Chapter 49

500 25 0
                                    


Nag-uusap kami nila nanay at tatay sa labas ng biglang may narinig akong boses mula sa likod namin.

"Oh Ensley, papasukin mo muna 'yang bisita mo"sabi ng boses na narinig ko na si Mr. Kis pala.

"Hello po sir"bati ni nanay kay Mr. Kis na nakangiti na rin.

"Pasok pa po muna kayo dito, Ensley naman e, ano yung bilin ko? Namin ni Azriel? Diba sabi namin na kung alam mong mahalagang tao yung bibisita,dapat agad mong papasukin. "explanation ni Mr. Kis sa akin.

"oh nay, pasok na po tayo. "aya ko kila nanay na kanina pa nakangiti sa amin ni Mr. Kis. "

Pumasok na kami at pinaupo ko muna sila nanay at tatay sa Azriel's garden,nakita ko sa mukha ni nanay at tatay ang pagkamangha sa nakikita nilang lugar na kinaroroonan nila ngayon. Napangiti nalang din ako at gumayak na upang kumuha ng miryenda namin.

Kumuha ako ng tasty bread sa ref at palaman then nagtimpla na rin ako ng shake na puro prutas.

Lumabas na ako bitbit yung nga inihanda kong miryenda, tinulungan ako ng manang fe sa pagbubuhat at ipinakilala ko na rin siya kina nanay ata tatay.

"Nay si manang Fe po, siya po yung kasa-kasama ng Azriel's family dito sa mansyon! "pakilala ko kina nanay at tatay kay manang fe. Nakipag shake hands si manang Fe sa kanila.

"At manang Fe, si nanay Deng po at si tatay Rey, ang nag-iisang nagmahal at nagaruga sa akin"Pakilala ko kay manang Fe kila nanay at tatay na may halong sigaw at exciting yung boses.

Lumingin ako sa right side na part at nakita ko si Mr. Kis na kanina pa palang nakaupo sa right side namin na ngayin ko lang napansin.

"Ahm Mr. Kis! "sigaw ko pero hindi ata niya narinig kase nakatingin siya sa malayo.

"Mr. Kis! "sigaw ko ulit at sa pagkakataong iyon ay narinig na niya at parang nagulat pa yung reaksyon niya dahil natarabta siyang nag-ayis ng pagkakaupo.

"ahm miryenda pa po muna tayo"aya ko sa kay Mr. Kis.

"Sige lang ija, busog pa nman ako e."
Sabi niya sa akin,kaso makulit ako e kaya kinulit ko siya na sumama at makisabay sa amin na magmiryenda.

"Masarap 'tong inihanda kong miryenda, promise! "explain ko sa kanya upang makumbinsi siyang magmiryenda at makisabay sa amin.

"Ahm sige na nga ija, ang kulit mo rin kasi e. "sabay tawa naahinhin.

So yun nakita ko for the first time kung paano tumawa ang isang Mr. Kis.

"Ang lalim po ata ng iniisip niyo ha? "tanong ko sa kanya na after ko nasabi 'yon,nagsisi ako. Nakakahiya kasi e.

"Wala Ija,naalala ko lang ulit si Precious"mahinahon na sabi niya sa akin.

"Ah yung anak niyo pong si Precious?by the way po, paano po pala siyang nawala or pataya na po ba siya? " after ko tinanong 'yon ay parang biglang tumahimik ang paligid at nakita ko rin ang naging reaksyon ni manang Fe pagkatapos kong tinanong'yon, napayuko siya.

"Yow!"sigaw ni Mr. Kis na nagpagulat sa amin na agad na bumasag sa katahimikang saglit na bumalot sa amin.

"Pasensya po sir Kis, hindi ko po sinasadyang tanungin."paghingi ko ng tawad sa kanya kasi super naguikty ako after no'n.

"Ok lang ija, hindi lang kase ako sanay na natatanong ng nga ganoong bagay e, 'yoj kase yung part ng buhay ko na sobrang dilim at sobrang sakit."paliwang ni Mr. Kis sa akin na ramdam ko kung gaano kasakit yung narararamdaman niya sa bawat pagbibigkas niya ng salita na tungkol anak niya at asawa niya.

Kahit na hindi ko alam yung dahilan ng pagkawala ng anak at asawa niya, ramdam ko yung lungkot at sakit na hanggang ngayin ay patuloy na kinikimkim ng lalaking nasa harapan ko ngayon na sa dalawa niyang mga mata is makikita mo ang pagkatakam na makasama at masilayan ang dalawang babaeng bumuo ng pagkatao niya noon.

Gusto ko siyang yakapin kaso nahihiya ako e, at tiyaka ang weird ko kapag at napaka corny naman na kung gagawin ko 'yon.

Pero hindi ko napigilan ang mga palad at braso ko at animo'y may kumontrol sa mga ito na yakapin ang lalaking unti-unti ring dumudurog sa puso ko dahil sa sobrang lungkot na mukhang meron siya.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now