Chapter 03

437 30 16
                                    

Gaze

Yna's POV

My head is spinning at nakaramdam ako ng kaunting pananakit ng ulo.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko saka iginala ang paningin sa buong paligid. Then I saw Viel sitting on the couch. Napansin niya ang aking pagmulat kaya nagmamadali itong lumapit sa akin.

"Bestie! Gosh akala ko kung napano ka na." Aniya at umayos ng upo sa tabi ng kamang hinihigaan ko.

Unti-unti kong inangat ang katawan ko upang maupo at isinandal ang sarili sa headboard ng kama.

"Ano'ng ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanya. I don't remember anything. The last thing in my memory is that she was about to buy ice cream.

Bigla niya akong hinampas at niyakap nang mahigpit. I heard her cry at heto na naman siya sa pagiging brutal niya. Gusto ko siyang pagalitan dahil masakit talaga yung paghampas niya pero I cannot do that to her now that she's quite worried about me.

Kumalas ako sa yakap at inalo siya. Agad naman niyang pinunasan ang mamumugto niyang mga mata.

"Bestie nag-alala talaga ako sayo ng sobra!" She pouted. Bakas ang pag-aalala sa mukha. Pilit pinipigilang umiyak ulit.

Napangiwi naman ako. Hindi halata. Kung makahampas nga siya wagas.

"Sorry. Nag-alala lang talaga ako. Kalahating oras ka na kasing walang malay." She continues as she sniffs her nose.

Kalahating oras?! Tinadtad ko siya ng tanong kahit panay ang iyak niya.

I know for sure that we are in the school clinic. Everything's white and I kinda smell the strong scent of antiseptics and such.

"Wala ka ba talagang naalala sa nangyari? tanong niya at umiling naman ako. She kept asking me random questions to test my memory.
I almost sighed looking at her in disbelief.

Okay naman ako– I think. It's just that.. my head kinda hurts a bit.

I calmed her and made sure that I'm okay. I know she's very fragile when it comes to these things. "Can't you relax a bit? My memory is okay! I can even remember every memory of my childhood. I even remembered how you peed –" pinandilatan niya ako ng mata bago ko pa matapos ang sinasabi ko.

"Ewan ko sayo! Nag-alala na nga ako eh." Aniya at bumusangot ang mukha.

"Oh siya, ba't nga ako nandito?" Alangan naman sigurong nauntog ako somewhere di ba? Hindi naman ako ganoon ka-tanga para mauntog, mahulog o kaya tamaan ng kung ano.

Napailing nalang siya at kumuha ng isang bimpo at bigla nalang idiniin sa noo ko!

I groaned dahil ang bigat bigat ng kamay ni Viel! Idiin ba naman sa noo ko ang bimpo na may yelo sa loob!

Wait? Wala naman akong lagnat ah?

I touched my forhead and I felt the little bump on it.

"Natamaan ka ng bola sa field." Kwento nito habang patuloy ang paglagay ng bimpo sa ulo ko.

Oo nga! Naalala ko nakaupo ako sa bench tas bigla nalang ako nawalan ng malay.

"Pero paano ako napunta dito? Don't tell me binuhat mo ako?" Ngumiwi naman siya. I raised my brows waiting for her to answer.

"Joke ba yan? Hindi ako bumuhat sayo. Ang bigat mo kaya!"

"Then who brought me here? Multo?" Hindi niya ako pinansin at naramdaman ko naman ang pagbukas ng pinto sa gilid ko.

"Speaking of the perpetrator.. and the savior." Dagdag ni Viel at sabay nguso sa lalaking pumasok.

Lumingon ako sa may pinto at nakita ang lalaking dumating. I can't hardly recognize his face dahil nahihilo pa rin ako.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon