Chapter 74

376 23 0
                                    


Nasa likod kami ng stage nila Velly at ibang mga classmate namin na nag aasikaso sa akin.

Habang nakaupo ako sa gilid ay may nakita akong isang gown na sobrang ganda. Ang pagkaka alam ko ay yung gown na iyon ay siyang gagamitin ni Jenny for her talent. Kakanta siya then yun yung gagamitin niyang damit.

Maya-maya pa ay nag salita na ulit ang announcer. Mag lilinya na daw kami kasi susunod na ang Q and A. Ito yung part na nakaka kaba kasi lahat ng kandidata ay matatalino.

Announcer: the Question is either english or tagalog. And it depends on the candidate if what language does she use to answer the question.

Nakahinga ako ng maluwag,kasi required palang mag tagalog. Marunong naman akong mag english kaso hindi lang ako sanay sa maraming tao. Nabubulol ako kapag nasa harap na ako ng maraming tao.

Announcer:Let us all welcome contestant number 1.

Nagsimula na ulit nag hiyawan ang mga tao. At maya-maya pa'y himinto na ang ingay na hudyat na para tanungin siya.

Announcer: This is your question. What part of your body do you love the most? And why?

Contestant number 1: the part my body that I love the most is my face. And why? Because as a beauty queen, a future beauty queen rather. There is two side of the word beauty. The first side of this, is the beauty that came from our face and the second is a beauty that came from our heart. When we look back, beauty is everywhere. We can see how does the word beauty process in our daily life when we are greatful in everything we have.

After niyang sumagot nagpalakpakan at nagsigawan ang mga audience. Sobrang galing niya. Natamaan ako sa sagot niya.

Announcer:thank you contestant number 1 and look forward for Contestant number 2.

Annncr:how are you contestant number 2?

No. 1: I'm fine.

Annncr:so let's proceed on your question.

:How can you define the word ugly?

:thank you sir, I can define the word ugly by being not greatful on what you have. There is no ugly person, things or animals here in our planet. Because the real ugly is the society. Again good afternoon and thank you.

:how nice contestant number 2.

Kinakabahan na talaga ako, feeling ko may ibang mangyayari e. Pero walang time na hindi ako nagdarasal. Tuloy-tuloy akong mag dadasal lang. Paglingon ko.sa likod ko ay wala na pala si Velly Girl, baka lumabas na rin para manood.

Contestant number 11 na. Malapit na ako. Kinakabahan ako, hindi ko ma explain yung pakiramdam na sobrang hirap intindihin.

May biglang dumaan sa harap ko na isa sa mga candidate. Nagulat ako kasi biglang may nag crack sa likod ko. Noong lumingon ako sa likod nakita ko yung connection ng gown ko. Punit na ito, nakahiwalay na siya sa suot ko. Kinabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala pa naman si Velly oh. Conyestant number 12 na. Hindi rin naman ako pwedeng lumabas na ganito ang suot ko. Umiiyak na ako sa takot kung anong susunod na mangyayari. At sobrang natataranta na ako. Hindi ko.na talaga alam ang gagawin ko.

Annncr:let's all welcome contestant number 13.

Nataranta na ako, tumakbo ako mula sa linya. Nakita ko kung gaano kasaya ang mukha ng mga ibang kandidata.

Tumakbo ako patungo sa mga gamit ko. At umupo sa tabi ng mga ito at yumuko nalang at umiyak. Pero may bigla akong nahawakang magaspang. Ng tinignan ko ay yung gown na sobrang ganda na nakita ko kanina. Walang ano-ano'y kinuha ko ito at tumakbo sa gilid ng back stage at isinuot ko ito. Mabilis ako gumalaw. Wala.akong sinayang na oras.

Annncr:thank you contestant number 13. Now contestant bumber 14.

Narinig ko ang hiyawan ng nga tao. Sa oras na ito ay isinasara ko nalang yung zipper sa likod ko. Kaso hindi ko masara-sara.

Napapaluha nanaman ako.

Nabalot ng katahimikan ang paligid wala akong naririnig na ibang ingay.

Umupo nalang ullit ako at yumuko. Nawalan na ako ng gana.

Jeus:Ensley? Ensley tumayo ka diyan.

Nagulat ako sa narinig kong boses.
Itinayo ako ni Jeus at inalalayan niya akong maglakad papunta sa tapat ng exit. Nakita rin niya ang likod ko at agad naman nitong itinaas ang zipper ko. Kaso yung mukha ko wala ng make up.

"kaya mo 'yan Ensley" sambit ni Jeus.

"Pero wala na akong make up Jeus, pangit na ako ulit."sagot ko sa kanya na humihikbi pa.

"Go Ensley" sigaw nito.

Annncr:again contestant number 14.

Naghiyawan ang mga tao, kaso agad ding tumigil yung ingay na iyon. Hindi na ako nag expect alam ko ang dahilan. Wala na akong make up, hindi na ulit maganda. Pero hindi ko inisip yun. Dinama ko ang bawat liriko ng kanta. Pinakiramdaman ko ang bawat paghakbang ng mga paa ko. Ang pagpikit at pagmulat ng mata ko ang siyang nagiging rason kung bakit nagpapatuloy pa rin ako. Nakikita ko si Jeus at si Velly at ang buong nursing department kung gaano sila kasuporta sa akin. Sila nalang yung sumisigaw. Yung puso ko bumagal.na rin ang pagtibok nito na hindi na kagaya kanina na sobrang kabado.

Ngayon nasa harap na ako ng microphone. Naghihiyawan nanaman ang mga tao habang nagsasign ng loser.

Annncr: Hi contestant number 14. How are you? Are you crying?

Me:no,there's something inssect in the backstage.

Annncr: ahm ok, let's pr9ceed to your question.

:How can you define the Miss Intrams 2021?

Me:thank you sir,for me,Being Miss intrams is there's no limit for it. You know what? Because every woman here is deserve to be a Ms. Intrams. But the one who deserve to be a miss Intrams is a woman not only a beautiful outside but she is beautiful inside. Kasi ang importante kilala mo yung sarili mo. Natututo ka sa mga bagay na maaaring susukat sa pagkatao mo.

Tumahimik yung paligid, nakatutok lang ang nanonood sa akin. Tumingon ako ng maraan sa mga nanonood at ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Sa mga bagay na pilit kang kinukumbinsing sumuko na. Pero wala e, malakas ka. Kaya mong ipaglaban ang sarili mo. Attitude is more important than our beauty and brain. Dito nagmumula(habang itinuturo ko ang puso ko)ang tunay na ibig sabihin ng kagandahan at wala sa ano mang bagay. Dito! Dito lang. Wala kang niloloko at walang kang tinatapakang tao. Sa paraang yun ay isang kang maganda na hinding-hindi matutumbasan ng kahit na ano. Kahit diyamante pa 'yan. And I thank you."

Nagsitayuan ang lahat at pumalakpak sa akin. Umiyak nanaman ako sa galak. Thank you.






Thompson UniversityWhere stories live. Discover now