Chapter 76

373 26 4
                                    

Hindi kami natuloy ni Jeus sa inaaya niyang pupuntahan namin. Kahit na nasa iisa kaming bahay nakatira ay hindi kami nagpapansinan. Hindi rin kasi ako lumalabas ng kwarto e. Chinachat ko nalang siya kung ano yung kailangan niya. Pero never naman siyang nag-utos.

Naglalakad ako ngayon papunta sa room ko.

Ganun pa rin, sobrang gulo sa field. Ang daming basura na nagkalat at mga estudyanteng naghahabulan.

Sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Mr. Kis. At agad naman akong humarap sa kanya at at nag vow sa harap niya.

"Good morning sir."

"Good morning Ensley, By the Congrats.You did a great job. Ang ganda mo that time. Kaya sana panatilihin mong maayos ang sarili mo. Pero don't worry you are beautiful the way you are." Bati ni sir din sa akin. Kinikilig ako sa sinabi niyang maganda daw ako. Ganun ba kalaki ang ipinagbago ko sa araw na yun? Kaso diko ramdam e. Siguro sa sobrang pagka insecure ko sa sarili ko hindi ko na makita ang mga pagbabago at mga magagandang nakikita ng mga tao sa paligid ko sa akin.

Nagpaalam na rin si sir sa akin kasi uuwi raw siya ngayon dahil may importante daw siyang lakad.

Nagtungo na rin ako.

"Yan yung new Ms. Intrams natin? Duuu ang pangit niya supeeer." Rinig kong tanong ng babae sa kasama niya.

"Yeah pangit naman kasi talaga siya. Makapal lang kasi ang make up niya that time kaya ganun." Sagot naman ng kasama niya.
Hindi ko sila kilala pero lagi ko silang nakakasalubong everytime na dadaan ako dito sa corridor.

"Then isa pa, yung mga damit kasi niya ay mga idinisign ni Jenny kaya siguradong maganda yun."sagot ulit ng isang babae.

Sobrang nakaka ouch naman yun. Pero wala akong pake kahit anong sabihin nila. And speaking of Jenny ay ipinunta na siya sa US para dun na mag-aral. Mag oopen kasi ng isang kompanya ang daddy niya sa dun. Ganun siya kayaman guys.

What if darating na mayaman na rin ako? Wala atang gabi na nagiimagine ako na mayaman na ako. Gusto ko kasing iahon sila nanay ata tatay sa kahirapan. Gusto ko na kahit hindi nila ako anak. Guato ko rin iparamdam sa kanila ang marangyang buhay kasi kung hindi dahil sa kanila wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Walang umagang hindi sila ang rason para magpatuloy ako sa buhay. Kaya kong gawin ang lahat para sa kanila. Yes aaminin ko medyo nagtampo ako sa kanila dahil hindi nila agad sinabi sa akin ang katotohanan. Pero kahit ganoon,tanggap ko. Pero may part parin sa buhay ko na gusto kong makilala ang mga magulqng ko.

Nasa tapat na ako ng classroom ko at yun si Eliel agad ang bumungad sa akin.

" yo mah sistah!" Bati niya sa akin. Bakot ganoon? May parang ibang epekto sa akin ang pagtawag niya ng sister sa akin parang ang sarap lang sa pakiramdam. Parang yun yung isang bagay na kulang sa akin na matagal ko ng hinahanap na rason sa kakulangang hindi ko maexplain sa sarili ko.

"Good morning!" Bati ko sa ka niya ng may kasamang malawak na ngiti. Nakakagood vibes lang kasi ang mukha niya na nakangiti.

"Good morning too, our Ms. Intrams." Bati naman sa akin ni Jaycer.

Pumasok na ako at umupo na sa upuan ko.

Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Jaycer.

"Hi Ensley" bungad na bati niya. Nanibago lang ako kasi hindi naman niya gawaing bumati sa kahit na kanino kahit sa akin.

"Ahmm hi! May maitutulong ba ako Jaycer?" Tanong ko sa kanya kasi alam kong hindi magkaka ganito ang isang lalaki kung hindi wala siyang kailangan.

"Pwede ba kitang ayaing mag early dinner mamaya?" Tanong niya na ikinagulat ko. As in speechless.

"Ahm don't worry Ensley, ipinagpaalam na kita kay Mr. Azriel. And infact pumayag siya basta raw iuwi kitang buo  at walang dungis." Sabay tawa niya ng malakas.

"De joke lang, pero ok lang ba?" Tanong ulit niya. Kaso parang nkakahiya lang e. Kasi sure ako na sa pang mayaman na restaurant kami kakain.

"Early dinner laang naman diba tiyaka uuwi na agad?" Tanong ko sa kanya ng mahinahon.

"Yes Ms. Intrams!" Sagot naman niya.

Maya-maya pa ay dumating na si Ms. Cruz.

Konting discussion lang ang naganap at may pinagawang activities lang.

Tatlong subject na ang lumipas, isang boring na araw nanaman ang lilipas. Sa dalawang subject namin ay may surprise exam lang na naganap. And yun na perfect ko naman lahat. Then yung ibang classmate ko ay 58 and 59 over 60 ang mga nakuha na. Pagkasabi ng pagkasabi ng teacher namin na may surprise quiz is nagsilabasan na agad kami ng papel. Walang umangal na di tulad sa public school na naka sanayan ko na siguradong maraming aangal na kesyo di daw sila ready, na kesyo wala talaga silang maalalang topic. Pero dito sa Thompson University ay malayong-malayo ang pagkaiba sa Public school at mga pang karaniwang private school.

Dumaan na rin ang lunch break at kakaalis lang din ng 1st subject teacher namin ng pang hapon. Dalawang subject nalang. And yun tapos na.

Impromptu report ang  ipinapagawa ngayon ng second subject teacher namin ng hapon. Lahat ay handa. Yung section namin ay nahati sa apat na grupo para sa reporting na magaganap.

Pangatlo kami ng mga kagrupo ko ang magrereport. Ang gagaling ng mga nauna. Ang pufluent nila sa English. Wala ka talagang masabi, mapapa wow ka nalang talaga. May mga follow up question pa ang teacher namin and yun agad namang babatuhin yung teacher namin ng malamang sagot.

Nakakabilib lang kasi e. Alam ko rin naman yung mga yun. Na review ko lahat pero nakaka mangha lang kasi e.
Sa school kasi na pinaggalingan ko ay halos mga leaders lang ang nagsasalita. Pero dito lahat magsasalita at may maisasagot.

It's a dream school talaga para sa akin. Bata palang ako noon ay naririnig ko na ang mga tungkol sa School na ito.

At sa muramg edad kahit na hindi pa ako nakakapasok at nakakakita ng mga estudyante ng Thompson University ay namamangha na ako sa mga kuwento nila.

Kasi lahat daw ng mga estudyante dito ay nakakotse, kaya kapag uwian na ay wala kang makikitang naglalakad. Lahat sila naka kotse or may taga sundo at taga hatid. Kaya pala walang nakikitang mga estudyanteng nakakalat sa labas ng campus na naka Uniform, mula bata ako ni isang naka Uniform ng ganto is wala akong nakita. Nakakamangha lang kasi talaga.

Isang misteryo para sa mga estudyanteng katulad ko na nag aaral sa public school ang Thompson University.

Pinagarap ko rin ito minsan. Kaso isang beses lang kasi alam kong imposible ring mang yari e. Kaso pwede palang maging posible.

Tapos na rin kami nag report, and yun. Kami nanaman ng mga kagrupo ko ang nakakuha ng pinaka mataas na points.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now