Chapter 4

1.1K 48 0
                                    


Nasa tricycle na ako ngayon,papunta na ako sa Thompson University. To face again for the second time the rude university. At para na rin makapaghiganti kay taong palaka.

"Kuya sa harap lang po ng malaking gate niyo ako ihinto."

"Andito na tayo miss"

"Salamat po kuya" at inabot ko na ang pamasahe ko sa mamang driver.

Habang naglalakad ako sa hallway ng University, nahahalata kong pinagtitinginan ako ng mga edtudyante.

Na hakata namang natatawa,sa tuwing napapatingin sila sa akin.

Tumigil muna ako saglit at pinagmasdan ko ang sarili ko pababa hanggang sa sapatos ko. Kung may mali ba or dumi sa sarili ko,pero wala naman akong nakita,ok naman eh.

Kaya ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko,pero patuloy parin ang pagtingin ng mga estudyante sa akin.

Bawat estudyanteng nakakasalubong ko,ay natatawa,kaya, tumigil uli ako sa paglalakad at kinuha anh salamin ko sa bag pack ko. Tinignan ko lang ng saglit ang mukha kase wala naman talagang dumi.

Liliko na sana ako papunta sa elevator na patungo sa 4th floor,bigla nalang tumaas yung dugo ko. Ang goofmood ko kaninang pumasok ako ay napalitan lahat ng galit. Dahil nakakita ako ng sobrang laking tarpaulin sa isang building.

Sobrang laki ng tarpaulin,nakita ko ang mukha kong nakaprint  at may mga nakasulat na "Palimos po,parang awa niyo."

Napatakbo nalang ako,sa sobrang pagkahiya at galit.

Namalayan ko nalang ang sarili kong umiiyak sa isang sulok,sa likod ng building ng elemebtary department.

"Ano bang naging kasalanan ko? At isa pa sino naman yung nagawan ko ng mali at bakit niya ginagawa to sa akin?"

'This is the starting point',ito yubg biglang pumasok sa isipan ko. Yung binulong nung taong palaka sa akin kahapon. Gumaganti ba siya?

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko,pinagpag at inayos ko na din yung uniporme ko.

"Pwes kung gusto niya ng laban,pagbibigyan ko siya." bulong ko sa sarili ko.

Gumayak na ako sa classroom ko, ususual,pinagtitinginan parin ako ng mga estudyante at nananatiling nakasabit parin yung tarpaulin. Pero ngayon hindi na ako nagpaapekto.

Pinalakas ko yung loob ko. At yung luha kona gusto nanamang kumawala ay pinigilan ko.

"Gaganti ako,gaganti ako!"paulit-ulit na mga salitang pumapasok sa utak ko.

Second period na namin,pero nahahalata kong pinagbubulungan parin ako.

Tinignan ko yung grupo ni taong palaka.

Saktong pagtingin ko ay sakto namang pagtingin ni Eliel sa akin at ngumiti siya sa akin. Pero binayaran ko lang siya ng isang nakakapatay na irap.

Tinignan ko naman si taong palaka pero parang walang alam sa mga nangyayari. Pa inosente ang peg,napalingon siya sa akin,at binigyan ko lang siya ng isang Humanda ka,look.

Mabilis na natapos ang mga subjects ko,naeexcite kase ako sa gagawin kong paghihiganti,kaya parang hindi ko namamalayan yung oras.

Lunch break na at naglalakad ako ngayon sa corridor papunta sa cafeteria.

Pero nakasalubong ko nanaman yung grupo ni taong palaka.

Medyo malayo-layo palang sila ,kaya nagkaroon pa ako ng oras na makapag ayos ng sarili ko. Nang malapit na sila ay naglajad ako ng mukhang matapang at tinitigan ko lang si taong palaka para ipakita na hindi ako mahina.

Kumakain na ako ngayon sa Cafeteria,may nakikita akong mga estudyante na nagkakagulo sa linyahan. Na ang pagkakaalam ko siguradong nag uunahan nanaman sila. Kahut na may linya naman. Bakit ba kase di man lang tinuruan ng kahit na kaunting good manner ang mga estudyante dito.

Kasalukuyan akong kumakain,pero hindi parin natatapos ang mga bulungan.
Yun bang bubulong sila pero nasa akin ang kanilang mga tibgin. Kaya at that time,I know na ako nanaman ang pinag-uusapan nila.

Binilisan ko nalang ang kumain para makaalis na rin. Because I can't feel comfortable in this place. Na parang ano mang oras ay mahehepnotize ako ng wala sa oras.

Palabas na sana ako ng may humarang sa akin na nga babae,tatlo sila. Kung idedescribe ko sila ay ganito. Para silang mga pok-pok sa sobrang ikli ng palda at isama mo na rin yubg mga makakapal nilang make-up,at yung mga earings naman nila ay ang hahaba. Ang sarap hablutin.

"Hey" tawag sa akin nung leader nila,pero hindi ko pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad ko. Nang nakalagpas na ako sa kanila ay nay biglang humila sa buhok ko,masakit yun,kinaladkad niya ako sa harap ng mga table sa cafeteria at iniharap niya ako sa mga estudyanteng kumakain doon.

"ladies and gentlemen,I wat your attention in just a little bit of time,to hear what I need so tell and know who is this cheap girl,here infront of you. She's a scholar,you kniw na kubg scholar hahaha isang poor.

Inamoy naman niya ako. "she's smell like a market" tinulak niya ako na dahilan ng pagkasubsub ko sa sahig.

After nun umalis na yubg tatlong babae pero yung mga edtudyanteng kumakain palang ay tumatawa ng malakas.

Yinakap ko nalang yung tuhod ko at isinubsub doon ang mukha ko habang humihikbing umiiyak.

Medyo matagal din yung posture ko na yun. Tatayo na sana ako ng may biglang umalalay sa akin.

Sobrang bango niya. Amoy na amoy ko yubg perfume niya na amoy pabgmayaman talaga. Napaka gentle ang pag alalay niya sa akin.

Liningon ko siya at napagkaalaman ko na si Eliel pala itong may pagkagentle na tumulong sa akin.

"ahm thank you,ok na ako" pero napaupo ulit ako sa sahig,ng bitawan ko siya.

"No! Alam kongdika ok,tulungan nalang kitang maglakad papunta sa clinic. Dumudugo itong tuhod mo oh.Let's go!"

Inakbay niya ang braso ko sa leeg niya at ang kaliwang kamay naman niya ay nakahawak sa bewang ko,para mas maalalayan niya ako.

Nang nakarating na kami sa clinic ay agad naman akong inasikaso ng nga nurse.

"check up her,and make sure that she's ok" sabi ni Eliel sa nga nurse na nandun .

Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan ko nalang ang gusto niyang mangyari.



Thompson UniversityWhere stories live. Discover now