Chapter 89

383 21 1
                                    

Maaga akong nagising ngayon dahil inaya ako ni Jeus ng date sa isang park na may maraming filipino foods na tinda. Nagbihis na ako at nag ready na. Hindi na rin ako kumain ng agahan para may gana akong kumain mamaya kung ano ba ang iaalok ni Jeus na pagkain sa akin.

Nag suot ako ng white dress at sandals na may konting hills. Nag liptint lang din ako at nag fpundation ng kaunti. Nag lagay din ako ng hair pin na puti sa may left side ng buhok ko. Unti-unti akong nag lakad papunta sa harap ng salamin at mula ulo hanggang paa ko ay pinag masdan ko. Tinignan ko kung ok na ba o kung may kulang pa ba.

Ngumiti ako at huminga ng malalim.

Decmber na ngayon kaya medyo malamig na dito sa States. Nag isnow na rin sa labas. Kaya kumuha ako ng jacket ko na hindi gaano kakapal para hindi  masira yung outfit ko.

Kinuha ko na yung bag ko at nagsimula ng maglakad pababa ng kwarto ko at para hintayin na sa labas si Jeus.

Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan ay may nakita na akong isang lalaking nakaupo sa sofa habang naka yuko. Ang gwapo ng posture niya. Narinig niya ata ang pag lakad ko kaya siya napataas ng ulo para tignan kung sino ang naglalakad. Noong naka tingin na siya sa akin ay nakita ko ang biglang pagbago ng awra niya. Nakita ko kung paano naging maaliwalas ng mukha niya noong nakatingin na siya sa akin.

Nasa harap na niya ako at nakatulala pa rin siya sa akin.

"May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko ng ikinagulat niya. Nahimasmasan siya sa tanong ko.

"Ah-Eh ohmm wala!wala!"ang ganda mo.

" Huh?"tanong ko kasi hindi ko naintindihan yung mga huli niya binanggit.

"Ang ganda mo kako" sabi niya.

"Thank you. Let's go!" aya ko sa kanya. Natatawa kasi ako sa expression ng mukha niya habang binabanggit niya yung huli niyang sanabi sa akin.

"Tara!" aya niya.

Nagtungo na kami sa kotse niya. Mabilis siyang pumunta sa side ng kotse niya para pag buksan ako ng pinto.

"Thank you"pasasalamat ko sa kanya.

" No prob."at agad siyang tumakbo papunta sa kabila para pumasok na rin. Hindi halatang excited e.

Nasa biyahe na kami at ayun sobrang nababalot ng katahimikan ang loob ng car.

"Aheem" umubo ako at sinilip ko siya ng bahagya.

"Yes? water?" sambit niya.

"No! anong meron dito sa car mo at bakit nakakapipe?"biro kong tanong sa kanya. Tumawa siya at tumingin siya sa akin.

" Hoy! dyan ka sa daan tumingin, huwag sa akin." sigaw ko sa kanya dahil nakatingin lang naman na siya sa akin.

"I can manage." sagot niya at kumindat sa akin.

Umupo ako ng maayos at ibinaling ko ang tingin ko sa labas.

"Ensley! Hey!" isang boses na gumising sa akin.

"ahm sorry. nakatulog ata ako."sabi ko sa kanya.

" Hindi nga halatang nakatulog ka oh."sambit niya at itinuro niya yung gilid ng bibig niya.

"eh? seriously? nag laway ako?"

"Oo nga!"

Nataranta ako after niyang sinabi yun. Hinanap ko yung tissue at mirror sa bag ko. Kaso hindi ko mahanapn yung mirror ko.

"hahaha just kidding. Let's go." hinila niya ako palabas ng kotse at nagtungo na kami sa may park.

"Hoy nakakainis ka. Akala ko nag kalat nanaman ako kanina e." sigaw ko sa kanya habang naglalakad kami. Hawak-hawak pa rin niya yung kamay ko.

Pumunta kami sa isang stole ng pagkain. Puro filipino street foods yung mga nandito. Pero nasa harap kami ngayon ng mga barbeque street foods.

"First time mo?" tanong sa akin ni Jeus.

"oum" sagot ko.

"No, hindi mo first time. Ito kaya yung paborito mong kinakain noon na miryenda. Everytime na inaaya kita ng date is lagi mo kong pinupunta sa may street foods. Hanggang sa noong nalaman ko nalang na may boyfriend kana at siya na yung lagi mong nakakasama sa pagkain ng street foods. Alam mo, that time, sobrang nasasaktan ako. Sa mga panahon na yun Ensley ay minamahal na kita. Sa mga panahon palang na hindi pa kita nakikita at mga information about palang sayo ang naalam ko ay may something na akong naramdaman. Nakaramdam ako ng excitement na makita ka at makilala ka. Hanggang sa first day of school ay may nakabangga akong isang babae na hindi kilala. Kaso naka Uniform siya ng katulad ng uniform ng Thompson University. Hindi kita pinansin noon. Hindi ko rin alam na ikaw pala yung bagong transferee na galing sa public school na kauna-unahang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa school namin. Nagulat ako that time, yung hinabol mo ako at binangga rin ng pasadya. To be honest, hindi ko talaga sinadya yun. Ang cute mo nga noon e. Lalo na noong nagagalit kana sa akin.

" Apaka ano naman neto. As in? totoo ba?" tanong ko kas hindi ako makapaniwala sa mga kinuwento niya.

"Lagi kitang tinitignan noon,kapag nasa classroom tayo ay ikaw lang yung laging nasa focus ko."

"May mga time din na pinapanood kita sa likod ng building natin sa tambayan mo lagi. Kung saan ka umiiyak at kung saan mo ibinubuhos yung mga hinanakit mo. Gusto kitang yakapin sa mga oras na yun. Gusto kitang lapitan at iparamdam na andito lang ako para sayo. Minamahal kita ng patago at nasasaktan din ako ng patago. Natatakot kasi ako na ireject mo kasi alam ko namang hindi mo ako magugustuhan at halata naman yun. Wala akong nakikitang sign na nagugustuhan mo ako. Pero pinagpatuloy kitang minahal.

" Salamat, Jeus." sambit ko sa kanya at yinakap ko siya.

"Welcome. Para sayo, lahat gagawin ko. Ayoko ng mag mahal ng patago. Mamahalin kita ng lahat ng makakaya ko. Ipaparamdam ko yung mga pagmamahal na sinayang ko dahil sa pagiging torpe ko. Nakakasawa na kasi e. Ang dami kong sinayang at ang dami kong hinayaang nawala dahil sa pagiging mahina ko. Pero ngayon, malakas na ako. Kaya na kitang ipaglaban." Nakita kong may nahulog na luha sa mata ni Jeus. Agad kong pinunasan yung mga yun. Ramdam ko yung sakit at pang hihinayang ni Jeus sa mga sinayang niyang pagkakataon sa nakaraan namin.

"Pero Jeus, wala talaga akong maalala e. Sana huwag kang sumuko na ipaalala sa akin. Dahil nararamdaman ko nalahat ng nabanggit mo ay totoo."

"I love you<3" sambit niya. Yung mga salita niya, pamilyar na pamilyar sa akin. Sa panaginip ko. Gano'n na gano'n e.

"Thank you." sagot ko. At nagsimula na ulit tumulo ang mga luha ko.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now