Chapter 39

546 31 0
                                    


Nasa campus na kami ngayon ni Jeus,dumiretso kami sa faculty room for announcement kung ano ang mga plano.

So yun,ngayong araw na ito ay magaganap na ang Inter Universities Quiz bee.

Excited na ako,na sobrang kinakabahan,ayokong magassume na mananalo kami,ayaw kong mag-isip ng mga bagay na maaaring magpababa ng confident na meron ako. Pero sigurado naman akong lagi akong may malakas na kumpiyansa sa sarili for doing impossible things kase alam kong hindi ako pababayaan ni Jeus na mawalan ng tiwala sa sarili.

Ang gaan ng loob ko sa tuwing nakikita ko si Jeus na andyan sa tabi ko,para bigyan ako ng rason upang lumaban ng may paninindigan sa sarili.

Pero bakit ganoon? Ang hirap ipaliwanag yung katanungang gumugulo sa isipan ko.
Si Jeus na mula noong nakilala ko,ay hindi na mawala sa isipan ko,ano na ba ang nararamdaman ko sa taong palakang iyon?

Tinawag na kami nung coach namin,pupunta na raw kami,then sa School bus kami sasakay,para mas madaling makilala kung saang school kami nanggaling,school na sobrang yaman,kakaiba,at lahat ng studyante ay may high standard when ut comes in academics purposes.

Proud akong sabihing isa ako sa kabilang sa mga nag-aaral dito sa school na ito,pero ang hirap tanggapin na nakapag aral ka dito dahil sa scholarship lang.

Ang sarap langhapin ang bagay na natatamo ko ngayon. Mga bagay na maaaring susukat sa pagkatao ko pagdating ng panahon.
Pero bakit ganon? May kulang parin?
Parang isang malaking kulang.
Na hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ba talaga kulang sa akin.

Naglalakad na kami ni Jeus papunta sa school bus,ng nakita ko si Eliel na nakaupo sa isang bench sa ilalim ng punong narra sa harap ng building namin,dito aiya nakatingin sa amin pero hindi ko alam kung ako or si Jeus ang pakay niyang tignan.

Palapit na kami sa bus,ng biglang gumalaw si Eliel na dati ay tulala sa hangin,tumakbo siya palapit sa amin.

"Oh bro,anong problema?" tanong ni Jeus kay Eliel.

"Ah bro,galingan niyo... Kayo ni Ensley,itayo niyo ang bandera ng Thompson University.

"Oo bro,no prob,napaghandaan na namin ni Ensley ang lahat lahat "

"Oo nga,tama ka jan taong palaka."

"oh sige,sakay na kayo,galingan niyo ha!"
Tumakbo na si Eliel at muling mupo sa silong ng punong Narra at muli niya kami tinignan,parang may gustong sabihin si Eliel na hindi niya msabi sabi.

Umandar na ang sinasakyan namin,mga 2 hours pa ang biyahe papunta sa Adamson University,sampung sikat na Unibersidad dito sa Pilipinas ang magsama-sama for inter Universities Quiz Bee.

Bago pinaandar ni manong yung school bus ay pinili kong umupo sa katabi ng bintana at si taong palaka naman ay umupo sa susunod na upuang kinaroroonan ko.

After a few minutes is inaantok na ako,at minsan napapapikit ako,kaya may pagkakataong naaout of balance yung ulo ko. Ilang beses nangyari yun sa akin. Nakatulog ako that time then naramdaman ko nalang yung ulo ko na nakapatong sa malambot na bagay,sa una ang akala ko ay yung bag pack ko yung naging unan ko pero nagkamali ako nung narinig kong umubo si Taong palaka at minulat ko ng unti-unti ang mga mata ko at nakita ko ang sarili kong nakahiga at nakaunan sa hita ni taong palaka,agad akong napabalikwas sa pagkakahiga when I realize everything,sobrang nakakahiya,naramdaman ko pang may laway sa pisngi ko kase nahawakan ko ito nung inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

Nakakahiya sobra.

"Tulog ka muna,30 minutes pa ang gugugulin natin sa pagbibiyahe."sabi ni taong palaka sa akin.

"Ayaw ko,nawalan na ako ng ganang matulog,ba't paano ka ba napunta dito?mamaya makita na nila tayo at iba pa yung iisipin nila sa atin."

"pa choosy ka pa dyan!" asar niya sa akin.

"anong pa choosy? Hindi naman kita gusto duuuh,nakakahiya kaaaaa!"

"kung ayaw mo edi huwag."

"Bahala ka jan" sabi ko sa kanya,ang cute niya,para siyang batang hindi pinagbigyang bumili ng kendi ng mama niya,ang saya niyang tignan that time.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now