Chapter 20

688 27 1
                                    


Pababa na ako ng hagdan,nakabihis na rin ako para makapagpasok na sa school. Kanina pa kase bumubusina si taong palaka. Siguradong galit na galit na yun.

Binilin kase siya ng tito niya na huwag na huwag daw niya akong iiwan. Dapat kung saan raw siya pupunta dapat nandun rin ako.

Wala siyang magagawa dahil tito na niya ang nagsalita,then nalaman ko rin kay manang na tanging si Mr. Azriel lang ang katapat nun,siya ang taong kinakatakutan nung taong yun.

Piiiiiiiiip!piip!

Malakas nanamang busina ang narinig ko sa labas.

Kaya muli nanamang ako nataranta.

Muntik pa akong nadulas sa hagdan dahil sa kamamadali ko,naka heals kase ako 5 inches yung heals na suot ko ngayon.

Pagkalabas ko,bumungad agad sa akin ang kotse ni taong palaka. Lumapit na ako sa harap ng kotse.
Bubuksan ko na sana yung pinto kaso nakalock ata,hinila hila ko.pa yung hawakan ng pinto pero ayaw talaga bumukas.

Unti-unting bumababa yung bintana ng pinto at bumungad ang galit na galit na mukha ni taong palaka.

"Papasok ka ba or sisirain mo yang pinto ng kotse ko?"

"Paano ako papasok kung nakasara namang itong pinto ng kotse mo?"

"Ano bang iniisip mo? Na dito ka uupo sa tabi ko? Kapal din naman pala ng mukha noh?"

"Wow ha,ikaw itong may makapal ang mukha!kung ayaw mo akong isakay,kaya ko namang pumunta sa school ng mag-isa lang ako,ayaw ko anamang sumakay talaga dito sa kotse mo eh kung hindi lang sinabi ng  tito mo!"

"Kung ganun edi pumunta ka ng mag-isa!sinanyang mo pa ang oras ko,kung sinabi mo sana ng mas maaga edi kanina pa ako nakarating!"

After ko yun sinabi,pinaharurot agad ni taong palaka ang kotse niya"

"Hindi ka kawalan!"
Bulong ko sa sarili ko.

Sinimulan ko ng maglakad,naghintay nalang ako sa harap ng gate ng jeep,marami ding kaseng dumadaang jeep dito.

-----------AFTER FEW MINUTES----------

Nasa school na ako ngayon,naglalakad na ako papunta room ko.

Sa paglalakad ko may biglang humarang sa akin na tatlong mga lalaki,hindi ko sila kilala,baka sa ibang department sila or ibang building.

Nagulat ako biglang ng nilapitan ako dalawang lalaki at hinawakan yung dalawa kong kamay. Pagkatapos nun lumapit naman sa akin yung isang lalaki at hinawakan niya ang pisngi ko ng dahan dahan pababa sa leeg ko.

Napasigawa nalang ako sa pagkabigala at sa takot na baka may iba silang balak.

"Huwag ka ng pumalag pa kung ayaw mong masaktan,gawin mo nalang ang mga sasabihin ko."

Pagkatapos niya sinabi yun,napasigaw ulit ako,nanginginig na ang buong katawan ko sa takot.

"tuloooong"

Sinipa ko yung bayag nung lalaking isa sa nakahawak sa kamay ko,at agad ko namang tinulak yung isa pang nakahawak sa akin.

Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila,kaso.mas mabailis pa rin silang tumakbo kaya naabutan parin nila ako.

Hinablot nung lalaking humawak sa pisngi ko ang buhok ko.

Napa aray ako sa sobrang sakit.

"Parang awa niyo na oh,ano bang kasalanan ko sa inyo?"

"Wala! Maganda ka kase eh"

"Anong maganda? Ang pangit pangit ko!"

Biglang tumawa yung lalaking nakahawak sa buhok ko.

"hahaha buti alam mo,hindi ka naman talaga maganda eh,ang gusto ko lang sayo ay iyang hibog ng tawan mo,nakakaakit,pwede bang mag isang round tayo?"

"Manyak! Walang hiya ka!"

"Aba sumasagot kana ha!"

Akmang susuntukin na sana niya ako ay biglang may huwak sa kamao niya.

Nakita ko si taong palaka na bigla niyang sinuntok yung lalaking nakahawak sa buhok ko.

Bigla nalang akong napangiti onti,pero agad rin akong nataranta ng  sinuntok din nung lalaking humawak sa buhok ko si taong palaka,agad kong nilapitan si taong palaka.

Agad naman itong tumayo at sinuntok niya agad ang humawak sa buhok ko,napalakas ata si taong palaka sa pagsuntok kaya biglang tumumba yung taong humawak sa buhok ko.

Agad naman siyang nilapitan ng dalawa niyang kasama at mabilis silang nagsitakbuhan.

Magpapasalamat pa sana ako kay taong palaka,kaso agad na itong tumalikod at nagsimula ng naglakad.

Hinabol ko siya.

"uuuy"

Hindi manlang siya lumingon ka tumakbo ulit ako papalapit sa kanya,pinantayan ko lang siya,sinabayan ko siya sa paglalakad,nakatingin lang siya sa diretso.

"Bakit ka ba kase dumaan dun?"

Tanong niya,na pinagkagulat ko.

"May nakapagsabi kase sa akin noon na short cut yun sa room natin!"

"Sinong nagsabi?"

"ahm eh narinig ko lang pala"

"hindi yun short cut,daanan yun papunta sa mga bakanteng rooms,kaya walang tao doon at isa pa wala ring daang papunta sa room natin!"

"Ganon ba? Pero bakit sinasabi nilang may short cut dun?"

"Ang dami mong tanong,basta sa susunod huwag na huwag ka ng dumaan dun."

Tumahimik nalang ako,at sinabayqn nalamang siyang maglakad.

Napapalingon ako sa mukha niya,napakaseryoso sobra,napangiti ako kaunti ng nakita kong nay dimple pala siya sa left side pisngi niya,at napaka kapal pa ng kilay niya na nagpadahdag sa kagwapuhan niya.

Oo gwapo talaga siya,sinasabi ko lang na pangit siya pero sa katotohanan niyan ay sovrqng gwapo niya. Pinagkakaguluhan pa nga siya sa room namin eh,lagi ko pang nakikita na ang daming nagbibigay ng mga pagkain inumin at iba't ibang bagay sa lamesa niya,pero ang lahat nun ay itinatapon lang niya,kung hindi ay ipinapamigay lang niya sa mga barkada niya.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now