitin ang taekwondo." Explain ko sa kanya.

"Kaya lodi kita e noon pa.!" Sambit neto.

"Anong lodi lodi ka jan."

"Uy pero Ensley, handa ka na ba sa magiging consequense mo sa ginawa mo sa red girls?" Tanong ulit sa akin ni Velly.

"Hayst relax lang Velly, hangga't nasa tama ako, hinding hindi ako matatakot lumaban."

"And?"

"And yun, basta huwag mo na ako poproblemahin kaya ko na ang sarili ko." Dugtong ko sa binigkas niyang salita.



Thompson UniversityWhere stories live. Discover now