Chapter 26: Photos

108 12 1
                                    

Ely's POV

"Oh." Abot sakin ni Gio ng energy drink. Inabutan niya rin sila Ash at Kiko. "Wampipti yan. Bawat isa." Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ba 'to ginto? "Oh sige. Kawawa ka naman. Singkwenta, presyong kaibigan." Babatukan ko na sana siya ngunit nagsalita siyang muli. "O-oo na oo na! Libre na, mga walang hiya kayo!"

"Loko, anong meron Gio?" tanong ni Kiko. "Maganda yata ang mood mo para manlibre ng ganito."

"Pft. Ang sabihin mo wala siyang choice. Pasaway kasi." Natatawa namang wika ni Ash.

"H-hoy Ashton. Kasalanan mo 'tong leche ka!"

"Oh bakit ako?" hindi mapigilan ni Ash ang matawa nalang.

"Psh." Singhal pa ni Gio saka sinipa ang bench bago naupo. Pinagkrus niya ang kanyang mga bisig at nakangusong nanood sa mga nagpapractice sa court.

"Anyare diyan?" bulong naman sa amin ni Kiko.

"Hahaha! Eh pano inatake ng ulcer niya kaya ayon sinugod ko sa clinic."

"Kinaladkad!" inis pang singhal ni Gio. Ngumuso naman itong tumitig sa amin saka muling ibinaling ang paningin sa mga nagpapractice. Hindi ko alam kung paano niya naririnig ang usapan namin kahit na medyo malayo kami sa kanya. Kasalanan naman talaga niya kaya may bangas ang mukha niya.

"Oh tapos?" talagang hindi siya tinatantanan ni Kiko. Nangungulit talaga ang loko. Wala sa ugali niya ang maging chismoso kaya nakakapanibago.

Kung sa bagay. Si Gio ba naman ang kasama mo araw araw.

Well. I'm an exception.

"Ayun, tinadtad ko ng text si Ely. May quiz kasi kami kanina kaya kinailangan ko na ring umalis kaso walang kasama yung ugok." Natatawang kwento ni Ash. Minsan hindi ko alam kung naiinis ba siya o kinukunsinti niya ba si Gio sa mga kalokohan nito.

"Oh eh tapos?" paguulit na namang tanong ni Kiko.

"Ayun kailangan niyang mainject kanina. Eh laptrip bro, takot ang king*na sa injection! BWAHAHAHA...!" sabay naman nagtawanan ang dalawa, nakikinig lang ako sa kanila dahil nababadtrip pa rin ako. "...ayaw ako paalisin."

Nilingon ni Kiko si Gio na kanina pang nagdadabog. "Grabe bro, takot ka pala sa injection. Buti nalang you faced your fears. Pft. Hahaha!"

"Tumigil ka isa ka pa! Pinagkakaisahan niyo talaga ako lagi. Hmp!" Angil ni Gio at tumayo saka unti-unting lumapit sa amin. Kinuha niya pa yung bote ng energy drink niya at nagtangkang ipukpok yun kay Kiko na siya namang pilit iniwasan ng isa.

"Oh bakit may bangas yang mukha mo?" ani Kiko na sinusuyod ang bawat kanto ng mukha ng kaibigan.

"Itanong mo kay Doraemon." Nababagot na sagot naman nito saka ibinaling sa akin masamang paningin. Nginisian ko naman siya.

It's your fault stupid.

"Psh. Yaan mo na bro, gwapo ka pa rin naman."

"Hahaha! Kaya mas mahal kita sa lahat Kiko eh. Honest ka. Masyado kang honest. Bwahahaha!" sabay naman silang nagtawanang tatlo.

Mga baliw.

Parang sira paring tumatawa si Gio at hindi ko alam kung sinasakyan nalang ba siya ni Kiko or they're just both crazy.

Napapaisip tuloy ako how I became friends with these weirdos. Si Ash lang yata ang medyo matino.

Mayamaya pa ay nag-aya na si Gio na maglaro. Inilagay niya ang kanyang towel sa bench saka nagpaumunang pumunta roon sa gitna ng court para magpractice ng shooting.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon