Chapter 29

592 23 4
                                    


Nasa Jollibee kami ngayon,inaya ako ni taong palaka,kase gusto daw niyang kumain ng spaghetti at chicken joy.

Ililibre daw niya ako eh,kaya ayun wala ng atrasan.

Habang nag oorder si taong palaka ay abala ako sa cp ko na nagpipindot pindot kahit na wala naman talaga akong kachat or katext dun.

Naiirita lang kase ako sa mga babaeng nakatingin sa amin,lalo na kay Jeus.

May kinikilig at may namumula,pero may mga naiinis din,siguro dahil kasama niya ako,ang akala nila jowa niya ako.

Kaya kung makatingin sila is wagas,na kung nakakapatay lang ang tingin,siguro kanina pa ako patay.

Hinila ako ni taong palaka,after niyang nakuha ang order niya,take out kase yun.

Kakainin daw namin habang nagrereview.

Hinawakan niya ang kamay ko,and that moment feeling ko mamamatay na ako sa kuryenteng bigla nalang dumaloy mula sa kamay namin ni taong palaka hanggang sa ulo ko.

Ang lakas din ng tibok ng puso ko,sobrang bilis. Ngayon ko lang to naramdaman. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko at ang nararandaman ko.

Sa tuwing kasama ko si taong palaka,ay nakakaramdam ako ng kakaiba. Kakaibang pakiramdam,na ang hirap kong maunawaan kung para saan yun.

Siguro nga nainlove na ko. Or inlove na talaga ako.
------------------------------------------------------------
Jeus POV

Tinititigan ko ngayon si Ensley,ang ganda niya.

Nasa old house kami ngayon para mag review. Ito kase ang naging suggestion ni tito para sa amin,upang mas makapagfocus kami. Kase kaming dalawa lang talaga dito.

Masaya ako nung nalaman kong ito yung naging suggestion ni tito,kase talagang masosolo ko si Ensley. At sigurado akong ako rin ang focus niya.

Kumakain siya ngayon ng chicken joy,ng may sauce na naiwan sa right side sa labi niya.

Agad kong kinuha ang tissue,at akmang pupunasan ko na siya ay,bigla siyang nagulat.

"hoy!" si Ensley

"oh bakit?" ako

"anong gagawin mo?" Ensley

"ah eh may dumi kase dyan sa gilid ng labi mo" ako

"saan?,dito ba?"hawak niya sa left na side ng labi niya,ako naman ay umaaction habang hawak ang right side na labi ko.

Kaya wala na akong nagawa,hindi ko napigilan ang mga kamay ko na punasan siya.

That time hindi na siya makatanggi pa.

"Thanks" Ensley.

"ok lang" ako

Nagfocus kami sa pagrereview,pero may mga time na inaasar ko siya,at siya naman na sobrang asar,bigla niya akong babatukan gamit ang libro or notebook,kung hindi naman yung pwet ng ballpen itutusok niya sa tagiliran ko.

Napapangiti nalang ako bigla ng hindi ko namamalayan. Namiss ko yung dating ako,yung ganito,yung lagi akong hyper,na laging nakangiti at nag aasar.

After 5 years heto na ako ngayon,nakangiti na ulit.

5 years na dinamdam ko ang break up namin ng ex ko na si Christine.

Iniwan niya ako because of her dreams to study in abroad. Iniwan niya ako sa ere ng hindi manlang nagpapaalam.
Iniwan niya ako ng wala akong kaalam-alam na iiwan pala niya ako,at pupunta siya sa abroad.

Nangako kami sa isa't-isa noon, na walang iwanan,we're together until in our last breath.

End Of Jeus's POV

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now